New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 41 to 50 of 62
  1. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #41
    sad but true. same sentiments...

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #42
    pro-gma, may rally daw kayo sa tomas morato.

    anti-gma, may rally daw kayo sa ayala-makati ave.

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,515

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #44
    I think we have a new tsikot record...

    Tri-merge ng threads :hihihi:

    http://tsikot.yehey.com/forums/showt...ght=manggagawa

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #45
    Naunahan mo ko Karding! Bilis ng connections mo.

  6. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #46
    Quote Originally Posted by raine
    Siguro nasabi nya lang iyon kasi nakikita niya na tuwing payday nakabawas na kaagad ang tax sa sweldo nya. Pero ang ibang tao nagbabayad din naman ng tax example ang Driver ng jeep pag nagparehistro merong din tax, pag nanaood ng sine merong ding tax, pag kumain sa jollibee merong din tax, bill sa meralco merong din tax, savings sa banko merong din tax, hindi lang ng natin nakikita dahil kasama na sa singil nila. TAMA ba?
    he is talking about income/witholding tax not VAT...

  7. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #47
    kaya lang maraming umaaway na kay gloria kasi napangukaan na ng opposisyon... tayo tayo na lang nanaman eh, wag na tayo magplastikan...

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #48
    May sumagot po dito sa sulat ni Jawbreaker. Hindi ko na siya kilala kasi pang ilang salin na ata nito e. Maganda ang sagot niya huh.


    Ito po.

    #############
    Subject: RE: In relation to FW: Eye Opener: Walang kwenta ang
    Pilipinas
    (Mali ka yata panyero)



    Hawi ni: Juan (totoong Filipino)
    Sagot sa mungkahi ni: jawbreaker. (isang ordinaryong office worker na
    ayaw
    na magbayad ng tax...ever!)
    Hinahangaan ko ang mga bawat titik ng pagmumura, panliliit at
    pambabastos
    sa sarili mong bansa.. ang Pilipinas. Naway naging masaya ka ngayon sa
    mga
    nasabi mo.
    Sa isang banda tumama ka panyero. Masyado ng agrabyado ang mga mama-
    mayang Filipino lalo na ang mga manggagawang katulad natin. Mga
    maliliit na
    syang nagbabayad ng tamang buwis at sa tamang oras (hindi lahat
    panyero).
    Meron akong kakilala, sa halagang P250.00 na tax, tila bat masyado na
    itong
    pasakit sa bulsa nya. Mas ginusto pa nyang kumuha sa labas at magbayad
    ng
    halagang P6.00 lamang. Yan ba ang klase ng manggagawang tinatawag mo?
    Meron din akong kakilala, isang marangal, palabati, mukhang respitado
    na
    manggagawa. Masasabing nasa above average ang sahod buwan buwan pero
    pagdating sa trabaho, sya ay mabibilang at masasabing isang
    "non-performing
    asset" sa isang kompanya. Marami syang sinasabi tungkol sa paligid nya
    pero
    hindi ba dapat mag-umpisa muna sya sa sarili nya?
    Sang-ayon din ako sa sinabi mo na masyado ng "corrupt" ang bansang
    ito, pero
    teka, sa bawat talata yata ng liham mo panyero eh, "sila" lang ang
    napuna mo.

    Bakit lalung naghihirap ang bansang ito?

    1. Pulitika
    2. Hindi kontroladong populasyon
    3. Mahinang sistema sa edukasyon
    4. Corruption
    5. Mahinang programa sa impastraktura
    6. Sistemang agrikultural na hindi na nagbago sa loob ng tatlong
    dekada
    7. Mahinang pananaw at panuntunan sa paglikha ng trabaho
    8. Sistemang hustisya na nangangailangan ng agarang pagbabago 9.
    Seguridad 10. Magandang gobyerno
    Kung ang sampung nabanggit, ibig kong sabihin ay ang sampung iyan na
    nabanggit
    ay hindi nasolusyunan, sa susunod na tatlong dekada, walang pagbabago
    sa
    bansang
    ito. Hindi ito maikakaila. This is a fact.

    "The country needs a tough, determined, visionary leader" - Peter
    Wallace
    Report

    Kaya pang bumangon ang bansang Pilipinas, pero hindi kaya ng isang
    tao..
    ng ating
    Pangulo lamang. Kailangang magkaisa ang mamamayang Filipino tungo sa
    iisang
    direksyon. Ang direksyon na yan ay ang ibangon at i-ahon ang bansang
    ito
    ng di na
    tuluyang malugmok pa.
    Paano magkakaisa ang mamamayang Filipino kung ang simpleng utos na
    "Bawal
    magtapon ng basura dito" ay di sinusunod? "No Jay walking" na
    binabalewala? "No loading and unloading" na nagkalat sa lansangan na
    nagsilbing palamuti

    lamang sa
    paningin ng iba? "Walang tawiran, nakamamatay!", "Bawal umihi
    rito/dito",
    "No U-turn",
    "No smoking", "Turn off engine while ongoing gas", "No parking", "No
    ID,
    No entry",
    "Please pin your ID when entry", "No littering", "Para sa upos ng
    sigarilyo lamang", "Bawal umistambay dito", "No long calls Pls.!", "No

    cellphones allowed

    inside",
    "walang utang ngayon, bukas pwede!", "walang yelo" (pero nagtatanong
    ka)... ilan lamang yan sa mga maliliit at simpleng kautusan na hindi
    masunod ng
    bawat
    Filipino,
    malayong hindi rin uunlad ang bansang ito.
    Ikaw panyero? may nabalewala ka ba sa mga nabanggit ko? Kung wala sa
    listahan, maswerte ka. Pero hindi ibig sabihin na ligtas ka, baka
    nakalimutan ko

    na. Pero kung
    meron man kahit na isa, wala kang karapatang apihin at manumbat sa
    bawat
    mamayang
    Filipino.
    Natawa nga ako sa sinabi mong kung yung binabayad mo sa tax eh sayo na

    lang napunta,
    nakabili ka na sana ng rubber shoes at nakapanood ka pa ng sine 2
    beses
    sa isang buwan.
    Tignan mo nga naman... yan ay isa ng matatawag na simpleng corruption!

    Naisip mo agad
    ang para sa sarili mong kapakanan. Kung sinasabi mong malaki ang tax
    mo
    at hirap ka
    sa pagbudget ng natitira, tingin ko panyero hindi dahil sa tax yan.
    Kung
    malaki ang
    tax mo, ibig sabihin siguro ay head of the family ka at malaki sahod
    mo..
    nakalimutan
    mo yata panyero... 10% TAX lang yan. Ibig sabihin ang tax mo sa
    P15,000.00 na sahod mo ay P1,500.00. Posibleng lumaki o lumiit yan,
    depende sa status mo. Ngayon, kung nahirapan
    ka nang magbudget, tingin ko hindi dahil sa tax yan panyero... "LUHO"
    mo
    lang yan.
    May malaking problema ang bansang Pilipinas at kelangan nating
    tulungan ito.
    Dumaan ang EDSA 1, 2 at 3.. may nagbago ba? Meron, dumarami ang mga
    taong
    lalong
    naghihirap. Ang rebolusyon na dapat na maging solusyon sa bansang ito
    ay
    hindi naging
    isang rebolusyon kundi isang konsumisyon. Isang mapang-akit na paraan
    ng
    mga namumuno
    at gustong mamuno dahil sa pansariling kapakanan lamang at hindi ng
    buong
    mamamayan.
    Bakit maraming naghihirap sa bansang ito? Hindi sa tamad ang mga
    Filipino! walang maibigay na magandang trabaho ang bansa natin kaya
    natututong
    umistambay
    na lang
    ang maralitang Filipino.
    Anu-ano ang mga balakid sa maunlad na ekonomiya ng bansang Pilipinas?

    1. Corruption - 119pts
    2. Political Instability - 78pts
    3. Peace & order/security/problems - 68pts
    4. Bureaucratic red tape/mess - 52pts
    5. Inconsistency of policies - 49pts
    6. Poor infrastracture - 46pts


    sabi nga sa nabasa ko...

    "If you want to get the 60% out of the miserable poverty they live in
    -
    CREATE JOBS
    and CREATE THEM HERE NOT OVERSEAS, so families can stay together. And
    remember it's businessmen that create jobs - and national wealth. No
    one else does. So, what is
    good for business is good for Filipinos."

    sana naintindihan mo ang ibig sabihin nyan panyero.
    Bakit hindi tayo gumawa ng trabaho dito sa bansa natin kung saan tayo
    mayaman? Sa IT, tourism (andaming magagandang lugar dito),
    agriculture, mining? Kailangan natin ng agaran at malaking pagbabago
    kagaya ng sinabi mo.
    Pero
    anu-ano ang
    mga suhistyon mo? magpatayan, ipatapon, gyera, ihiwalay sa pamilya,
    tax
    payers
    lang ang bomoto.
    Aba panyero! may pagka death wish ka pala.. kakambal ka ba ni Charles
    Bronson? masyado kang WARFREAK! Kung gusto natin ng isang matinong
    eleksyon, baguhin
    ang
    kuwalipikasyon
    ng isang kandidato lalung lalo na sa pagka Presidente. Bakit?

    JOB CRITERIA TO BE A CEO

    University degree
    Top management experience in related field (at least 10yrs)
    Leadership qualities Financial success in previous undertakings
    Ability to get along with people
    Results oriented
    Strong work ethic
    Good moral character

    JOB CRITERIA TO BE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES

    Must be a Filipino
    Must be able to read and write
    Must be at least 40yrs old
    Must be a resident of the Philippines for at least 10yrs

    Tingnan mo nga naman, kaya pala makulit si ERAP dati.. kelangan siguro
    eh
    pag-aralang mabuti ito. Kelangan sigurong pag-isipan natin kung sino
    dapat
    ang iboboto.
    Dumami man ang umaalis na Filipino, "babalik ka rin" dito. Itaga mo
    yan
    sa bato
    panyero. Huwag kang magsalita ng tapos baka makarma ka.
    Para kang si Angelo dela Cruz... pumunta sa ibang bansa dahil mas
    malaki daw
    ang sahod doon at kayang kayang itawid ang mga pangarap ng pamilya.
    Hinostage ng mga bandido! eto si loko... Madam President! saklolohan
    mo ako! Naging madamdamin at nakakahiyang eksena ang sumunod..
    nasundan pa ni Tarongoy
    atbp. Panyero, kung may balak kang umalis at kalimutan na ang bansang
    kinalakihan
    mo, tumahimik ka na lang. Umalis ka ng mapayapa at huwag ng magsalita
    pa
    ng kung
    anu ano at wala din namang mabibigay na magandang ideya kung pano
    uunlad ang
    bansang ito. Huwag kang mag-alala panyero, sa taong 2030, 160 milyon
    na ang
    populasyon ng Pilipinas. Siguro naman eh, mas may konting isip at
    natitirang
    damdamin na ang mga susunod na henerasyon. Sa dami siguro ng nag
    migrate sa
    ibang bansa kagaya ng sinabi mo, siguro naman eh napalitan na sila.
    Lahat tayo gusto nating mamuhay ng tahimik, maayos at magkaron ng
    magandang
    kinabukasan. Pero hanggat hindi tayo nagkakaisa sa iisang layunin
    dito,
    walang
    mangyayari. Kelangan na nating magbago dahil ito lamang ang tanging
    hindi
    nagbabago.
    Naniniwala pa rin ako...

  9. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #49
    abogado siguro nagsulat nyan reply, mahilig sa panyero hehehe

    Huwag kang mag-alala panyero, sa taong 2030, 160 milyon
    na ang
    populasyon ng Pilipinas
    scary thought.

  10. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    1,704
    #50
    yup, very scary thought, and although i will continue my business efforts in the philippines, i am going to give my children a safety net by giving them my US citizenship. times are tough and though i want to optimistic about the philippines, i have to be realistic with the future of my children.

Page 5 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
[Merged:] Masa na lang ba, paano tayo? Galing sa isang ordinaryong manggawa...