Results 971 to 980 of 1302
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jun 2010
- Posts
- 354
January 17th, 2011 06:55 PM #971
-
January 17th, 2011 08:03 PM #972
pulangred,
Ilang taon na ba battery mo? KUng lampas na ng 3 years baka sira ba battery mo at ayaw ng tumanggap ng charge. Pa-check mo sa battery shop kung oka pa yan.
Kung OK pa battery, pa check mo output ng alternator mo. Dapat around 13-14 volts and output niya kapag umaandar. If not, undercharge lagi baterry mo.
Palagay ko isa dito ang problema mo. Good luck BRO.
-
January 17th, 2011 08:07 PM #973
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 13
January 18th, 2011 06:52 PM #974Salamat sir
bumili na din ako ng bagong battery para sigurado... then after that, nalaman namin na hindi talaga nagkakarga ang alternator(stays on 12.3 maski tapakan ang gasolina) ...by the way, hirap pala kapain sa ibabaw ng silya mga belts hehehe, talaga po bang sa itaas or dapat sa ilalim diinan kung ok pa ang belt ng alternator? hirap dukutin e hahaha... kailangan ko ba itaas ng jack and unahan? Papatingnan ko din sa electrician bukas kung ok pa ang alternator. Magkano kaya paayos ng alternator? kailangan ko bang bumili ng surplus o kakalikutin lang nila yung alternator nito? Matatapos naman ito maghapon, right?
haaaay naku, dami ko pa ipapaayos nagkasabay-sabay hehehe... may tagas ng langis sa brake system. tapos sabi ng mekaniko baka klangan ng ibaba ang transmission ...kasi minsan hirap mag-change gear(parang pakiramdam ko tumatama mga ngipin maski sagad na ang tapak sa clutch) ...then hindi ko alam kung battery related yung problem na parang mamamatay ang andar ko minsan(maski todo tapak na sa gasolina ...para bang nasasamhid) haaay naku! sana matapos na soon lahat ng problem ko sa sasakyan hehehe
Magandang gabi sayo sir. Thanks uli!
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 13
January 18th, 2011 06:57 PM #975
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 13
January 18th, 2011 07:01 PM #976guys ano bang tamang sukat ng PDC ng vanette? pwede ba tayong mag 16" tapos manipis na goma?
thanks po
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 13
January 18th, 2011 07:10 PM #977pahabol pa mga sir... bakit may warning sticker sa ibabaw ng cover ng lagayan ng baterya "dont rotate the battery position, may cause electrical problem" ...may kinalaman ba yung pagkakalagay(position) ng baterya sa electrical system ng vanette? ...tama ba ako to say na oks lang position, basta yung positve nasa positive at yung negative nakakabit negative pole?
thanks po
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2006
- Posts
- 273
January 18th, 2011 07:25 PM #978pulangred,
di naman ako nakikialam sa mga gastusin, pero, sayang, napabili ka tuloy ng bagong baterya.
ang belt tensioner para sa alternator ay matatagpuan sa ilalim. kung mataas naman ang ground clearance ng vanette mo, eh, pwede na sigurong humiga ka na lang at palagay ko, madudukot mo naman yun.
sayang lang..kung malapit ka lang dito sa amin, eh, matutulungan kita sa pag-repair ng alternator, kaso, ikaw ang magbabaklas, ikaw ang magre-repair at ikaw din ang magbabalik (hands-on lang yan)..guide mo lang ako..hehehe...sa opinyon ko, baka carbon brush lang ang papalitan sa alternator sabay linis na rin ng armature. wag ka na lang bumili ng surplus na alternator (pwera lang kung sira na talaga)..labor cost ng repair....siguro 350 yung labor at mga 150 yung pair of carbon brushes....pero kung sa akin...cost lang ng brush ang gagastusin mo..hehehe..
may nabanggit ka na may tagas ng langis sa brake system mo? san banda?
at ngayon, sabi ng mekaniko mo na kelangan na bang ibaba ang transmission mo? dahil ba sa hirap mag-shift ng gear? lam mo, may ginagawa akong test para masabi mo kung kelangan na talagang ibaba ang transmission. di naman kasi maja-judge sa hard shifting ng gear..baka naman may problema sa master cylinder na kelangan lang ng repair kit? or di kaya sa secondary cylinder...naku..hangga't maari sana wag muna tayong gumastos...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2006
- Posts
- 273
January 18th, 2011 07:28 PM #979tama ka, pulangred..positive terminal sa positive clamp..and negative terminal sa negative clamp. di mo pwedeng pagbaliktarin ito, dahil maraming masisira sa vanette mo gaya ng starting system, ignition system, car stereo, mga fan & blowers perhaps...kaya may warning sticker dyan sa cover ng battery compartment..
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 13
January 18th, 2011 08:32 PM #980
Maraming salamat sa concern sir...oo nga e, mabigat din yung 4k mahigit sa new motolite gold battery
...
Naku! gustong-gusto ko yang mag "hands-on" ako... minsan isang araw papasyalan tlaga kita dyan sa QC sir. Gusto ko talagang matutunan itong vanette inside out ...ibang-iba kasi sa dati kong "owner type jeep" at "sedan" e (at least yun hindi ako kakabakaba maski san abutin tumirik) ...pero ito naninibago tlaga ako hehehe.
tagas sa brake system... dun ko nasilip sa front right side na gulong. Tapos tama ka nga, may tagas yung master at secondary cylinder... may napansin din akong pinong talsik ng langis sa fuse box. Maraming salamat tlaga sir sa tip!
By the way, sana makapasyal na ako sa inyo soon ...novaliches area lang ako. Makabawi naman sa kabutihan mo maski papaanohehehe
Gud evening uli sayo!
Thanks
san po kayo nakabili sir ng filler cap at charcoal canister?
Toyota Innova Gas Tank woes