Sumilip ako sa ilalim ng L300 WT (closed van) namin habang pinapalitan tie rod. Nakita ko may dent at gasgas yung chassis sa banda harap, both sides. Pag trace ko, nakita ko yung turnilyo ng centerlink (both sides), gumagasgas sa chassis pag naka-liko yung gulong. Yung gasgas, may dent pa- mukhang mas malakas rubbing pag loaded.

Out of curiosity, sinilip ko yug isa pa naming L300, FB naman. Ganun pa din, may gasgas! Di naman yata normal yun diba? Pinapag-isipan ko pa kung anong pwedeng rectification pwede gawin.

Sa ibang L300 owners, tumatama din ba yung sa inyo?