New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 204 of 306 FirstFirst ... 104154194200201202203204205206207208214254304 ... LastLast
Results 2,031 to 2,040 of 3060
  1. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    103
    #2031
    wala namang nasaktan. nagulat lang si misis nang biglang tumigil ang car at yung kasunod ko ay naka pag break agad. halos dikit na dikit ang mga bumper ng mga nasa likod ko. Pababa kasi kaya medyo mabilis.
    Under check up pa sa casa kung ano nag cause. Di naman nangyari ito during my entire 1k. Pero malamang di naman nila sasabihin kung ano ang findings. kapag naulit ito ay malamang ibalik ko na sa kanila ang gl.

  2. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    467
    #2032
    Siyete! Pangalawa na ito sa may naging problema sa GL. Ano pa ibang detail? Totally nawalan ba ng power kahit mga accessories? Nangyari na kasi ito sa akin with my old lancer. Ang findings ko nagloose ang terminal ng battery nung mapadaan ako sa rough road. Pero malabo mangyari ito sa bagong sasakyan. Sana maging transparent ang CASA sa findings nila.

  3. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    103
    #2033
    Nawalan ng power ang GL for about 5 seconds while cruising pababa ng skyway then umilaw lahat ng signals sa dashboard. I shifted immediately to park and turn-off the engine. Nag start naman agad when I tried to start it again. Pero, para sa 1 month old AT car na kakatapos lang ng 1k pms ay not normal.

    The casa already performed a test run, engine check-up and consult at wala daw nakitang problema. Sana nga ay wag na maulit dahil nakakatakot na mangyari to sa highway or kasama ang family ko.

    I'm planning to upgrade my sound set-up this weekend but hindi na muna dahil sa nangyari. Baka ma void ang electrical ko at maging reason pa ito ng casa if maulit ang problema.

  4. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    467
    #2034
    Sa description mo sir Marck na cut ang power. Double check mo pag kaka clamp ng battery. Sana wala namang problema at hindi ECU related. Posible rin may wire na malapit na maputol coming from main power supply.

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    581
    #2035
    hmm, sana nga hindi na maulit yan at delikado saka abala kung sakali. nangyari din sa kin ito dati sa lancer ko pero hindi totally nawalan ng power, sobra lang pangit ng takbo saka me static na tunog. when i checked maluwag din ang battery terminal ko.

    pero napansin ko sa GL natin eh mukha naman mahigpit at parang me gray substance around the clamp and battery terminal. parang me glue pa ata un eh, hindi ko lang sure. hindi ba ma log sa ECU yung problema niyan pag nag run ng diagnostics sa ECU?

  6. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    103
    #2036
    Quote Originally Posted by emms1121 View Post
    Sa description mo sir Marck na cut ang power. Double check mo pag kaka clamp ng battery. Sana wala namang problema at hindi ECU related. Posible rin may wire na malapit na maputol coming from main power supply.
    Yup, na cut totally ang power. Napansin ko lang bago mangyari yun ay ang bilis ng baba ng gas indicator. Nag pa full tank ako last Sunday night then bago mag cut off ang power ay nag drop na agad ng 1/4 ang gauge. Hindi yun normal sa everyday na usage ko.

    So far ok naman last night pag-uwi ko at kanina pagpasok dito sa office. Normal pati yung gas indicator. General check up ang ginawa ng casa kahapon sa unit.

  7. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    467
    #2037
    Quote Originally Posted by marckd1 View Post
    Yup, na cut totally ang power. Napansin ko lang bago mangyari yun ay ang bilis ng baba ng gas indicator. Nag pa full tank ako last Sunday night then bago mag cut off ang power ay nag drop na agad ng 1/4 ang gauge. Hindi yun normal sa everyday na usage ko.

    So far ok naman last night pag-uwi ko at kanina pagpasok dito sa office. Normal pati yung gas indicator. General check up ang ginawa ng casa kahapon sa unit.
    Keep posting sir Marck. Sana ok na GL mo. Baka may nagalaw lang sa CASA..

  8. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    25
    #2038
    hi guys! naka 3k kms na ko, hindi ko na nadala sa casa for the 1k check up, medyo busy kasi because of the wedding. I'm traveling this weekend to cauayan, isabela, i hope walang maging problema sa buong trip..papa check up ko na lang pag balik for the 5k kms check up..

    kakatakot yung nangyari kay marckd1, sana maresolve ng casa at hindi na maulit...

  9. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    467
    #2039
    Quote Originally Posted by eugenemartinez View Post

    Pa change oil ka muna sir Eugene kung di pa na change oil GL mo bago mo ibyahe. Posible ma void warranty mo pag lumampas ka ng 2k na di pa na change oil.
    BTW, I'm from Ilagan, Isabela pero may farm kami dyan sa Cauayan. Right now nasa La union ako and I might go home this week end. Happy trip!

  10. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    103
    #2040
    Quote Originally Posted by eugenemartinez View Post
    hi guys! naka 3k kms na ko, hindi ko na nadala sa casa for the 1k check up, medyo busy kasi because of the wedding. I'm traveling this weekend to cauayan, isabela, i hope walang maging problema sa buong trip..papa check up ko na lang pag balik for the 5k kms check up..

    kakatakot yung nangyari kay marckd1, sana maresolve ng casa at hindi na maulit...
    Sana nga sir.

    Pa check mo muna sir Yung gl mo for 1k pms. Di natin alam kung gaano na katagal naka stock ang unit sa plant before mo nakuha. Malayo din ang pupuntahan mo at yung 1k pms ay madali lang naman compared sa hassle if magkaproblema ka along the way.

Nissan Grand Livina (aka Livina Geniss) [ARCHIVED]