Quote Originally Posted by perrydel View Post
Madami sign ang makina kung kailangan talaga i overhaul, hindi lang mausok. Dapat siguraduhin mong kabisado ng mekaniko ganyang makina. Madaming pinangagalingan diperensia ang mausok. Baka napagpatingnan mong mekaniko sanay sa nga pang jeep na makina iba ang ganyan o di kaya kailangan ang malakihang trabaho, Be careful.
Wag ka agad maniwala ng general overhaul ek ek na yan. Dalhin mo sa shop na may compression tester. Pasukat mo ang compression pressure, kung mababa talaga then saka ka mag decide na mag pa overhaul ng piston/rings & intake/exhaust valve lapping. Pa calibrate mo ang fuel injectors (sabi mo fuel injection pump lang) baka yan lang ang problema. Pag katapos ba ng fuel pump calibration ay tama ang pagka balik ng injection timing? Pa check mo ang timing sa talagang marunong, better check your manual for the correct ignition angle (degrees BTDC). Yan muna ang pagawa mo then see kung mag improve. HTH