Results 31 to 40 of 44
-
tsikotilyo
- Join Date
- May 2005
- Posts
- 473
November 12th, 2006 02:41 AM #31yung lugawan ni mang tani sa st. michael meyc.nung mid 90's ang daming kumakain dun, gabi gabi kami ng tropa yun ang diner namin,last time na nagpunta ako dun kasama ko si misus kaming dalawa lang ang kumakain...
dati sa may malinta intersection merong lugawan,"lugawan ni akong" super sarap talaga yun kaso di ko na alam kung ano na nangyari dun.
kung pupunta kayo sa bulacan sa baliwag masarap serkele.
by the way difference between lugaw and goto,lugaw simpleng kanin o bigas lang na meron manok.goto malagkit yung bigas na gamit at tuwalya .Last edited by onat_1; November 12th, 2006 at 09:41 AM.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2002
- Posts
- 67
November 12th, 2006 07:08 PM #32Sa Marikina, kay Macky's. Bukas pa ba yun? naalala ko nung andyan pa ako dyan kami madalas kumain.
-
November 12th, 2006 07:19 PM #33
chief,saan sa Baliwag ito ?
.by the way difference between lugaw and goto,lugaw simpleng kanin o bigas lang na meron manok.goto malagkit yung bigas na gamit at tuwalya .
isa nga sa naobserbahan ko ko nga iyon ,ang LUGAW mejo malabnaw at maputi ang bigas,ang GOTO ay mejo kulay dilaw at malagkit ang bigaw.aside sa sahog ng dalawa
-
November 12th, 2006 07:31 PM #34
bukas pa ang Macky's sa Marikina...masarap talaga goto dun lalo na ang tokwa at pritchon nila!!! yum yum...
-
November 12th, 2006 09:08 PM #35
OT: sa pagkakaalam ko naman ung malagnaw na ang sahog ay manok ang tawag don arozcaldo, tapos ung goto ung laman loob, pag walang laman lugaw tawag. hehehe
meron dito sa amin ang daming tao kumakain, kay mang entong. hehehe.
-
-
November 12th, 2006 09:29 PM #37
oo nga pala meron pa pala "Arrozcaldo"
ang gulo na .parang itik thread na ito ..hehehhe
-
November 12th, 2006 09:47 PM #38
Mahaba na itong LUGAW thread na ito, pero nalimutan ko ito. Ngayon ko lang naalala.
Alam niyo ba yung GLORIA's? Marami ito sa mga shopping malls. Alam ko meron ito sa Harrison Plaza.
WARNING! Ingat kayo diyan kasi, dati, malapit sa amin kung saan niluluto yung mga lugaw nila. Nakikita namin kung paano lutuin yung mga tinda nila. Sa isang garahe lang niluluto yung mga lugaw (malalaking kaldero), at pag nakita mo kung gaano "kalinis" yung lugar nila, baka ayaw mo nang kumain ng lugaw. Yung mga "cooks", nakahubad, ang dudungis. At, pag pinik-ap na yung mga tinda, isasakay lang yan sa isang Pick-up, then alis na. Kahit may takip, siyempre maaalikabukan pa rin yan.
Pinaalis na sila sa apartment na inupahan ng Gloria's kasi, talagang napakarumi ang ginawa nila sa unit. Naglalati pati yung loob ng apartment. Pati kapitbahay, nagri-reklamo. Kaya ngayon pag nakita ko yung pwesto ng GLORIA's, naaalala ko yung mga lugaw nila, kung paano lutuin malapit sa amin.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 48
November 13th, 2006 06:53 AM #39
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Apr 2006
- Posts
- 375
November 13th, 2006 07:21 AM #40Eto ang turo sa amin ng lola ko. 2 klase ang 'lugaw': a) goto, b) arroz caldo. Goto, generally puti ang kulay at ang sahog ay bituka ng baka ('twalya'), chicharon, at itlog. Arroz caldo, generally ma-nilaw nilaw ang kulay (dahil sa kasubha) at ang sahog ay manok (pakpak or legs) and/or manok innards (balumbalunan, atay, etc).
For a decent goto, any Goto King outlet is good enough. Lots of branches too, generally every SM mall has one. I always order Goto Special with egg + tokwa't baboy on the side. Mmmm....
Maraming Salamat :)
What's the best car tint brand and color?