New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 360 of 660 FirstFirst ... 260310350356357358359360361362363364370410460 ... LastLast
Results 3,591 to 3,600 of 6591
  1. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,999
    #3591
    jru120, nakaka 10 to 12k kms lang ako per year,

    noxiuos, hindi ko sure saan sa manila meron, dito ko lang sa amin nakuha sa suking autosupply. mas tumatagal yung brand na yan kaysa sa oem.

    oliver 1013, pag baha laban ako diyan, If you mean limitation as in bago tumirik ang engine, its the same level ng side marker natin. kung papansinin mo yung airbox natin, yung tube na pumasok sa side. and end niyan parang flared port na pataas. as long as di humigop ng tubig yan safe ka. imho no damage ang mga below 1/2 ng tire. pag nasa 3/4 na ng tire (lubog na yung mga axle) advisable na parepack ng front bearings and change diff oils. pag nalubog mo na buong tires for sure inabot naman yung breather ng tranny. theres a chance na pasukin ng tubig sa mga breathers. minsan naexperience ko napabilis ang dive sa baha umilaw yung mga indicators sa dashboard. nabasa ko yung alternator.
    Last edited by promdiboy; April 23rd, 2009 at 02:39 PM.

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    84
    #3592
    Quote Originally Posted by testament11 View Post
    kung motor, maayos pa yan. pero kung putol na yung cable niya, mukhang mahirap. ako nagpalit last year. mahal pa naman ang power antenna
    how would i know kung motor ang sira or yung cable? newbie po...

    thanks

  3. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    48
    #3593
    Quote Originally Posted by testament11 View Post
    ako nakapagpalit na ng compressor. magkano ang inabot ko sa bagong compressor, 16k. pero yun price na yun, tinaga naman ako sobra kesyo kelangang kelangan ko na. meron ako napagtanungan na 12k or 13k ata brand new compressor. scout ka pa, madami pa mura. anong shop napagtanungan mo bro?
    sir, dito sa marikana ako nagtanong, bantug aircon. san ung 12k sir? thanks. 2 weeks nang walang aircon pajero ko..

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #3594
    sir dahc, sa meycauayan po yung sinasabi ko.

    sir downshift, kung motor sira, wala ka na maririnig na tumutunog pag ginamit mo yung antenna. kung cable naman, dapat aandar pa rin ang motor mo kaso yung antenna, hindi umaakyat o bumababa. para macheck mo, try mo hugutin yung antenna mo, pag madali mo nahugot, cable, pag hindi, motor malamang sira ng sa yo

  5. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    851
    #3595
    good day...

    ask ko lang kung ok na ba ang quote sa akin for calibration? estimate is P8,500 dito sa petron along marcos hiway... same problem gaya ng ibang owners dito... one click lang ang start.. then after a few seconds, parang nalulunod then namamatay na.... then hard starting.... kapag uminit na, ok na the whole day.... based sa nakausap ko dun, kailangan din daw palitan yung bushing (ano bang part toh) although around 400pesos lang naman... ok na po ba ang price? rough estimate lang naman po yan. thanks. medyo malayo po kasi ang central diesel or betan sa lugar namin... although madami na rin dito sa tsikot ang nakasubok diyan sa petron.

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #3596
    Quote Originally Posted by promdiboy View Post
    jru120, nakaka 10 to 12k kms lang ako per year,

    noxiuos, hindi ko sure saan sa manila meron, dito ko lang sa amin nakuha sa suking autosupply. mas tumatagal yung brand na yan kaysa sa oem.

    oliver 1013, pag baha laban ako diyan, If you mean limitation as in bago tumirik ang engine, its the same level ng side marker natin. kung papansinin mo yung airbox natin, yung tube na pumasok sa side. and end niyan parang flared port na pataas. as long as di humigop ng tubig yan safe ka. imho no damage ang mga below 1/2 ng tire. pag nasa 3/4 na ng tire (lubog na yung mga axle) advisable na parepack ng front bearings and change diff oils. pag nalubog mo na buong tires for sure inabot naman yung breather ng tranny. theres a chance na pasukin ng tubig sa mga breathers. minsan naexperience ko napabilis ang dive sa baha umilaw yung mga indicators sa dashboard. nabasa ko yung alternator.
    PB abot bumper yung nilabanan ko, mga ilang stretches of at least 10meters, kelangan ko na ba pa repack bearings and change differential oils? pero wala naman umilaw sa dash ko for the rest of the excercise

  7. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,999
    #3597
    oliver1013, dont worry bro, hindi naman talaga mandatory na papalitan ,OC lang ako masyado siguro. SOP ko na yan after water fording pag rainy season, naninigurado lang na walang nakapasok na tubig. pag may tubig kasi nahalo sa grasa chances are may kakalawangin. pag 4x2 ka di mo problem to. rear diff oil lang papalitan.

    Downshifter, antenna stalk usually nasisira diyan, sirain talaga yan, bili ko yata dati 2k oem. pag bibili kayo radio mas ok alpine sa pajero para di palagi gamit yung power antenna. pag naka CD mode ka di siya aakyat. pag pioneer kasi pag on palang akyat na agad.


    junerski, pwede nayan, hindi lang ako sure kung same parin as oem gagamitin nila, sa CDC inabot ako ng 19k, kaya bargain na yan. sakit ng injection pump ng 4m40 yan, oil seal sa pump mismo ang sira. kung ok pa takbo and walang usok, malamang ok pa nozzle tips mo. pwede mo pacheck sa kanila kung palitin narin ba. malaki din mababawas sayo. parang 1.5k yata kung tama alala ko isang nozzle tip charge saakin dati sa CDC.

  8. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #3598
    pag pioneer kasi pag on palang akyat na agad.
    agree ako dito! pioneer ang head unit ko ngayon. dyan din nasira ang oem kong antenna eh. kahit naka-cd ka, akyat din ang antenna. nung pinalitan ko ng bago, nagseries na ko ng switch para sa antenna para kung gagamit ako ng radyo, tsaka ko lang siya switch on. pag naka ipod mode, naka-off ang switch.

    pb, may idea ka ba magkano ralliart rims ngayon?

  9. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    851
    #3599
    Quote Originally Posted by promdiboy View Post
    oliver1013, dont worry bro, hindi naman talaga mandatory na papalitan ,OC lang ako masyado siguro. SOP ko na yan after water fording pag rainy season, naninigurado lang na walang nakapasok na tubig. pag may tubig kasi nahalo sa grasa chances are may kakalawangin. pag 4x2 ka di mo problem to. rear diff oil lang papalitan.

    Downshifter, antenna stalk usually nasisira diyan, sirain talaga yan, bili ko yata dati 2k oem. pag bibili kayo radio mas ok alpine sa pajero para di palagi gamit yung power antenna. pag naka CD mode ka di siya aakyat. pag pioneer kasi pag on palang akyat na agad.


    junerski, pwede nayan, hindi lang ako sure kung same parin as oem gagamitin nila, sa CDC inabot ako ng 19k, kaya bargain na yan. sakit ng injection pump ng 4m40 yan, oil seal sa pump mismo ang sira. kung ok pa takbo and walang usok, malamang ok pa nozzle tips mo. pwede mo pacheck sa kanila kung palitin narin ba. malaki din mababawas sayo. parang 1.5k yata kung tama alala ko isang nozzle tip charge saakin dati sa CDC.
    ok! thanks... yup, sinabi naman nung kausap ko na check din nila yun... tama, P1575 quote sa akin per piece ng tip... di pa naman mausok takbo ng ride ko, so sana ok pa mga tips para masmura gastos. update ko kayo sa trabaho nila para may alternative mga pajero owners from the east

  10. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    150
    #3600
    sir noxious, nagpalit na po ako ng glow plugs last month. jkt yung brand made in japan P200 ang isa. ok naman. 1 click starting na ako sa umaga. akala ko dati injection pump na ang sira. pagtest ko sa glow plugs, tatlo na yung busted. thank GOD at hindi injection pump ang sira.

    sir AC, masmura ang R15, mga P4,000+- P5000+ ang isang tire. nagpalit nga ako ng surplus tires nung sept of last year. P3,000 ang isa 275/70 r16 at medyo makapal pa ngayon pero ang problema, nagcracrack na dahan2x yung mga tires. bs winter dueler yung tires from japan at summer na ngayon. di yata talaga pwede yung winter tires dito sa atin. at that time yung price ng brand new nexen tire is P4,800 pa. nagsisisi nga ako kung bakit ko kinuha yung surplus na kunti lang price difference nila sa brand new. charged to experience na lang.

    thanks sir, pb.

Mitsubishi Pajero Fieldmaster (Gen 2.5) [ARCHIVED]