New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Results 41 to 45 of 45
  1. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    110
    #41
    sa unang edsa tayo ay nagkaisa para ibagsak ang diktadurya. sa ikalawang edsa pinalayas ang kawatan ng masa. sa ikatlong edsa nagkamali sila. sa tatlong edsa mga tao ay "nagkaisa" pero ang mga iniluklok ay di hangad ang pagbabago at di nagbigay ng pag-asa na bumuti ang buhay ng masa.

    sa panahon ng kwaresma, tingnan ang ating sarili at mag-analisa. bahagi ba ako ng pag-asa o katulong sa paglulugmok ng bansa sa kawalang pag-asa?

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    2,059
    #42
    the problem sometimes is that they poison the minds of the "masa", they give false hopes, this is why the masa is so easy to get to form rallies and bring hatred among others.

    what have these people done lately to help the country? what concrete steps? well the common reply is the government is not doing anything, they want the government to feed them, give them housing, while they spend their days drinking in the streets, playing cards, make more children, then what? complain that they are left out by the government! then when there is a need for people to go to rallies, they are the ones who come right away because there is allowance.

    during the 80's people would harass us to let them borrow our trucks to haul people from the farms to rally in the city, and guess what, you have to give free fuel, and they slaughter your livestock to feed the people, and if you dont give in, they will burn your trucks, duh! naranasan nyo na ba yan!

  3. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    46
    #43
    On my observation in our country, those people performing mass rally & destructions all over some financial district areas like Makati/Ortigas are those people that are always blaming other people about their life situations/conditions. Meaning, naghahanap lang ng mga sympathy. If they are all in good sense of humor, di ba nila naiisip na they are disturbing all the motorist na bumili ng sasakyan out of their hard earned money para mapabilis ang pagpasok at pag-uwi from work or those business people can transact to their clients as soon as they can.

    I've been working here in some part of China for almost 10 years, and I can see the development/improvement of this country. I saw so many investors eyeing to put their factory & businesses on this part of the world, because, factory workers are controlled by the government and not allowed to do some STRIKE or PROTEST against the investors.

    Wayback 80's in our country, MATTEL is one of the biggest toy factory and employing so many citizens in our country. What happened, pinasukan ng kung anu-anong KILUSAN na tutulong kunwari sa mga empleyado. Ano nangyari? Umalis ang MATTEL nawalan ng hanapbuhay ang mga kababayan natin, may naitulong ba ang sinasabing KILUSAN? WALA!!! Nasaan ang MATTEL now? nasa China at patuloy na umaasenso ang mga toy products. Nasaan ngayon ang mga sinasabi ninyo na tulungan ang ating mamamayan? ANO ANG MAITUTULONG NG MGA PAGRA-RALLY NYO? HINDI LANG KAYO ANG DAPAT INTINDIHIN NG ATING PAMAHALAAN! ANG MGA NAGTITIIS MAGHANAPBUHAY NAGBABAYAD NG MGA TAMANG BUWIS PARA MAPAKAIN AT MABIGYAN NG MGA TIRAHAN ANG MGA AYAW MAGSIKAP NA MAMAMAYAN.

    How I wish na mawala na ang mga taong ganyan at magising sila sa katotohanan na THEY ARE THE AUTHOR OF THEIR LIFE & NOT THE GOVERNMENT OR OTHER FILIPINO CITIZEN.

    WISHING ALL THE BEST FOR OUR COUNTRY, PHILIPPINES!!!!


  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #44
    sakin naman heto pananaw ko:

    a) bakit me mga militante..?dahil sa kabulukan na sistema ng pamamahala ng gobyerno na bumibigay ng higit na attention sa mga kapitalista at mayayaman..

    b) sino ang no.1 na inaatake nila..? si marcos at kanyang mga kakampi..

    c) saan na si marcos..? patay na..

    d) bakit nandyan pa ang mga militante..? kasi buhay pa ang kilusan at si joma sison..

    e) pano matigil at mapuksa ang kanilang kilusan..?..ipakita ng gobyerno ang tunay na pagbabago na kanilang hinihingi..

    f) ano ang gagawin ng gobyerno para matupad ang pagbabago..?..itanong nyo sa mga hinalal na pinuno ng bayan ninyo..

    g) may tama bang kasagutan ang mga hinalal ninyo..? mangilanngilan meron pero karamihan mga ogags..

    h) pano na lang pala..?..e, di hindi matitigil ang mga militante sa dating gawi..

    i) ano ang implikasyon nyan..?..kahihiyan ng bansang pilipinas sa kratig bansang umaasenso at sa mga dayuhang bumibisita at namumuhunan sa bansa natin..

    kulelat tayo..

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    500
    #45
    Quote Originally Posted by rav7118
    sa unang edsa tayo ay nagkaisa para ibagsak ang diktadurya. sa ikalawang edsa pinalayas ang kawatan ng masa. sa ikatlong edsa nagkamali sila. sa tatlong edsa mga tao ay "nagkaisa" pero ang mga iniluklok ay di hangad ang pagbabago at di nagbigay ng pag-asa na bumuti ang buhay ng masa.

    sa panahon ng kwaresma, tingnan ang ating sarili at mag-analisa. bahagi ba ako ng pag-asa o katulong sa paglulugmok ng bansa sa kawalang pag-asa?
    Wala pong EDSA III. Isa lamang siyang malaking rally na nauwi sa patayan. Ang EDSA rally po ay naidaan sa mapayapang paraan at hindi sa batuhan.

    Sa akin lang, ihinto na ang mag rally. Sayang ang oras at pagod, pera, abala sa daan at kung ano-ano pa. Sa akin, imbes na sisihin ko ang gobeyerno at hikayatin ang mga mahihirap para samahan ako at magsisigaw sa daan NA alam ko rin na WALANG mangyayari, puwes mas maigi pang pumunta na lang ako sa bahay ampunan at dalhin ko ang mga lumang damit at ipamigay.

    O di kaya, kami-kami na mga kaibigan ko, mag-aambagan ng mga pera para bumili kami ng pagkain para sa mga bata sa riles. Ang aking kapatid naman, sumama mag-camping kasama ang special children sa UP. Maraming paraan at solusyon. Minsan isang gabi, nakita ko ang isang bata na nakahiga sa kalsada, pagod at ang dungis, imbes na sisihin ko ang mga magulang dahil sa ginagawa silang "negosyo" para kumita, bumili na lang ako ng burger at ibinigay sa kaniya. Hindi sa ipinakikita ko na tinutulungan ko na maging tamad at bata, pero ipinakikita ko na mag mga tao na mababait at handang tumulong kahit sa maliit na paraan. May pag-asa pa siya na maging katulad niya ako at hindi kumuha ng plakard at sisihin ang gobyerno.

    Nasa atin ang solusyon kahit sa maliliit na bagay. Kahit kaunting tulong lang, malaking bagay na sa akin, sa kapwa mo at sa bansa natin. Ang mali ng mga rallyista, LAHAT sa gobyerno ang sisi, sa gobyerno kaya ako mahirap, sa gobyerno kaya wala akong trabaho, sa gobyerno kaya di ako umuunlad, sa gobyerno kaya gutom ang mga anak ko, sa gobyerno kaya hanggang ngayon nagtiyatiyaga ako sa letseng trabaho na ito.

    Isang scenario: Pamilya pinatay: nag-iisang anak na binata ang natira.

    Hihikayatin ng mga leftist yan. Sama ka sa rally. Mag-NPA ka. Tutulungan ka namin. Gobyerno ang dahilan kaya namatay sila. Wala kasing kuwenta ang mga pulis at hustisya. Tapos. Brainwashed. Isa na namang sayang na kaluluwa.

    Itigil na yang mga rally. Wala namang kahihinatnan yan. Magsikap at tumulong sa kapwa mapa-mahal na araw, pasko man o hindi.

    Dahil sa mga unyon kaya nagsara ang maraming kumpanya. Kaya lalong nawalan ng mga trabaho ang mga manggagawa. Isang halimbawa ang Colgate, ginagawa na sa Thailand kaya mahal na bilhin, kung nasa Pilipinas pa ang planta di hamak na mas mura ito sa ngayon. Dahil din sa unyon kaya nagsara ang planta ng Colgate.

    Nakatulong ba ang rally? OO. Nakatulong magdagdag ng mga taong walang trabaho sa bansa.

Page 5 of 5 FirstFirst 12345
Mga leftist anti-war militants......mga ogags!