Ilang taon ka na ba? Ganyan din ako nung teenager pa ako. 15 lbs underweight ako. Nag Herbalife ako, effective naman, tumaba ako in 2 weeks. After ko tumaba, tinuloy ko lang ng mga 2 months ata tapos stop na. Normal na ako ngayon, tumataba kapag sobrang kain.
Disclaimer: hindi po ako nagbebenta ng Herbalife products. Sinabi ko lang kung ano ang ginamit ko.
Kaya ko naman naitanong kung ilang taon ka na, kasi madami naman akong kakilala na ganyan, payat na payat nung bata pa, pero after mag graduate at magtrabaho na at lalo na kapag may pamilya na, nagsi-tabaan na.
try to stop smoking. ewan ko kung may effect sa pagtaba yun o wala pero mas maraming masama ang makukuha mo doon kaysa sa mabuti.
Kung ayaw mo i-try mag herbalife, take ka na lang ng multivitamins, yung mas madaming vitamins na nakalista siguro ay mas maganda, pero para maka sigurado ka, magpa reseta ka na lang ng multivitamins sa doctor mo.