New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    5
    #1
    Sad to say 1 week old palang ang kotse ko nang may sumayad sa left door panel ko, pa u turn ako and siya ay nasa first lane ng mga mag u turn pero derecho pala siya at hindi mag u turn, nalaman ko nalang sa kanya na ngtetext pala siya kaya hindi niya ko nakita.

    Mababalik pa kaya sa dati ang kotse ko pati ang mags ko kahit sa casa ko pa ipagawa?

    Kung 1 week palang naman ang kotse may possibility ba na pwede palit bago nalang na car or replace lahat ng brand new parts or talagang repair lang?

    Kung parehas kaming may insurance saan mas maganda magpaclaim sa insurance ng nakabangga or sa insurance ko?

    Help please TIA.

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    456
    #2
    Quote Originally Posted by Molos View Post
    Mababalik pa kaya sa dati ang kotse ko pati ang mags ko kahit sa casa ko pa ipagawa?
    Yup magagawan ng paraan lahat yan.

    Quote Originally Posted by Molos View Post
    Kung 1 week palang naman ang kotse may possibility ba na pwede palit bago nalang na car or replace lahat ng brand new parts or talagang repair lang?
    Hindi papalitan ng panibagong car ng casa, the moment na mag drive off ka sa lot nila, considered sold na yan. Insurance na ang bahala sa repair or pag replace ng parts involved.

    Quote Originally Posted by Molos View Post
    Kung parehas kaming may insurance saan mas maganda magpaclaim sa insurance ng nakabangga or sa insurance ko?
    Dun sa bumangga sa iyo, dapat insurance nya ang managot assuming na insured sya comprehensively. Baka tumaas ang premium mo kung sa insurance mo ipasasagot.

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #3
    Quote Originally Posted by Molos View Post
    Sad to say 1 week old palang ang kotse ko nang may sumayad sa left door panel ko, pa u turn ako and siya ay nasa first lane ng mga mag u turn pero derecho pala siya at hindi mag u turn, nalaman ko nalang sa kanya na ngtetext pala siya kaya hindi niya ko nakita.

    Iyan bang linya mo ay allowed na mag-u-turn?

    Lint!k talaga ang mga m*k*ng na iyan na nagtetext habang nagda-drive

    11.1K:transform:

  4. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #4
    kwento ko lang ang nangyari din sa akin....last month naatrasan ako at tinakbuhan ako ng nakaatras sa akin....

    comprehensive naman insurance ko,nagbayad lang ako ng participation fee na sr500 o mga 6000pesos.

    palit ng bago ang front hood at left fender ko sa casa...

    parang bago na uli....dapat ganyan din sana ang mangyari sa kotse mo broTS.

    tama si brocivicvti, di na papalitan yan ng panibagong sasakyan, ipapagawa lang yan.

    sana lang di mangyari sa iyo yung nangyari ke broResident Evil....

  5. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    5
    #5
    Salamat sa reply mga tsikoteers.

    *desert fox, Sakit naman nyan. Nangyari din sakin yan sa parking lot ng SM, pagkatanong ko sa guard kung nakita niya kung sino nakasagi, kamot lang siya eh, malayo din daw yung cctv nila hindi kita.

    *CVT allowed naman sir, U- turn slot siya, pwede pala kasuhan yang mga nagtetext o gumagamit ng cellphone while driving.

    *CivicVTI ayaw ng insurance nung bumangga ipagawa sa casa ng honda, gusto ordinaryong casa lang, pinasagot ko nalang yung deductible, bahala nako sa pagtaas ng premium

    Ganyan pala pag in house insurance ng honda kalookan under malayan, mga 2-3 weeks kang makakarining ng "follow up ko po sir".

    ginawa pa akong sinungaling ng malayan, nakasulat sa report na tinamaan yung mags, hindi daw kasama yun baka daw ako may gawa, ang sayad eh from rear quarter panel going to left rear door at side sill, pwede ba yun? tatamaan quarter panel tapos lalaktawan yung mags para umabot ng left rear door? magic tumatalbog. Kapag isasama ko daw yung mags, another claim, seperate deductible, nataon lang siguro na december ako ng claim, kelangan nila ng pang christmas bonus sa empleyado tinipid ako.

  6. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #6
    langyang mga insurance co. yan...kapag magbabayad ka, abot sa mga tenga mga ngiti..mag-claim ka...puro kalechehan sinasabi...

    mga sun and the beach!

  7. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #7
    Kumusta na nga pala auto mo broMolos?

  8. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #8
    Quote Originally Posted by Molos View Post
    *CivicVTI ayaw ng insurance nung bumangga ipagawa sa casa ng honda, gusto ordinaryong casa lang, pinasagot ko nalang yung deductible, bahala nako sa pagtaas ng premium

    Ganyan pala pag in house insurance ng honda kalookan under malayan, mga 2-3 weeks kang makakarining ng "follow up ko po sir".

    ginawa pa akong sinungaling ng malayan, nakasulat sa report na tinamaan yung mags, hindi daw kasama yun baka daw ako may gawa, ang sayad eh from rear quarter panel going to left rear door at side sill, pwede ba yun? tatamaan quarter panel tapos lalaktawan yung mags para umabot ng left rear door? magic tumatalbog. Kapag isasama ko daw yung mags, another claim, seperate deductible, nataon lang siguro na december ako ng claim, kelangan nila ng pang christmas bonus sa empleyado tinipid ako.
    Sad to hear your story bro - and for your experience, FYI that's normal. That's why what I usually do is first year lang in-house ang insurance ng mga sasakyan, after mag-expire ng coverage lipat na ako kay suki. Kapag may claim sila na bahala kumausap sa insurance mo. Sign lang ng affidavit or bigay mo lang mga records such as police report tapos na, aantayin ka na lang kung kailan mo pwede iwan ang sasakyan mo for repair, and after maayos kunin na lang.

    Tiisin mo na lang pag-antay na maprocess yung repair, mahalaga you won't have to pay in full for all the parts, and ultimately ayos ang sasakyan mo after all the hassles.

  9. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    5
    #9
    Quote Originally Posted by desert fox View Post
    langyang mga insurance co. yan...kapag magbabayad ka, abot sa mga tenga mga ngiti..mag-claim ka...puro kalechehan sinasabi...

    mga sun and the beach!
    ganyan nga, pag tatawag ka sa sales department nila wala pang 1 minute me sasagot agad, pag claims department na, transfer dito transfer don, bababaan ka pa ng telepono, palagi pang nakalunch.

    Ok na bro, palit pinto, repair side sill at quarter panel, hindi ko na sinama mags, 4.6k deductible pagclaim, 6k brand new. pagtyagaan ko nalang. mabahong aircon nalang problema.

    *batang raon
    lesson learned nga bro, lipat na din ako after 1 year. Sayang mabango panaman pangalan ng Malayan sa tao, ganyan pala sila. Pa share naman ng suki mo :lurk:

1 week old car accident