nais sana namin maglagay ng aircon sa kwarto namin ni misis para pag dumating na baby namin eh ndi naman masyado mainit.
ang problema kasi considering na nasa paanan kami ng bundok at puro puno sa paligid, eh mainit (parang oven) yung kwarto namin (sa 2nd floor ito). kahit ndi summer basta from 10am to 3pm maiinit yung singaw sa loob ng kwarto.
ang concern ko is baka sumobra naman sa laki nung bill ng kuryente namin kasi lalaki ang load at ndi masyado magiging efficient ang aircon.
may easy and affordable way kaya para mainsulate na kaunti yung room from the heat outside? feeling namin kasi yung gap between the roof and the ceiling ay maliit lang kaya ganun.
meron pa naman isang room na available kaso mas maliit dun sa ginagamit namin ngayon at plano namin dun patulugin yung makukuha namin na kasama sa bahay.
tnx!


Reply With Quote
