New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #1
    Got this from my email. Tama lahat ang sinabi.

    ------------------------------------------------------------------------

    >Ako ay isang middle class Pinoy, isang officer sa isang malaking
    >korporasyon at may asawa...dalawa anak. Di na importante pangalan ko
    >kasi parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti
    >tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na,
    >pag wala na pera intay nalang ng sweldo.
    >
    >Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay
    >at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys
    >ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito.
    >Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko
    >
    >sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na
    >pag-iisip.
    >
    >Sa Mga Politiko:
    >
    >Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo
    >makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.
    >
    >Sa Administrasyon:
    >
    >Hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon,
    >pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya
    >sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno
    >at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman
    >naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.
    >
    >Saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007,
    >tignan mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo,
    >resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power
    >laban sayo. Try mo lang.........
    >
    >Sa Oposisyon:
    >
    >Di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa
    >inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited
    >na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.
    >
    >Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon,
    >pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon.
    >Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos.
    >Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa
    >likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing
    >bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi
    >reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong
    >batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa
    >salita at sa gawa.
    >
    >Please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga
    >bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga
    >rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag
    >nagrarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong
    >nagrarally!! Nung
    >People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.
    >
    >Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang
    >middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang
    >mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan.
    >Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na
    >kami e, sori ha.
    >
    >Sa Military:
    >
    >Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus
    >na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo
    >ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan
    >dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di
    >kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang
    >nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military
    >ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.
    >Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great
    >responsibility".....kaya
    >
    >maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang
    >natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami
    >wala.
    >
    >Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa
    >e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman silang email.
    >
    >Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang tayo
    >kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa
    >nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.
    >
    >Signed,
    >Isang Middle-Class Pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng
    >Buwis!

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    1,214
    #2

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #3
    nakow sori po. paki-delete nalang po

Nabasa nyo na siguro ito.....