New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    3
    #1
    Mga sir,

    Patulong naman ho kung ano pinakamabuting gawin. Naiwan yung Nissan Terrano namin sa Dinalupihan, Bataan nung sunday, april 18. Papunta kami Olongapo for a birthday party sana nung kumatok yung sasakyan sa SCtex. Na-tow kami sa mechanic pinakamalapit sa Dinalupihan exit. Pinabili kami ng half block engine ksi makakamura daw kesa pira-piraso. Punta kami Banawe at pinakausap pa sya sa auto supply. Pagdating ng bus, di raw yun yung kailangan nya. Andun na ko mahirap hanapin parts nun pero gumastos kami ng P50,000 halos sa engine at paglipat nun sa Bataan. Gasoline yung amin, di ko na alam kung ipa tow ko ulit para lang itambak sa bahay muna hanggang makaipon ulit o maghanap ng mekaniko na tutulong sa amin. kakabili lang namin nito ng enero 2010 tapos katakut-takot na sakit na ulo na nangyari. Nagpatingin pala kami sa 3 mekaniko (2 Pateros at 1 Marikina) para pa-check ksi nga bibyahe kami sa Olongapo. Yung 1 sabi depende kung ano raw gusto namin una paayos tapos yung ibang sumunod, inayos yung busina at auxilliary fan (kaya daw overheat pag Makati-Marikina ride). Naman, kaya nga nagpatulong ksi di namin alam kung ano dapat gawin bago magbyahe e. Tapos eto pa isa, ewan ko kung ano balak, sabi 3 days lang daw, 1 linggo na wala pa rin. Ano tingin nyo? Patulong naman ho kasi nawawala na tiwala ko sa mga tao, iba-iba sinasabi.

  2. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    1
    #2
    Tsktsk mahirap talaga makahanap ng matinong mekaniko sa ngayon. Sana sa malapit na gas station ka nalang nagpunta may mga service bay naman sila dun siguro medyo pricey lang pero di ka naman lolokohin. Anyway if you're planning to sell your car or whatever email me allensantos01*yahoo.com.ph goodluck

  3. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #3
    Tanong ko lang ano raw dahilan bakit kumatok ang makina. Ang laki na ng nagastos mo kung hindi nagawa iuwi mo na lang sa bahay ninyo para makahanap ka ng mapapagkatiwalaan mekaniko .Mahirap rin iwanan sasakyan sa malayo baka iyong matino mong piyesa mapalitan ganoon na nangako sa iyo 3days lang gawa na at isang linggo na wala pa rin ibig sabihin hindi maasahan iyong mekaniko na pinagpagawaan mo. Suggestion ko lang tutal nandiyan na iyan.

  4. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    3
    #4
    Almost one month since April 18 na naiwan yung Terrano sa Bataan. By the way, dito pala kami dinala nung tow company na AAP at sabi mapapakagkatiwalaan daw. Napa machine shop na halos lahat ng parte ng engine. As of yesterday, inaantay daw yung piston at bearing na binili nila sa San Fernando, Pampanga. Wala na ko magawa but to follow hanggang maayos na nila ito. So far, yung pina machine shop daw costs Php16,000 plus labor fixed at Php10,000. Nanghihingi ako ng estimate every week na tumatawag ako, ayaw mag-quote. Sabi nga sa akin, iniisip pa raw ang tubo kaya di makapagbigay sa akin ng presyo. Kesyo daw naghahanap pa sya ng murang alternatibo. Wala ako mahingan ng tulong para madala yung sasakyan sa amin kaya tiis na lang sa kung ano man maisip nila. Andyan na yan e. Salamat sa mga feedback para at least makita ko kung tama ba inisip ko gawin. Worst case, baka nga ibenta ko po at naisip ko yan nung umpisa. Nahimasmasan na ako kaya for now, keep namin yung sasakyan.

  5. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    11
    #5
    Quote Originally Posted by alonsuson View Post
    Mga sir,

    Patulong naman ho kung ano pinakamabuting gawin. Naiwan yung Nissan Terrano namin sa Dinalupihan, Bataan nung sunday, april 18. Papunta kami Olongapo for a birthday party sana nung kumatok yung sasakyan sa SCtex. Na-tow kami sa mechanic pinakamalapit sa Dinalupihan exit. Pinabili kami ng half block engine ksi makakamura daw kesa pira-piraso. Punta kami Banawe at pinakausap pa sya sa auto supply. Pagdating ng bus, di raw yun yung kailangan nya. Andun na ko mahirap hanapin parts nun pero gumastos kami ng P50,000 halos sa engine at paglipat nun sa Bataan. Gasoline yung amin, di ko na alam kung ipa tow ko ulit para lang itambak sa bahay muna hanggang makaipon ulit o maghanap ng mekaniko na tutulong sa amin. kakabili lang namin nito ng enero 2010 tapos katakut-takot na sakit na ulo na nangyari. Nagpatingin pala kami sa 3 mekaniko (2 Pateros at 1 Marikina) para pa-check ksi nga bibyahe kami sa Olongapo. Yung 1 sabi depende kung ano raw gusto namin una paayos tapos yung ibang sumunod, inayos yung busina at auxilliary fan (kaya daw overheat pag Makati-Marikina ride). Naman, kaya nga nagpatulong ksi di namin alam kung ano dapat gawin bago magbyahe e. Tapos eto pa isa, ewan ko kung ano balak, sabi 3 days lang daw, 1 linggo na wala pa rin. Ano tingin nyo? Patulong naman ho kasi nawawala na tiwala ko sa mga tao, iba-iba sinasabi.

    i hope this is not too late. i have a friend who used to be the chief mechanic for nissan commonwealth give him a call. he can help you. this is his number 09995411898

Need Mechanic for Nissan Terrano