Mukhang ahas-tulog yung napatay na snake. walang kamandag yun. Kung makakakita naman kyo ng green na payat "dahong-palay" ang tawag dun. Kung brown na medyo squarish(kwadrado) ang body "mamamalaka" (puro palaka ang hina-hunting) ang tawag dun. At pag nakakita kayo ng pagkadami-daming mamamalaka na naglilingkisan, yun ang tinatawag na "kuyog". Kasi puro lalaki yun na kinukuyog ang nag-iisang babae. Talagang hihimatayin ka sa takot pag yun ang nasalubong no sa daan. Bakit ko alam? sa barrio po ako lumaki hanggang high school, bukid ang kabilang kalsada namin at kawayanan at tumana(gulayan) ang likod ng bahay. At ang playground po namin dun ay kawayanan, bayabasan, manggahan, sapa at tabing-ilog. Madalas kaming makapatay ng mga ahas na ganun, pwera lang yung sawa at ulupong. takot kami dun. Sorry off-topic na yata, na-miss ko lang bigla yung childhood ko. he-he.




Reply With Quote
