New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 4 FirstFirst 1234
Results 31 to 34 of 34
  1. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    368
    #31
    ang Pinoy nga naman- kahit saan dumadale..... buti na lang at mabait ka pa rin at di mo pinakulong o dinemanda.... o kahit ipinabugbog man lang noong pag-uwi mo.... di bale babalik din sa iyo iyan - God is not sleeping... He will reward you a hundredfold....

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #32
    kupo ranod sakit sa ulo nyan, muntik na ko niyan eh kumpare ko pa pero di ko payag kahit inaanak ko ang anak nya. Taliwas kasi sa paniniwala ko eh pasensiya buti na lang kasi me nag gurrantor sa kanya tapos nagbakasyon then dina bumalik sakit ng ulo ng nag gurrantor.

    Meron pang isang tao rito palagay ko kilala mo ito famous sya sa Doha eh na MAKAPILI kinausap ako magdala raw ako ng ginto sa pinas at kukunin daw ng bayaw nyang pulis mula sa airport at hati daw kami sa kita. bwhehehehe.... kako bakit eh ako ang uuwi kung gusto kong magdala ng ginto eh magdadala ako bat pa kita hahatian ehhee dina tumawag ang kolokoy.

  3. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #33
    hay naku ang pilipino nga naman,basta't pag kakakitaan kahit maka-perwisyo nang kapwa eh gagawin,noon mangyari sa akin na niloko ako eh isa lang ang nasa-isip ko ang gumanti,dahil sandali lang sa akin ang mag bayad nang hired killer at mga addict dyan na kahit magkano eh tatanggap ng bayad-bigay lang ang litrato niya at cguradong may pag lalagyan na cya. pero ng umuwi ako at ma-isip ko na okay makakaganti ako,pero parang hindi kaya nang konsensiya ko na kahit hindi ako mismo ang pumatay eh ako naman ang nag-utos.kaya ang ini-isip ko nalang,bahala na sa kanya ang nasa itaas ang mag parusa sa kanya.'wag nalang manggalin sa akin at hindi kaya ng konsensiya ko.

    kaya lang kung maiisip mo eh talagang magdididlim ang paningin mo,abay kada sahod eh kinakaltas ng bangko,at sa loob ng dalawang taon eh binunuo ko 'yan.kaya kapag nababanggit ang gurantor eh kumukulo ang dugo ko,ngayon mag kasamaan na nang loob kahit kumpare kopa at matalik na kaibigan eh pasensiyahan-ayaw kunang mag garantor-kasumpa-sumpa 'yang salita na 'yan,perwisyo kahit suguro may krus ka sa dibdib eh mawawala-dahil sa talagang magdidilim ang paningin mo,biro mo mag babayad ka nang utang nang iba

    kaya paalala lang sa may lalapit na magpapagarantor eh tapatin na ninyo at prangkahin na,'wag kayong papayag at kahit mag sulian na kayo ng kandila,basta't wag lang kayo pumayag-iba ang pera pag pinag uusapan,nalilimutan ang lahat...........

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #34
    hehehe, sa akin pag may umuutang isa lang sagot ko, "ganda ng samahan natin e sisirain mo pare. dami na nasira dyan. wala ka ba credit line sa banko mo?" ehehehehe. pag humirit naman na guarantor ako sa loan nya, isa lang din sagot ko, " di ako pwedeng guarantor pare at may loan din ako e. makikita yun sa credit investigation disqualified agad", or "balak ko din mag-loan e paano pa ko makakautang sa bank kung guarantor na ko?" pag humirit pa ulit e di bottoms up ng beer at sabay tayo, uwi na ko ehehehehe! lalo na pag kasamahan sa work o kapwa ofw, ulol! pareho lang kami nagpapawis e di magipon siya magisa nya, bakit ako maghihirap para sa kanya aber!

    3 times lang ako may pinautang, yung talagang friends ko. di ko na nga siningil yung 2 kahit gusto magbayad, paid for by kindness shown in advance na lang. yung isang nagbayad ng utang nya, well dati na kaming naguutangan at nagbabayaran, best pren e.

Page 4 of 4 FirstFirst 1234
OFW Short Stories (katatakutan / katatawanan / kakainisan)