New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 45 of 53 FirstFirst ... 35414243444546474849 ... LastLast
Results 441 to 450 of 529
  1. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    1,101
    #441
    Ingat lang kayo sir sa NLEX especially bago mag tabang exit. Meron interchange dun na accident prone area. Madami na namatay sa lugar na yun

  2. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    567
    #442
    Quote Originally Posted by Tj_abs View Post
    Thank you sir for reading my story This is my second life and will be using it for good. Life is to short. Mabilis lang pag kukunin ka na ni lord. But my question is up to now, bakit kaya my premonition? Pati third eye ko na buksan after that incident.
    Do you see spirits everytime sir? Nakakatakot ba? Boon or bane? Sorry dami tanong, curious lang.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,335
    #443

    ^I'm real sorry to hear about what happened to your family before. Life is short indeed and it's that kind of thought that makes you step back and evaluate all you have done and what you should do to make it meaningful; that's one way to honor the memory of your sister.

    You're referring to the portion of NLEX where today, the highway starts to narrow into three then two lanes if you're northbound? If you're southbound, it's the area before the street lighting begins? I don't like that area either.

    Speaking of premonitions and "bad"stretches of roads, along SCTEX there's also a stretch of road that gives me goosebumps and I always have a hard grip on my steering wheel when i pass that certain area for some reason. There was one time where i really had a bad case of the shakes and really had to slow down and concentrate hard on the road. When i arrived at home right after that episode, my dad was waiting for me at the door of our house, and that night he carried my daughter inside the house and told me to lock up (which was unusual since it was always the other way around). There were also several "out-of-the-blue" things he did that night which are forever embedded in my memory. The next day he had a stroke and eventually passed-on.
    Last edited by vinj; March 5th, 2013 at 08:42 PM.

  4. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    1,101
    #444
    Quote Originally Posted by freeloader View Post
    Do you see spirits everytime sir? Nakakatakot ba? Boon or bane? Sorry dami tanong, curious lang.
    Yes sir. Anytime of the day. Ignore ko na lang. Before hindi talaga ako naniniwala but after the accident dun na nag start lahat. Freaky sympre but i have to deal with that. My friend din ako na ganito hindi cya nag sasalita pag my nakikita cya pero last time nag open cya na my nakikita cya multo same sa nakikita ko

  5. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    1,101
    #445
    Quote Originally Posted by vinj View Post
    ^I'm real sorry to hear about what happened to your family before. Life is short indeed and it's that kind of thought that makes you step back and evaluate all you have done and what you should do to make it meaningful; that's one way to honor the memory of your sister.

    You're referring to the portion of NLEX where today, the highway starts to narrow into three then two lanes if you're northbound? If you're southbound, it's the area before the street lighting begins? I don't like that area either.

    Speaking of premonitions and "bad"stretches of roads, along SCTEX there's also a stretch of road that gives me goosebumps and I always have a hard grip on my steering wheel when i pass that certain area for some reason. There was one time where i really had a bad case of the shakes and really had to slow down and concentrate hard on the road. When i arrived at home right after that episode, my dad was waiting for me at the door of our house, and that night he carried my daughter inside the house and told me to lock up (which was unusual since it was always the other way around). There were also several "out-of-the-blue" things he did that night which are forever embedded in my memory. The next day he had a stroke and eventually passed-on.
    Thank you so much sir vinj we must use our precious moments to live fully every single second of every single day.. yes sir nlex before it was called north diversion road. Im not really sure kung north or southbound area but the landmark will be the interchange bridge ( burol bocaue bridge) and shell gas station ( after shell is tabang exit dito din pinatay at iniwan ung body ng baywalk beach bodies ) eto yung papunta ng province not to manila. Some old folks in that area told us that before it was a cemetery and now it was transformed to a highway. When you pass by,Take note the name of the bridge. You will see the name on top if it.

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    341
    #446
    Sometimes, photographers would end up with strange and peculiar shots. I snapped this for a ground breaking event way back. However, when I got home and started reviewing the takes so i could burn sa CD, this shot surprised me. May discernable figure in the sky na hindi ko ma explain din. Photo below shows the photo with optimized levels so madali makita yung figure. Even the raw photo makikita na actually. This was not present while i was peeping sa viewfinder otherwise i would have seen it prior to framing the shot. Oh well, at least in my photography lifetime, may unexplained photo ako for the experience.

  7. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    21,486
    #447
    Quote Originally Posted by Tj_abs View Post
    Yes sir. Anytime of the day. Ignore ko na lang. Before hindi talaga ako naniniwala but after the accident dun na nag start lahat. Freaky sympre but i have to deal with that. My friend din ako na ganito hindi cya nag sasalita pag my nakikita cya pero last time nag open cya na my nakikita cya multo same sa nakikita ko
    I think kaya may premonition kasi nagpaparamdam mga kaluluwa dun sa mga hindi nila personally nakausap one last time.

    My father died in a car accident in 2006. he was very close to my Lola (mother of my mother) to the point that when he died, that night din, nakita daw nang Lola ko father ko sa pintuan na naka-upo at duguan. Kaya tinawag niya mga auntie at pinsan ko to check my father pero nung tignan nila wala na din daw sa pintuan. This was in Coron, we were in Puerto Princesa. Bilis bumiyahe ng kaluluwa noh.

    Also naniniwala din ako sa parang nagpapaalam. Kasi the week before he died, he vacationed in his hometown and really went around to check on childhood friends, classmates, teachers and visited his old elem and HS schools. Yun pala parang huling paalam na rin niya. Kakainis pa kasi yung strada ko na bagong bili that time gustong-gusto niya gamitin kaso wala pa kami time to drive around. Sayang, dream car niya kasi strada din that time. Life is indeed too short.

    Dito sa office namin may nagmumulto din. Pero simula nang nilagyan ko ng mga religious quotes na sticker type at rosary yung ibang part ng office eh hindi na din kami masyadong pinapakitaan. hehe
    Last edited by Ry_Tower; March 6th, 2013 at 11:44 AM.

  8. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,593
    #448
    pag nababasa ko yung tungkol sa mga parents o relatives niyo. napapa yakap ako sa pamilya ko.
    namimiss ko tuloy yung mga parents ko sa abroad, gusto ko rin sila yakapin. iksi lang ng buhay, kahapon 17 lang ako at nagbibigay ng heart aches sa mga magulang ko.

    btt: yung kapit bahay namin matanda tinawag yung aso nila para kumain. nakita daw niya parang malungkot yung aso kaya niya binigyan ng food. napansin niya nawala at nung tinatawag niya walang lumalapit. sabi nung barkada ko sino tinatawag niya dahil pinakatay na nila yung aso.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,743
    #449
    father ko the night before e naghatid pa sa amin hangang door. e na 2nd stroke na siya kaya di na makalakad, so usually di na siya tumatayo pag paalis na kami. pero the night before e pilit na tumayo at nakadungaw sa pinto pilit na tinitignan kami sa van. the next day tumawag ermats ko para isugod siya sa ospital at na-stroke ulit. nung namatay naka-smile siya. nasa emergency room siya nun, 3rd stroke. ask ko siya bakit, e andun daw mga lolo, lola saka mga departed relatives namin sinusundo na siya. sabi ko wag muna sasama e pinisil lang kamay ko. then inutusan ako ng doctor na pa-reserve sa ICU, after 5 minutes lang wala na.

    pag naiiba ako ng destino lagi sumasama sa akin, maamoy ko yung tsinelas nya, lakas talaga ng amoy tapos pag binati ko na "Pa andito ka ano. ok lang ako dito..." ayun mawawala bigla ang amoy. ako kasi naghuhugas ng paa nya pag nakaalis na yung caregiver nya nuon.

    yung uncle ko na namatay sa cancer ganun din. gusto na mag-suicde nun e, masakit kasi cancer nya kumalat na sa whole body. takot siya na mamatay days before pero nung day na namatay siya hindi na siya takot. di kasi siya naniniwala sa diyos, pero one day before e nagpatawag iya ng pari para magpa-baptise siya ulit. and then a few hours bago siya mamatay e sabi nya andun daw lolo at lola namin pati mga kapatid at pinsan nya na nauna na, sinusundo na daw siya. so nung assured na siya na may life after death ayun di na takot mamatay.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,743
    #450
    eto funny supernatural story. true story ha.

    nasa pangasinan ako, so na-tripan ng isang uncle ko na subukan daw nya yung baril ko na 40sw. nilabas din nya yung 45 nya. e dun sa likod ng bahay ng lola ko e may punso, na nung maliit kami talagang binawalan kami ng lola namin na maglaro dun at may nuno daw. e kasi malaki na nga mahaba na ang sungay, natripan namin na dun isandal sa punso yung 3'x4' na plywood na target namin. una yung uncle ko na bumaril gamit yung 40sw ko, aba hindi tinamaan. medyo malayo kami mga 20 meters. ask nya bakit ganito ang baril mo blanko yata ang bala. so tinanggal nya ang magazine, inspect nya bala, combination ng hollow point saka fmj ang karga ko lagi salitan yun. binaril nya ulit yung target, di na naman tinamaan. ako naman bumaril gamit ko yung 45 nya, fmj mga bala nya, di rin tinamaan yung target. kahit daplis sa plywood, o tama dun sa paligid wala. try namin binaril yung puno ng dayap, tinamaan naman. binaril ng uncle ko yung puno ng santol, tinamaan din. so lumapit kami dun sa target na nakasandal sa punso. wala na 5 meters ang layo namin. binaril ni uncle yung target, aba yung bala nag-90 degree turn palayo sa punso saka tumama sa lupa. natawa kami, sabi niya aba pamangkin may nuno nga yata sa punso na ito. lumapit pa kmi, tinutok na namin 2 baril, 1 meter na lang ang layo. sabay, "bang bang!". aba wala pa din tama yung target.

    tawa kami ng tawa, sabi namin dun sa punso "apong ang galing mo ah, kaya mo palikuin ang bala namin! sorry ha kala namin wala na nakatira dito e." pag talikod namin may narinig kaming tumatawa na parang matanda sa likod namin, wala naman tao. hehehehe!

Ghost / Scary / Supernatural Stories [Merged]