New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 9 12345 ... LastLast
Results 1 to 20 of 162
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #1
    1 patay, 1 sugatan kanina lang po daw sa kanto ng pioneer at shaw.

    http://www.gmanews.tv/largevideo/lat...tan-sa-trapiko

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,189
    #2
    Parehong mainit ang ulo, but one has a gun. Kawawa yung babae, aawat sana pero napahamak at nawalan pa ng asawa...

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #3
    Naku, we really need to read stories like these nowadays to remind me what road rage can lead to.

    Kaninang umaga nga lang, may dinuro akong taxi driver kasi gustong mauna eh sine-senyasan na nga ng guard na stop. So binabaan ko, sinigawan at dinuro. Matanda na yung driver mga 50++, maliit pa sa akin pero matapang. Uumbagan ko na sana buti na lang inawat ako ng 2 guard. Naisip ko din na di tama ang pumatol sa matanda. Buti na lang, hindi na ako nagdadala ng bakal, otherwise laman ako ng balita ngayon.

    Pero kaya pala matapang, malapit na yung tambayan nilang mga taxi driver dun sa pinangyarihan. Inunahan ako tapos inabangan dun sa lugar. Pinaspasan ko na lang ang takbo.

    Lamig ulo na lang tayo. Ako, from now on talaga (for the nth time), will try to keep my cool.

    RIP na lang dun sa driver. Kawawa naman, may nadamay pa. At dun sa salarin, sana makahanap ka ng katapat!

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #4
    IMO it was the yabang ng nakacefiro which killed him. Nangalampag at nanipa pa siya nung Toyota eh.

  5. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #5
    kung talagang makulit bakit ba hindi. yon nga lang yong ibang tao para bang di kayang mabuhay ng walang baril na dala.matapang lang dahil sa baril pero pag alang bitbit parang asong bahag ang buntot.anyways, ingat nalang and control nalang ng galit sa mga gunggong na driver.

  6. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #6
    katakot magdrive dyan sa manila, di mo alam mga katabi mong mga maiinit na ulong driver may dala palang baril, ung iba konting pikon lang papatayin ka na...

    buti walang ganyan dito..

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #7
    BB, si pacquiao hinde ba ganyan? hehehehehe

  8. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    152
    #8
    Sabi sa news kanina, yung napatay daw ang bumaba at naghamon... "Kung matapang ka! Bumaba ka at ilabas mo ang baril mo!! Hindi daw pumalag yung naka Toyota at aalis na lang, kaso pinagtatadyakan yung toyota nya at singawan pa ng BAKLA BAKLA!!.... Yun, bumaba na at binaril yung "MAMANG MATAPANG"...... Hay nakoh! E baka kahit sino ang gawan ng ganon, e baka mamaril na din... !

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    500
    #9
    As my father said before: Malalaman mo tunay na ugali ng tao kapag nasa harap na siya ng manibela.

    So true.

    RIP.

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #10
    Masyado kasing mayabang yung biktima pinagpasensiyahan na nga siya.

  11. Join Date
    May 2005
    Posts
    42
    #11
    Remember Inocencio Gonzales...the Atenean guy na nasa Munti na ngayon just because of a traffic altercation.
    Yeah, our character truly shows when we're at our worst moment.

  12. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #12
    e napakayabang naman kasi nung nanipa e. ako man siguro sipain sasakyan ko maiinis din ako. pero for sure sisi to the max na yung namaril ngayon. dala ng init ng ulo nasira buhay nya.

  13. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #13
    im not saying the shooter did no wrong, but the shootee got what he deserved.

    the shooter kept his cool kahit hinahamon na sya ng shootee.

    the shooter would have let the incident pass kahit hinahamon na sya.

    but the shootee, not satisfied with words, just had to kick/slam the car.

    Akala nya siguro just coz the shooter didnt get out of the car, takot ung shooter. But it's obvious the shooter was just controlling himself.

    ive encountered drivers like the shootee. Im not a monster-behind-the-wheel type of person so i usually let incidents like that pass... kahit dinuro at minura ako...

    All i do after driving away from incidents like that is whisper to the road spirits "di nyo dapat hinahayaan ang mga ganyan tao... nawawala sa balance ang universe..."

    i guess the road spirits have restored some equilibrium to the universe...

  14. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    681
    #14
    nakahanap sya ng katapat nya, ayun may kinalagyan tuloy! tsk tsk tsk

    yan ang example ng mga pinag-uusapan natin about sa mga driver na mainitin at ulo at matatapang manghamon o mang-away sa daan.

    we used to say, makakahanap din sila ng katapat nila na may baril...
    :gun: BANG BANG!!!

  15. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #15
    Road rage never leads to good endings. That's what I have to remind myself everyday before I turn on the ignition. May the victim R.I.P.

  16. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #16
    Kung ako naka-tapat nyan, sinagasaan ko na lang sya. Mga ganyan matapang talaga kasi may baril, eh kung ginagamit mo utak mo bakit ka lalabas.

  17. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    624
    #17
    Quote Originally Posted by toinktoink View Post
    Sabi sa news kanina, yung napatay daw ang bumaba at naghamon... "Kung matapang ka! Bumaba ka at ilabas mo ang baril mo!! Hindi daw pumalag yung naka Toyota at aalis na lang, kaso pinagtatadyakan yung toyota nya at singawan pa ng BAKLA BAKLA!!.... Yun, bumaba na at binaril yung "MAMANG MATAPANG"...... Hay nakoh! E baka kahit sino ang gawan ng ganon, e baka mamaril na din... !
    anak ng tinapa, talagang babarilin ka nga kung ganito ang gagawin mo. alam na niya pala na may baril yung nsa toyota e ganon pa ginawa niya.

    hindi tapang ang tawag don, katangahan yun. sorry at rip don sa nabaril pero majority siguro ng may dalang baril sa sasakyan e ganon din ang gagawin.

    IM NOT SURE pero if it is done in defense of honor ay exempting circumstance yata ito for criminal liability similar to a husband killing his wife caught in the act of making love to another man.

  18. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    316
    #18
    mali pa din ginawa nung nasa toyota.

    pumatay ka ng tao bro!

  19. FrankDrebin Guest
    #19
    Dito lalabas ang responsible gun owner. Sigawan ka lang at sipain ang auto mo ay babarilin mo na agad. Sino ang mas tanga doon? Sino ang makukulong?

  20. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #20
    Ah ganun pala nangyari, haven't seen the video yet. Well dapat ginawa nya nag-warning shot, ewan ko lang kung hindi na-ihi ung nang-hamon. Sa mga ganyan potpot na lang gawin nyo or bright light, hindi ung baba pa

Page 1 of 9 12345 ... LastLast
[merged] ingat sa gitgitan at makipagduruan sa kalye.