New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    3
    #1
    guys,

    need help baka may ma contribute kau. I bought this mitsu EL 96 this yr.
    gusto kong ipa overhauled yung makina kasi maraming na akong napagtanungan na blow by daw yung makina ko and one time sobrang itim na ng usok ang lumalabas sa muffler ko. Nung dinala ko sa gasoline station service center para tingnan, nakita nila na may crack daw yung cylinder ko tapos sobrang alog daw nung crankshaft. may tama na din daw ung mga bearing ko.and na experience ko na rin na tumirik yung tsikot dahil sa overheat sbi nung mechanic one of the reasons daw un kaya nasira un engine ko. They suggest to change my engine na lng daw..any suggestions?? sbi nila pwede daw na 1.5 yung ipalit ko kahit na 1.3 lng yung makina ko...san ba merong mga surplas nito? and ano po bang maganda overhauled ko lng or change engine na?
    hope u could share something...thanks..

  2. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    7
    #2
    sir ask ko lang san po ba place nyo? kse kung bandang south area po kayo you can check sa pasay madami pong mga surplus dun sa evanghelista. kung medjo malapit sa cavite check nyo sa imus sa may sophia, madami pong surplus engine dun. kung magpapaoverhaul nman po kayo medjo malaki laki rin ho magagastos since blow by na nga daw ka nyo. medjo di ko ho alam presyuhan ng mitsu, malamang ho nyan medjo mataas taas kesa toyota. toyota po xe akin. kung mejo may budget nman ho kayo maganda ho gawin nyan engine transplant na nga lang at pacheck nyo narin makina xe ho di rin tayo sigurado jan dahil surplus baka magkadoble doble pa gastos nyo.

  3. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #3
    sa kuwento mong yan kung magpapa overhaul ka mukhang mapapalaki ka ng gastos sa pagpapa overhaul tiyak sa piyesa at pagpapa machine shop pa lang gagastos ka na halos nakabili ka na ng surplus na makina wala pa ang labor ng makina dyan ang kagandahan lang ng nagpa overhaul ka di mo na kailangan pang mag pa change engine report sa LTO pero kung sablay naman ang gawa ng mekaniko bale wala din ang mga nagastos mo.

    sa pagpalit naman ng makina hindi ko masasabi na 100% sure na maganda ang makukuha mo kasi merong ilang mga shop ng auto-parts surplus ay pinapalabas galing japan ang binebenta nila pero ang totoo nagamit na nila bale napagpalitan na so lumalabas na pinoy surplus na yan, pag tunay na japan surplus naman bibihira naman ang sablay dyan bale ang poproblemahin mo lang na maliit dyan yun pagpapachange engine report pero kung kumpleto naman sa papel yang makina na bibilhin mo at ok ang rehistro ng kotse mo kumpleto rin mas lalong liliit ang problema mo dyan.

    kung gusto mo magpalit ng makina ang mairerecommend ko yun 4G15 na SOHC 16 EFI na kasi mas fuel efficient yan kesa sa de karburador na makina pero meron ding 4G15 na SOHC na 12valve na de karburador, puede rin kung 1.3 or 4G13 ulit ang ipalit mo kaso kaya mas maganda ang 1.5 kasi hindi masyado puwersado ang makina mo lalo na't kung naka aircon ka at naka power steering pa at di lang yan sa paakyat hindi rin hirap

    eto may nakita ako.

    http://www.sulit.com.ph/index.php/vi...eds/id/1173821

    ay oo nga pala bale sa presyo ng bawat makina ay wala pa ang labor ng mounting at wiring.

  4. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    7
    #4
    oops sorry mitsubishi cars talk pala napasok ko pasensha na...

    sir add ko lang, when planning for engine transplant aside from the cost of the engine itself, you should also consider the cost of labor, wirings, etc. tama ung mga sinabi ni sir boy tino. mejo malaki laki ngang budget yan kaya konting ingat lang din po sa mga shops na nagbebenta ng engines at nagooverhaul check nyo po maigi para po di masayang pera.

  5. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    76
    #5
    Quote Originally Posted by MARCIAL View Post
    oops sorry mitsubishi cars talk pala napasok ko pasensha na...

    sir add ko lang, when planning for engine transplant aside from the cost of the engine itself, you should also consider the cost of labor, wirings, etc. tama ung mga sinabi ni sir boy tino. mejo malaki laki ngang budget yan kaya konting ingat lang din po sa mga shops na nagbebenta ng engines at nagooverhaul check nyo po maigi para po di masayang pera.
    Tama lang ang magingat at magcheck and double check, pero paano? What tips or guidelines for ordinary folks?

  6. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    3
    #6
    thanks guys sa mga suggestions nyo...well appreciated..
    tinry kong pumunta sa evangelista at may nakita kaming engine.
    same engine as mine..
    bale nabili ko na sya at ok naman yung papers with 1 month warranty..
    pinapakabit ko na sya now..mas mura kasi kung same engine at inisip ko
    rin na baka may babaguhin pa sa wiring kapag nag iba ako ng engine..

    sana nga sulit ito.tinest naman namin ung engine..

    thanks ulit..

  7. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    812
    #7
    Nice sir! Keep the thread posted for any updates

overhauled or change engine?? need help.