Results 1 to 9 of 9
-
March 7th, 2006 05:57 PM #1
[SIZE=4] Parental Wisdom - Filipino Style[/SIZE]
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang:
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE: "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay: "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC: "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC: "Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong,ako lang magisa ang manonood ng sine."
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY: "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM: "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA: "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER: "Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE: "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION: "Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS: "Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY: "Maraming mga batang ulila sa magulang,di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"
13. Si Itay naman ang na! gturo sa akin ng ANTICIPATION: "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING: "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR: "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE: "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"
-
-
-
-
March 7th, 2006 08:11 PM #5
at si inay din ang nagturo na si tatay at nanay pala ay pwedeng isali sa Ripley's: "anak ka ng Pating (sila yung pating), gastos ka ng gastos! ano akala mo sa amin? tumat*e ng pera?!"
pwede rin sa extra challenge.
-
March 7th, 2006 08:21 PM #6
My mom's words of wisdom...... Her favorite and one of the tamer ones is, "Don't like my rules? Get out!"
Also:
"Kayong dalawa ng tatay mo, parang pinagbiyak na inodoro!" in reference to our (tolerant) attitudes versus hers toward my "Bisaya" wife.Last edited by Jun aka Pekto; March 7th, 2006 at 08:27 PM.
-
March 7th, 2006 09:24 PM #7
Lola ko ang nag turo sa akin kung pano ang tama pag papalaki ng shoulder at biceps.
"Wag na wag mong ibaba yang mga libro kundi putol yang mga kamay mo!"
Lola ko rin ang naging coach ko sa trac n field.
"Siguradohin mong hindi kita aabutan, kundi dila mo lang ang walang latay!"
-
March 7th, 2006 09:31 PM #8
Pag may pinahahanap sa akin Lola ko noon, at nahihirapan akong maghanap, eto madalas sinasabi niya......
"Pag di mo nakita........... makikita mong hinahanap mo!" (Labo, ano?)
-
Buhay na buhay ang BGC this evening. Bukas halos lahat ng restaurants. Sabi pa nung isang cashier...
Traffic!