New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 127 of 254 FirstFirst ... 2777117123124125126127128129130131137177227 ... LastLast
Results 1,261 to 1,270 of 2533
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #1261
    welcome to tsikot and congrats sa nabili ninyong itlog!

    ask your tatay kung kailan ang huling palit niya ng timing belt? pinapalitan kasi ito every 70,000 kms., mahirap maputulan nito kasi.

    sa kalampag, ipa-check mo ang shock absorbers kung ok pa.
    nasa more or less P3.5k ang isang KYB gas shocks sa banaue ngayon.
    kapag kapos sa budget, nandyan ang zeon gas shocks, nasa P1.3k each.

    goodluck po, paunti-unti maayos din yan.

  2. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    16
    #1262
    Quote Originally Posted by zero View Post
    welcome to tsikot and congrats sa nabili ninyong itlog!
    Thank you so much!

    Quote Originally Posted by zero View Post
    ask your tatay kung kailan ang huling palit niya ng timing belt? pinapalitan kasi ito every 70,000 kms., mahirap maputulan nito kasi.
    Nabanggit din ng mechanic yata yan. Sige.

    Quote Originally Posted by zero View Post
    sa kalampag, ipa-check mo ang shock absorbers kung ok pa.
    nasa more or less P3.5k ang isang KYB gas shocks sa banaue ngayon.
    kapag kapos sa budget, nandyan ang zeon gas shocks, nasa P1.3k each.
    Nag-canvass narin ako ng shock na gas at fluid type. I post ko dito ang price next time.

    Quote Originally Posted by zero View Post
    goodluck po, paunti-unti maayos din yan.
    Salamat sa help (tips) mo!
    Last edited by froilanr; May 4th, 2011 at 12:57 PM. Reason: fix quote. added message.

  3. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    52
    #1263
    Quote Originally Posted by melboy View Post
    Mga ka member tanong ko lng may idea ba kayo kun ano problema sa auto kung na masyado mataas ang palo ng rpm pag swirch on ng aircon nasa 1400 pero bumababa naman sya sa 1000 a few seconds kaya lng erratic ang idling nya.Bagong palit with brand new ang servo nito..
    *melboy
    Paps try mo muna reset ang ECU. Hugutin mo yung negative terminal ng battery for about 10mins at I-on mo yung headlight switch. After 10mins off mo yung headlight switch and kabit ulit terminal ng battery. Mapapansin mo na magrereset din yung clock ng oto. Then start mo yung oto pero antayin mo muna mawala yung CHECK ENGINE LIGHT bago mo i-start. Hayaan mo muna sya mag warm up for about 3-5mins. After nun ON mo aircon and observe kung ano ang magiging idle reading nya(RPM). Meron po pinipihit sa ibabaw ng Throttle valve na plastic na turnilyo. Pinipihit ito kapag gusto mo i-adjust ang rpm kapag naka-aircon ka. Clockwise para bumaba(kapag sagad na iba na ang gagawin) Counter clockwise kapag gusto mo tumaas ang RPM. HTH


    Quote Originally Posted by Drodis View Post
    Good morning mga kaitlog. just got my itlog 4 months ago, okay ang makina wala ako naging problem,yung body lang mejo madami na gas gas, pero ok lang basta maayos takbo next time ko na pproject ung hilamos, anyway, meron lang akong napansin na squeeking sound pag nag bbreak ako so nung pina check ko likod lang yung chineck ng mechanic sabe may tagas daw yung cylinder so pinapalitan saking and I spent 1800php with labor for a pair of cylinders sa likod, sabe pa ng mechanic makapal pa daw kase yung pads, after that napansin ko andun padin yung ingay, at parang sa harap, saan kaya ako papa check and ano kaya sira mga kaitlog? salamat sa mga tulong niyo.. taga pasay nga pala ako.. thanks a lot...
    *Drodis
    Paps try mo pacheck yung breakpads mo sa harap baka yun ang mainipis na kaya may squeeking sound. Dun sa mga shops na BREAK and CLUTCH relining ata yun.. Dami sa Pasay Taft nyan. Try mo din observe yung sa shocks mo baka dun naman galing yung squeeking sound pagnapreno ka.

    Quote Originally Posted by raven nayl View Post
    hi po mga owners ng lancr itlog ask ko actually im a newbie when it comes to lancer itlog. kabibili ko lng ng lancer itlog ko 94 model glxi may problem po ako sa minor nya dahil po pabago bago. ok lng po sya pag naka aircon pag pinatay ko na halos umabot na sa 2000 ung rpm ko. ano po kaya mga posibleng problema pag gNUN ang observation. salamat po sa help nyo...

    *raven nayl
    Paps try mo din ito..

    Reset ang ECU. Hugutin mo yung negative terminal ng battery for about 10mins at I-on mo yung headlight switch. After 10mins off mo yung headlight switch and kabit ulit terminal ng battery. Mapapansin mo na magrereset din yung clock ng oto. Then start mo yung oto pero antayin mo muna mawala yung CHECK ENGINE LIGHT bago mo i-start. Hayaan mo muna sya mag warm up for about 3-5mins. After nun ON mo aircon and observe kung ano ang magiging idle reading nya(RPM). Meron po pinipihit sa ibabaw ng Throttle valve na plastic na turnilyo. Pinipihit ito kapag gusto mo i-adjust ang rpm kapag naka-aircon ka. Clockwise para bumaba(kapag sagad na iba na ang gagawin) Counter clockwise kapag gusto mo tumaas ang RPM. HTH
    Kapag ganun pa rin palinis mo ang servo at check may mga gears kasi yan sa loob at baka may mga bungi na. Nakakabili ng kit nyan.

  4. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    16
    #1264
    About sa shock absorber ng Lancer EL 94 model ko.

    Nakapag-canvass palang ako sa isang tindahan dito sa Dau, Mabalacat, Pampanga.

    Front shock: P3,300 (gas type); P2,700 (fluid type); Bearing type; Kayaba brand

    Titingin pa ako sa iba kung saan meron mas-mura na ganun din brand.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #1265
    *froilanr,
    ayos na ang kyb price na yan, magtanong ka na rin ng shock mounts dahil malamang meron na rin bitak ang old mountings mo. nung nagpalit ako, nasa P480 ang isa, JAG ang magandang replacement brand. P200 ang labor per side ang siningil sa akin.

  6. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    16
    #1266
    Quote Originally Posted by zero View Post
    *froilanr,
    magtanong ka na rin ng shock mounts dahil malamang meron na rin bitak ang old mountings mo.
    Yan din ba ang tinatawag na shock support?


    Quote Originally Posted by zero View Post
    nung nagpalit ako, nasa P480 ang isa, JAG ang magandang replacement brand. P200 ang labor per side ang siningil sa akin.
    Salamat ulit sa info na yan. Malaking tulong ang mga ito.

  7. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    16
    #1267
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    malakas ba usok? normally pag ganyan oil seals...
    Meron rin akong tanong patunkol sa white or puting usok. Kasi ganun din ang problem ng Lancer ko.

    Yung oil seals ay yan din ba ang valve seals?

  8. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    16
    #1268
    Newbie question.

    Parehas ba ang timing belt sa alternator belt? Iisa lang sila?

  9. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    8
    #1269
    Salamat sir Inno, papa check ko na sa sweldo yung breaks ko, last question sir, any Idea pano mawala ang kalampag, ano dapat pa check, and ano papalitan, if you can give mean an estimate kung magkano aabutin sir, appreciate your help sir. \m/

  10. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    52
    #1270
    Quote Originally Posted by froilanr View Post
    Newbie question.

    Parehas ba ang timing belt sa alternator belt? Iisa lang sila?
    *froilanr
    Magkaiba po sila sir. Timing belt is nasa loob nung black plastic cover sa upper rightside(facing the engine bay) ng makina tabi ng oil cap(sa Cam gears kasi ito nakakabit). Kapag binukasan yun tsaka mo palang makikita yung Timing belt. Range ng price nito is from 2K up. Buy OEM parts para safe.

    Yung alternator belt naman located sya sa bandang ilalim at madali sya makita kasi nasa labas lang sya at connected syempre sa alternator.

    Quote Originally Posted by Drodis View Post
    Salamat sir Inno, papa check ko na sa sweldo yung breaks ko, last question sir, any Idea pano mawala ang kalampag, ano dapat pa check, and ano papalitan, if you can give mean an estimate kung magkano aabutin sir, appreciate your help sir. m/
    *Drodis
    Marami po sir dapat ipacheck went it comes sa pang-ilalim. Normally ang malimit masira sa oto is shock absorbers,shockmounts, bushings,balljoints,tierod etc. Hindi ko kabisado yung iba pa pero if i were you try to observe muna kung saan talaga nanggagaling yung kalampag either harap o likod and kung anong klaseng tunog meron like squeeking or toktok sound.. Yung iba kasing problem nakukuha sa pag-spray ng WD40 eh..hehehe

    Regarding sa pricing ng parts depende pa rin sa kung ano papalitan. Try to canvass muna sa ibat-ibang shops baka makakatipid.

LANCER Itlog (93-96) Owners - Please Post Here!