New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    4
    #1
    Yun pong AT montero 2006 (diesel) namin meron squeaking sound kapag inapakan yung gas pedal. Nangyayari po ito kapag kaka-start lang, nawawala kasi yung sound after around 5 mins. na tumatakbo.

    2 times na po namin pinapalitan ng belt sa suking talyer lang pero di pa rin nawala. One problem pa po is this morning lang ayaw na lumamig nung aircon.

    Last option po namin is ipaayos sa casa. Baka naman po may nakakaalam dito na shop ne pwedeng gumawa ng ganitong problem para medyo maka menos sa gastos.

    Also, ano po kaya ang problem nun?

    Salamat po!

  2. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,726
    #2
    squeaking sound ba pag tumatakbo na or kahit naka stop pag rev mo may squeaking sound?? possible you need to replace your crank shaft pulley.. yun aircon separate problem yan baka wala na refrigerant or sira na ang compressor

  3. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,763
    #3
    Quote Originally Posted by Triple Ek View Post
    Yun pong AT montero 2006 (diesel) namin meron squeaking sound kapag inapakan yung gas pedal. Nangyayari po ito kapag kaka-start lang, nawawala kasi yung sound after around 5 mins. na tumatakbo.

    2 times na po namin pinapalitan ng belt sa suking talyer lang pero di pa rin nawala. One problem pa po is this morning lang ayaw na lumamig nung aircon.

    Last option po namin is ipaayos sa casa. Baka naman po may nakakaalam dito na shop ne pwedeng gumawa ng ganitong problem para medyo maka menos sa gastos.

    Also, ano po kaya ang problem nun?


    Salamat po!
    Boss saan ba location mo para may makapag-reco sa'yo? Yung sa aircon check mo yung fuse baka yun lang problem.

  4. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    4
    #4
    Salamat po sa mabilis na reply!

    Yung squeak sound kapag tumatakbo lang, kapag inapakan yung gas pedal. Pag nakahinto wala po.

    Sa La Loma, QC po ako. Lapit banawe. Dun na po namin dinala dati kaya hanap ng iba....

    BTW, kaka text lang po ni misis lumalamig na daw yung aircon...tapos nawala ulit....

  5. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,763
    #5
    Quote Originally Posted by Triple Ek View Post
    Salamat po sa mabilis na reply!

    Yung squeak sound kapag tumatakbo lang, kapag inapakan yung gas pedal. Pag nakahinto wala po. - Bearing ito most probably. Have them checked as well as yung brake pads if pudpod na.

    Sa La Loma, QC po ako. Lapit banawe. Dun na po namin dinala dati kaya hanap ng iba....

    BTW, kaka text lang po ni misis lumalamig na daw yung aircon...tapos nawala ulit....
    Yung sa ac mo boss most probably sa expansion valve na yan. May Lamig pa naman pala at nawawala lang. Most probably yun ang may problem. I suggest na sabay mo na rin ipalinis yang AC once na magpalit ng expansion valve parang isang trabaho lang.

  6. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    101
    #6
    Quote Originally Posted by Triple Ek View Post
    Salamat po sa mabilis na reply!

    Yung squeak sound kapag tumatakbo lang, kapag inapakan yung gas pedal. Pag nakahinto wala po.

    Sa La Loma, QC po ako. Lapit banawe. Dun na po namin dinala dati kaya hanap ng iba....

    BTW, kaka text lang po ni misis lumalamig na daw yung aircon...tapos nawala ulit....

    regarding sa aircon niyo, ganyan na ganyan din yung sakit nung civic fd namin. sala sa init,sala sa lamig. ilang beses na nilinis ng casa di nila malaman kung ano sira, every linis pa ng aircon may bayad. Ang ginawa namin pina check namin sa denso sa may q.ave, ayun relay lang daw, ang itsura para siyang plug na tatlo yung pantusok. 1,500 ginastos namin.

    Sana makatulong sir.

  7. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    4
    #7
    Salamat po sa mga reply. Noted po lahat ng sinabi nyo. Balitaan ko po kayo after ko ipagawa....

  8. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,763
    #8
    Quote Originally Posted by Triple Ek View Post
    Salamat po sa mga reply. Noted po lahat ng sinabi nyo. Balitaan ko po kayo after ko ipagawa....
    - sige chief, balitaan mo kami ha.

2006 AT Montero Problem