New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 46 of 53 FirstFirst ... 36424344454647484950 ... LastLast
Results 451 to 460 of 529
  1. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    21,572
    #451
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    eto funny supernatural story. true story ha.

    nasa pangasinan ako, so na-tripan ng isang uncle ko na subukan daw nya yung baril ko na 40sw. nilabas din nya yung 45 nya. e dun sa likod ng bahay ng lola ko e may punso, na nung maliit kami talagang binawalan kami ng lola namin na maglaro dun at may nuno daw. e kasi malaki na nga mahaba na ang sungay, natripan namin na dun isandal sa punso yung 3'x4' na plywood na target namin. una yung uncle ko na bumaril gamit yung 40sw ko, aba hindi tinamaan. medyo malayo kami mga 20 meters. ask nya bakit ganito ang baril mo blanko yata ang bala. so tinanggal nya ang magazine, inspect nya bala, combination ng hollow point saka fmj ang karga ko lagi salitan yun. binaril nya ulit yung target, di na naman tinamaan. ako naman bumaril gamit ko yung 45 nya, fmj mga bala nya, di rin tinamaan yung target. kahit daplis sa plywood, o tama dun sa paligid wala. try namin binaril yung puno ng dayap, tinamaan naman. binaril ng uncle ko yung puno ng santol, tinamaan din. so lumapit kami dun sa target na nakasandal sa punso. wala na 5 meters ang layo namin. binaril ni uncle yung target, aba yung bala nag-90 degree turn palayo sa punso saka tumama sa lupa. natawa kami, sabi niya aba pamangkin may nuno nga yata sa punso na ito. lumapit pa kmi, tinutok na namin 2 baril, 1 meter na lang ang layo. sabay, "bang bang!". aba wala pa din tama yung target.

    tawa kami ng tawa, sabi namin dun sa punso "apong ang galing mo ah, kaya mo palikuin ang bala namin! sorry ha kala namin wala na nakatira dito e." pag talikod namin may narinig kaming tumatawa na parang matanda sa likod namin, wala naman tao. hehehehe!

    Dapat humingi ka nang agimat.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,335
    #452
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    father ko the night before e naghatid pa sa amin hangang door. e na 2nd stroke na siya kaya di na makalakad, so usually di na siya tumatayo pag paalis na kami. pero the night before e pilit na tumayo at nakadungaw sa pinto pilit na tinitignan kami sa van. the next day tumawag ermats ko para isugod siya sa ospital at na-stroke ulit. nung namatay naka-smile siya. nasa emergency room siya nun, 3rd stroke. ask ko siya bakit, e andun daw mga lolo, lola saka mga departed relatives namin sinusundo na siya. sabi ko wag muna sasama e pinisil lang kamay ko. then inutusan ako ng doctor na pa-reserve sa ICU, after 5 minutes lang wala na.
    Erpat ko, nung comatose na siya and kumpleto kami sa ospital to bid our goodbyes and give our assurances that we'll be fine, his best friend based abroad called. I put the cellphone to his ear and after siya kinausap, nag flat line na.

  3. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,593
    #453
    yung auntie ko nililigawan daw siya ng engkanto. nung college student pa aunt ko, kahit saan daw siya magpunta andun daw at sunod daw ng sunod sa kaniya.
    kahit sa jeep sasakay din daw at isisiksik yung katawan sa mga naka-upo. nung nasama na daw siya sa kaharian, yung kanin daw nila buhay at gumagalaw.

  4. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    351
    #454
    Before namatay yung lolo ko sa Mindanao, sabi nang asawa ko nagising daw yung 2 year old daughter ko around 3am...nakipaglaro at tumatawa... Nalaman namin that was about the same time my Lolo died.. when we asked my daughter if she saw my lolo. she said "Yes"..

  5. Join Date
    May 2010
    Posts
    2,833
    #455
    di na ako babalik sa thread na to. hahaha

  6. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    671
    #456
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    eto funny supernatural story. true story ha.

    nasa pangasinan ako, so na-tripan ng isang uncle ko na subukan daw nya yung baril ko na 40sw. nilabas din nya yung 45 nya. e dun sa likod ng bahay ng lola ko e may punso, na nung maliit kami talagang binawalan kami ng lola namin na maglaro dun at may nuno daw. e kasi malaki na nga mahaba na ang sungay, natripan namin na dun isandal sa punso yung 3'x4' na plywood na target namin. una yung uncle ko na bumaril gamit yung 40sw ko, aba hindi tinamaan. medyo malayo kami mga 20 meters. ask nya bakit ganito ang baril mo blanko yata ang bala. so tinanggal nya ang magazine, inspect nya bala, combination ng hollow point saka fmj ang karga ko lagi salitan yun. binaril nya ulit yung target, di na naman tinamaan. ako naman bumaril gamit ko yung 45 nya, fmj mga bala nya, di rin tinamaan yung target. kahit daplis sa plywood, o tama dun sa paligid wala. try namin binaril yung puno ng dayap, tinamaan naman. binaril ng uncle ko yung puno ng santol, tinamaan din. so lumapit kami dun sa target na nakasandal sa punso. wala na 5 meters ang layo namin. binaril ni uncle yung target, aba yung bala nag-90 degree turn palayo sa punso saka tumama sa lupa. natawa kami, sabi niya aba pamangkin may nuno nga yata sa punso na ito. lumapit pa kmi, tinutok na namin 2 baril, 1 meter na lang ang layo. sabay, "bang bang!". aba wala pa din tama yung target.

    tawa kami ng tawa, sabi namin dun sa punso "apong ang galing mo ah, kaya mo palikuin ang bala namin! sorry ha kala namin wala na nakatira dito e." pag talikod namin may narinig kaming tumatawa na parang matanda sa likod namin, wala naman tao. hehehehe!

    Sa amin naman, yung pinsan ko sinipa yung punso. The next day namaga yung paa niya at lumaki. Nung nalaman ko yun. Pinuntahan ko agad yung punso at agad ko inihian. Kinaumagahan, masaya na ako sa naging resulta. :D

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,335
    #457
    Quote Originally Posted by marktams86 View Post
    Before namatay yung lolo ko sa Mindanao, sabi nang asawa ko nagising daw yung 2 year old daughter ko around 3am...nakipaglaro at tumatawa... Nalaman namin that was about the same time my Lolo died.. when we asked my daughter if she saw my lolo. she said "Yes"..
    That's the same case with my then 6 mo. old daughter when my dad died. When I arrived home from the morgue at around 5am, gising na gising siya, nag-giggle na parang may kalaro. Pinabayaan ko lang at natulog ako.

  8. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,494
    #458
    Horror story # 1

    We live in the ancestral house of my father in Negros. Typical old wooden house ala Oro Plata Mata. The side of the staircase going to the upstairs living room os lined with portraits of my long departed grand lolo's and grand lola's

    One halloween night, when we were at the cemetery to pay our respects to them, a household help happened to go down that very same staircase. When she glanced at the portrait of my Lola Soledad, it was the only one hanging upside down, among all the other portraits.

    Sumigaw ang maid at hinimatay! :D

    Horror story # 2

    One summer vacation when my sister was still studying here in Manila, she went home with a friend of her's for a quick vacation. That night when everybody were asleep, she heard horse hooves and "neighing" outside their bedroom window. Thinking we had horses, she went back to sleep. At breakfast the next morning, she asked my sister is she can see our horses in the farm. Puzzled, my sister remarked that we have no horses. Her friend remarked that she hear horse hooves and neighing the night before outside their window.

    The santol orchard next to our house is a favorite hunting ground of a tikbalang. It would go out every full moon, and when there are guests sleeping in our house.

    Horror story # 3

    One of our trucks had a serious engine break down that we had no recourse but to send for a mechanic from Bacolod. The mechanic volunteered to work on the truck overnight so that come the next day, we can already put the truck into service. Through the night accompanied by a helper, they fixed the truck. At one point the helper left him to get some refreshments and coffee. Then an old man, wearing a buri hat and a long sleeved camisa chino appeared out of nowhere and started asking him questions. What's wrong with the truck? Was there parts? When will it be finished? What is his name? All sorts of questions, to which he replied as best as he could.

    Come the next day, my father asked him to come inside the house for breakfast, and to run him through what he had done during the night. He saw the portrait of my Lolo Enrique along the staircase, and exclaimed to my father that he met that person last night while he was fixing the truck. To which my father replied ...

    Impossible! That old man died while I (my father) was still in highschool. You should have seen the look on the face of the mechanic! :D
    Last edited by lowslowbenz; March 8th, 2013 at 07:09 PM.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,780
    #459
    speaking of little girls, same thing happened when my father died. it was the 3rd day of the wake and our kids were at our house eating. the only adult with them is their yaya and maid. so my 3 girls were eating and the 2nd started smiling and winking her eyes as if to someone sitted on the rocking chair. she was the favorite apo and she was the one who spent more time at her grandparents house since her nursery school was just across the street. then their yaya sat at the rocking chair. my daughter stood up and told her "yaya huwag ka please umupo dyan andyan si lolo!" their yaya got up but my daughter said "ayan tuloy umalis na si lolo! bye bye lolo, i love you!" while she was waiving to someone outside the kitchen door.

    their yaya of course told the story to us when we got home to fetch the kids. i asked my 2nd child what she saw. she said her lolo was sitting on the rocking chair and told her not to say anything, and she even gestured her right index finger across her lips "ganito papa ssshhh daw ako". then i asked her how long her lolo was there, and she said all throughout their lunch time until the yaya sat on the chair her lolo was sitting on. then she said lolo walked through the door (it was a steel decorative door, it was closed) and waved good bye to her when she was also saying her byes. she said her lolo disappeared as he rounded the corner of the house, like a cloud.

    i ask her what her lolo was wearing. her answer made me so happy: "white na dress papa, yung damit ng mga angels!"

  10. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,938
    #460
    Grade 5 student ako noon.. 6:30AM ang start ng klase namin pero 5AM pa lang nasa school na ko para makapaglaro.. yung classroom namin katabi ng guidance office which is temporary office lang na nasa end of the hallway at may stairs pababa, (pero di nagagamit yung stairs kasi nga ginawang office yung area).

    Magisa akong umaakyat sa 2nd floor papunta sa room namin. para iwan yung bag ko sa tapat ng pinto at bumaba uli sa quadrangle para makapaglaro ng sipa.. Madilim yung building walang ni isang ilaw.. liwanag lang ng poste sa baba ang ilaw.. pag akyat ko normal lang lakad ko. nung malapit na ko sa pinto ng room namin, may nakita kong nalutang na puting parang tela sa loob ng guidance office, ppunta sa hagdan hanggang sa nawala na sya ng tuluyan... tinapon ko yung bag ko at dalidaling nagtatakbo pababa.

    Bumalik kami sa room nung oras na ng klase then after ng 1st subject sumilip ako sa loob ng guidance office, para tignan kung may kurtina ba dun na puti... wala akong nakita. :uptight:

Ghost / Scary / Supernatural Stories [Merged]