What about this one?

http://tsikot.yehey.com/classifieds/...t/115490/cat/8

Natawaran ko sya for 150k. Though hindi ko naman talaga kelangan ung added mods, natutuwa lang ako kasi nakasr20de na sya, and nakasound setup pa.

Nakita ko na yung unit. Medyo madumi lang yung loob, may punit ung seat cover, sira yung temp gauge (accdng to the owner, sa sending unit daw), nakakabig ng kaunti pakaliwa yung steering wheel, sira yung rubber (boot ba tawag dun) dun sa may kambyo, yung sunroof parang may diperensya na ung motor, medyo maganit na yung pagbukas ng door handle sa labas, umuuga na yung side mirror.

Natest drive ko naman, though hindi hataw. Walang kalampag, malamig pa ang aircon. Alam kong kaya pang ibyahe ng malayo since the owner just came from batangas nung nagmeet kami. I was thinking, with the additional "toys" na nilagay ng owner, sulit pa rin? Kung sakaling gastusan ko pa ng additional 20k (interior/exterior detailing, bili ng sirang accessories, hilamos), mapapaganda ko na rin ung oto. Almost convinced na rin ako kunin yung sasakyan e.

Another thing, pwede bang lpg sa sr20?