Mga Guru, baka po sakaling may makatulong at makapagpayo. Ang siste po kasi ay ganire, nararanasan ko yung pasumpong sumpong na hirap sa pagistart. Yung para bang sinisinok bago magredondo at tuluyang magstart (yung sinok niya parang hiiiiiiik hiiiiiiiiiiiiiiik hiiiiiiiiiiiiiiiiiiik at yung tagal ng pagsinok niya ay pabago bago before siya tuluyang magstart). Madalas po yung ganun especially after magamit nung sasakyan. Like kunyari ginamit ko siya tapos nagpark ako, alam niyo yung tipong medyo matagal na pagpark na medyo lumamig na yung makina. The next time na istart ulit siya, 90% siguradong sisinok. Nacheck na po yung Alternator at starter at nalinis pareho. Napalitan na din po yung solenoid. Pati timing na check na, sinubukan when advanced and delay for days ganun pa din. Baka po may nakaranas na ng ganitong problem, baka po pwede niyo akong tulungan o mapayuhan. Maraming salamant po!