Results 31 to 40 of 45
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jan 2007
- Posts
- 4,459
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2010
- Posts
- 23
January 11th, 2011 01:18 AM #32Eto mga pamahiin noon nang mga matatanda:
"Huwag matutulog na basa ang buhok, mabubulag ka raw." Ang totoo noong araw kasi nilalagyan pa nang almirol ang mga punda (pillow case) nang unan kaya para tumigas at di madaling malukot/maluma. So, pag humiga ka sa unan na basa ang buhok mo mababasa siyempre and punda at sayang ang almirol. Yung almirol as gawgaw na tinunaw sa tubig at doon ang huling banlaw pag naglaba. Inaalmirolan din noong araw ang mga kumot at mga damit.
"Huwag daw uupo sa unan at magkakapigsa ka." Ang totoo ayaw lang nang mga matatanda na masyadong malamput (mapisa) ang unan kasi di hamak na malaki ang puwit (dalawang pigi yun) kasya ulo kaya yupi kaagad yung unan na nakaalmirol pa ang punda. Gayundin, yung unan para sa ulo at hindi sa puwit.
"Pag may aalis habang kumakain dapat paiikutin ang pinggan para raw malayo or hinde madisgrasya (maaksidente)." Di ko alam kung ano ang basihan nito.
"Pag naglalakad sa gabi at may nakasalubong or tumawid sa harap mo na itim na pusa may di raw maganda na mangyayari sa iyo." Ang kulay itim kasi ay hinahambing sa kamatayan kasi noong araw itim ang sinusuot pag nakikiramay o nakikipaglibing sa patay (pero ngayon puti na rin). Pero kung mag saliksik kayo ang dahilan kaya itim ang tradisyunal na sinusuot sa pag may patay ay para di raw makita ang mga makikiramay nang mga ibang kaluluwang gala na maaring nasa lamay rin. Kaya isang pamahiin na namam ang itim na damit pag may patay. Sa ibang bansa nagsimula yan, sa Europa yata or Amerika. Paki tingnan na lang sa website.
"Pagnaliligaw ka raw sa gubat or bundok baligtarin mo raw ang damit mo para matunton mo ang tamang daan at di ka mapaglaruan nang mga engkanto." Ang alam ko para di ka matandaan nang engkanto kung meron man dahil binaligtad na nga ang damit mo kaya parang iba ka na sa suot. Parang sa sabungan noong araw yung iba may baon na damit at pagpumusta at natalo nagpapalit nang damit. Yung ibang mga kristo kasi sa sabungan damit nang mananaya (sabungero) and tinatandaan.
"Sa gubat, bundok, kabukiran, or masukal na lugar na maraming puno at talahib kailangan kang mag pasintabi habang dumadaan/naglalakad para di mo raw maapakan ang mga engkanto or elementong espiritu na nananahan sa lugar. Ganoon din pag iihi ka sa gubat, bundok, o masukal na lugar." Dapat sasabihin mo "makikiraan po, tabi-tabi po." Ito ay may pagkatotoo dahil talaga namang may mga "elemental spirits" sa lupa kahit noon pa mula nang nilalang ang daigdig. Yung iba nga lang nawala at nataboy na dahil sa pag-unlad at pagdami nang mga tao.
"Pag may nalaglag na kutsara may darating na bisitang babae, lalaki pag tinidor, at isang buong pamilya naman pag sandok." Yung kutsara kasi palapad, tinidor patusok, at yung sandok malaki.
"Huwag daw pipito sa gabi at lalapitan ka nang ahas." Yung pagpito (whistling) kasi parang nagtatawag ka nang isang bagay.
"Huwag daw isusukat or isusuot nang babaeng ikakasal ang damit na pangkasal (wedding gown) bago ikasal at may masama raw na mangyayari or hindi matutuloy ang kasal." Hanggang ngayon sinusunod pa rin ito at walang may gustong sumubok (dare). Better to be sure than sorry. Kaya pauli-ulit ang sukat nang mananahi sa damit pang kasal dahil ang sa araw na mismo nang kasal dapat isusuot ang pangkasal. Pag di ayus ang sukat lagot ang kasalan at baka kamison na lang ang suot nang bride.
"Bawal magbugtungan kung wala namang patay at mayroon daw mamamatay." Yung bugtungan kasi tradisyonal na ginagawa sa lamay kaya bakit ka naman magbubugtungan kung wala namang patay.
Marami pa kaya lang ang haba na.
Enjoy reading especially those who young ones.
-
January 11th, 2011 02:02 AM #33
-
January 11th, 2011 06:23 AM #34
Nakaugalian pag magbabagong taon dapat marami kang pera sa bulsa at huwag gagasta pag unang pasok ng taon.
-
January 11th, 2011 07:41 AM #35
masama paliguan ang baby pag Tuesday and friday!
nag aalay pag bagong bukas ang alak!
-
January 11th, 2011 08:18 AM #36
-
January 11th, 2011 08:28 AM #37
Kapag nakatihaya,- gutom na tao ang darating.... Kapag nakataob,- busog siya/sila.....
Para hindi bagsakan ng centipede....
Sa mga babaeng naglilihi,- laktangan ang inyong asawang lalaki sa umaga pagkagising para ipasa ang paglilihi sa kanya.... Ginawa ito ng isa naming kabarkadang babae sa barkada naming lalaki (asawa na niya)... Hayun, naglihi nga si lalaki,- kaso sa mga bisyong sugal, alak at babae.... Sising-sisi tuloy ang barkada naming babae dahil hindi na tumigil ang barkada naming lalaki sa kanyang paglilihi.... :twak:
11.8K:burn:
-
January 11th, 2011 08:29 AM #38
-
January 11th, 2011 08:33 AM #39
-
Buhay na buhay ang BGC this evening. Bukas halos lahat ng restaurants. Sabi pa nung isang cashier...
Traffic!