New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    306
    #1
    kotse: B13 ECCS 94

    matagal ko nang napansin ito mga 2 taon na. hindi sa akin dati ito kaya di ko alam kung ganito ba talaga dati. kapag bagong bukas sa umaga mataaas ang menor mga 1.5 tapos matagal bago maging 0.8-1 rpm mga 45 mins. medyo malayo layo na rin ang natakbo ko nun. napansin ko rin during this time malakas ang konsumo ng gas. normal ba ito sa B13 sa ganitong kalumang sasakyan? medyo mga 5 mins ko lang kasi winawarm up yung auto bago ilabas. kailangan bang mas matagal? pero once naman pumatak na sa normal yung menor, ayos na yung konsumo ng gas.

    yung sa civic namin mataas din ang menor kapag bagong bukas, mataas naman talaga kapag malamig ang makina, yan ang paniwala ko. pero mabilis lang naman maging normal sa civic ang menor mga 15 mins lang. okay na.

    salamat kaibigan!

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #2
    baka naman tinangalan na ng thermostat ang makina

  3. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    306
    #3
    ^okay pa ang thermostat. nasira yung isang fan ng radiator few months ago at tumaas kaagad yung temperature.

  4. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    573
    #4
    definitely, hindi yan normal.dapat mg 2 minutes pa lang eh normal na operating temperature at idle speed ng engine. baka may problem sa idle control valve setting.

  5. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    6
    #5
    mga bossing, pasensya na sa tanong ko.. sisingit lang ako tungkol sa menor.... ano po ba ang sinasabing menor... di ko kc alam kung ano ito eh... matagal na ko nag dadrive pero di ko alam mga to....salamat...

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    266
    #6
    *novaguy, eto yung takbo o rebolusyon ng makina nag hindi naka-apak sa silinyador o gas/accelerator

  7. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    165
    #7
    *noitimed,

    sir napa-check niyo na ba ung IACV, Thottle Body at Maf. Kapag madumi kasi itong tatlong ito. Magkaka problema ka sa menor.

normal ba na matagal bumaba ang menor?