Grabe year 2022 may post ako about sa south mga shabu sa alabang tapos ngayon balita talamak jan holdapan mga nakabatak. Ano ba yan south mas worst pa kayo sa recto. Meron nag-aalaga ng addict jan para flowing ang bentahan shabu

facebook
MUNTINLUPA NEWS EXPRESS 3h

ULAT | Suspek sa pananakit sa loob ng jeep sa South Station, Muntinlupa, nahuli na

Nahuli na ng mga awtoridad ang suspek na sangkot sa insidente ng pananakit na naganap sa loob ng isang pampasaherong jeep sa South Station, Muntinlupa.

Batay sa salaysay ng isang saksi, isang lalaking walang suot sa pang-itaas ang biglang sumakay sa jeep. Makalipas ang ilang sandali, tatlo pang lalaki ang umano’y sumunod at agad itong pinagsusuntok sa loob ng sasakyan.

Sa takot ng mga pasahero na baka lumala pa ang sitwasyon at may dalang armas ang mga sangkot, nagpasya silang paandarin ang jeep. Gayunman, hindi rito natapos ang kaguluhan dahil inambaan din umano ng suntok ang iba pang pasahero.

Dalawang senior citizen ang nagtangkang protektahan ang mga pasahero. Isa sa kanila ang nagtamo ng matinding pinsala at isinugod sa Asian Hospital para sa medical examination at agarang gamutan.

Nilinaw rin ng saksi na walang pagkukulang ang matandang driver ng jeep, na tinatayang nasa edad 70 hanggang 80, dahil siya man ay nalagay sa panganib at ginawa ang kanyang makakaya upang mailayo sa kapahamakan ang mga pasahero.

Ayon sa ulat, nahuli na ng mga awtoridad ang suspek at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at kung may iba pang sangkot sa insidente.

Batay sa salaysay ng saksi at inisyal na impormasyon. Hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng mga awtoridad hinggil sa buong detalye ng kaso.

comnents
Bian Norcio
Madaming ganyan s ilalim ng tulay at s palengke ng alabang.. Mga nagrarugby.. 😊

Geronimo B Balbalsosa
Bian Norcio oonga dito sa may overpass
Samay tapatng dating estarmall, andami dito.

Michael Reloj
Bian Norcio kapitana Tin-tin Abas baka po may magawa po tayong paraan sa alabang para sa mga nag rurugby na kabataan dyan sa south station and alabang palengke. Solution po sana hindi po pang short term solutions. Sana po mabigyan pansin din po ung snatchers bandang papasok ng Susana tapat ng starmall. Kasi kilala na po tlga dyan nakawan cellphone.

Salamat po sa tugon.


Raquel Batac Cardama
Bian Norcio at sa may palabas ng tollgate daming agaw cellphone gang

Gretchen Magbanua Barnido
Marami po kasi rugby boy dyan sa may south station sa may foot bridge along palengke hanggang Jollibee pati sa foot bridge south station to festival palakad lakad cla minsan nasa sulok kahapon nga may nakasalubong kami 2 nagrurugby dinidikitan nila ung batang studyante nakakatakot lang sawayin kasi may karga akong baby baka may dala cla patalim dapat tlaga visible po mga pulis dyan Ruffy Biazon hulihin din mga rugby boy at nagsosolvent dyan

Magistrado Jonathan
I once had an experience there sa mga kabataan na nakikisilong sa Payong kapag naulan and then paiikutan ka nila asking for money habang may nakatutok na patalim sayo. Nakikita yun nang mga Tindero sa Bangketa but they never helped me.

Nakakatakot na kahit saan at nakakalungkot na pabata nang pabata ang gumagawa nito pero walang nagagawa yung matatanda at may kapangyarihan sa Gobyerno.

There's No Prevention.. Only Damage Control..

Tess Carmona
Dapat po may mga Pulis lalot gabi dyan ilalim ng tulay Uwian po galing work at Papasok pa sa work ang iba *10 pm dapat po mas dagdagan ang patrol hinde isang kanto lng .

Coleen Cor
Amad Espanto Ruffy Biazon paki ayos nyo din ang traffic flow sa Alabang. Na halos umabot na sa tollgate pa laguna bago umikot ang mga galing alabang-zapote rd.

Iklian nyo naman kaya yung bottle neck andun sa tollgate na kasabay ng mga jeeps yung mga provincial buses