Results 311 to 320 of 529
-
October 20th, 2006 06:11 PM #311
buti nalang wala pa ako karanasan sa mga ganyan though sometimes parang may nararamdaman ako sa bahay namain sa pangasinan kasi dun namatay lolo ko pero sanay na ako dun matulog mag isa. nagdadalawang isip tuloy ako kung magpupuyat ako manood mamaya ng initial D dahil naiimagine ko kwento nyo.
-
October 20th, 2006 06:51 PM #312
not a ghost story, pero i thought i'd share this story with you since medyo appropriate. this is just a summarization since it'll take too long to narrate the whole story.
this thing happend quite recently with my son. he turned 4 last june. when he was just a baby a friend of her mother's visited them often. this friend had a "gift" of seeing "other" stuff. one day she visited my son at his mother's house and brought some "friends" with her.
fast forward to a week ago... my son violently woke up one night around 2am screaming. he was crying that "they" want to take him away. he was really shaking and trying to hide his hands inside his pajama's. "they" included a tall black entity with long claws, according to my son. akala namin nightmare lang but it turns out he can also see "other" entities. this freaking friend must've given the gift/curse to him when he was still a baby. after praying for an hour with his mother, he was able to sleep at last.
after that incident, we talked to his mother din and she agreed pray over the house the night after to drive away the unwanted guests. he sleeps at my house most of the time too after that.
fast forward to three days ago... they went home to sleep at his mom's house. kaso pag-pasok pa lang nya ng house... sabi nya sa mommy nya "mommy madami pa din sila eh" then he turned around and grabbed his mom and hugged her. they then proceeded to exorcise the house then and there. im proud of my son for what he did next. he got over his fear, went and grabbed a toy sword and started whacking at this unwanted guest while invoking Jesus's name. he continued doing that until they were out of the gate of the house. his mom was following him, praying and crying the whole time.
there's no doubt about it, he has the ability to see other beings. we also talked to his teachers at the local kiddie school, meron din sya weird incidents dun. he sleeps peacefully na after that last incident, im just afraid of any retaliation this other beings might do because of that struggle. we're talking to a pastor that we trust, and its a good thing this curse can be removed.
lastly, if i see that friend again (she married and went overseas), im gonna give her a piece of my mind and fist.
-
October 20th, 2006 10:10 PM #313
ayaw ko sana magpost kasi baka tumawa kayo pero...
incident #1, bahay namin sa probinsya, paslit pa ang yebo
lagi kami naglalaro ng sister ko sa hagdan pag walang tumitingin sa amin. ang laro namin ay "lipad lipad". pupunta kami sa taas ng hagdan at itataas ang mga kamay parang si captain barbell at tatalon kami. pero hindi kami nahuhulog, lumulutang kami pababa. "lipad lipad" ang lagi namin sinasabi habang lumulutang kami pababa. minsan dumalaw ang tito namin na nagtratrabaho sa asukarera 4 na bayan ang layo sa amin. bukas ang pinto ng kusina kaya dun siya dumaan, di namin namalayan na papasok na siya. e kasalukuyan pong lumulutang ang yebo sa ere, "lipad lipad" ang sigaw ng yebo. eto ang tito namin, nakatingin at nakatulala. napatingin din ako sa kanya. "lipad ako tito", payabang pang sinabi ng yebo. hulog ang yebo! buti na lang at nasa malapit na sa ibaba at di naman nasaktan. mula nuon ay di na naulit ang aming munting sikreto. kahit ano gawin namin na sigaw ng "lipad lipad" ay hindi na kami lumutang pa.
incident #2, pumapasok na sa skul ang yebo, grade 1 na at laging naka-yapos sa hita ng aming maganda, maputi at malanding maid na si Yoli
bago nagpunta sa kursilyo ang aming erpats ay nagsimula kaming meron narinig na para bagang tsinelas ng matanda na naglalakad sa pasilyo. titigil ito sa labas ng kwarto nila ermats at erpats at parang may kumakatok, mahina lang. natapos ang kursilyo ni erpats at makalipas ang ilang buwan ay si ermats naman ang susunod mag-kursilyo. lalong naging malakas ang yapak ng tsinelas, at hindi na mahina ang katok sa kanilang pinto. kaming magkapatid ay takot na din umakyat sa itaas ng walang kasama. nung araw na bago umalis si ermats papunta sa kanyang retreat ay ginawa nila erpats ang bubong ng bagong porch. nung gabi na yun ay nagumpisa namin marinig ang yapak ng tsinelas maaga pa lang. hindi na ito mahina, padabog na. sa takot namin ay lahat kami ay andun na sa silid ng aming mga magulang - kami ng sister ko, ang aming tita at ang malanding maid na si Yoli. todo-higpit ang yapos ko sa hita nya, mamatay man ako nang oras na yun ay maligaya man lang ako. di na kami makatulog lahat. sa inis ay sumigaw ang erpats ko ng pagalit, "bwisit kang demonyo ka pumunta ka na sa impyernong nararapat sa iyo!" ayun po, nagalit ang kung ano man yun na naglalakad at kumakatok sa labas ng silid. kinalabog nya ang kisame, kinalabog nya ang mga dingding, pati na ang bubong. patapos niyang pagbawi ay tumalon siya dun sa bagong gawang bubong ng porch. kinabukasan nang tignan namin ang bubong ay may malaking "dent" (lintek ano ba ang tagalog ng "dent") dun sa bubong, para bang merong higante na bumagsak at ang yero ay natupi. nung nasa kursilyo na si ermats ay kinunsulta nya ito sa obispo. nagpayo ang obispo na magpamisa sa aming bahay alay sa kaluluwa na sabi nya ay humihingi ng dasal. yun nga ang ginawa ng aking mga magulang at mula nuon ay nawala na ang naglalakad sa pasilyo.
pagkatapos nito ay meron pa din kami nararamdaman paminsan-minsan. yun bang bigla na lang na parang meron kang katabi. nagmamatyag.
incident #3, kakatuli lang ng yebo
natutulog kami sa baba, sa banig. bumisita ang mga pinsan kong mga dalagita galing maynila at syempre ibinigay ng yebo ang silid nya sa bisita. pinsang buo ng nanay ko ang nanay nila. malapit din ako sa kanilang lola, lola ko din kasi at kapatid ng lola ko. katabi ko ang aming tito na nasabi ko sa inyo nung una na bumisita nung ako ay nalaglag sa ere habang "lipad lipad" ang yebo. kalagitnaan ng gabi ay nagising ako bigla at sa may hagdan, sa tabi ng wedding portrait nila ermats at erpats ay nakatayo dun ang lola ng mga pinsan namin. kalahating katawan lang hangang bewang. ginising ko ang aking tito at tinuro ko si lola. "tito bakit andito si lola e hindi naman nila kasama umuwi?" tinignan ng tito ko ang aking tinuro. pagtapos nun ay tinakpan nya ang aking mata, nagtalakbong kami ng kumot. takot siya, sabi nya ay matulog na ako. kinabukasan ay dumating ang telegrama na patay na ang lola ng mga pinsan ko.
incident #4, 2nd year high skul na ang yebo at nangmamanyak na
kakatapos lang ng bagyo nuon, nasira ang bintana ng kwarto ng yebo. dahil bandang tanghali na nung humupa ang bagyo ay ginabi kami ng aking erpats na ayusin ang sira. sa alaala ko ay mga alas-nwebe na ng gabi ng iutos sa akin ni erpats na itabi ang mga gamit pang-karpentero sa kamalig. dahil ang inyong lingkod ay masunurin sa kanyang ama (dahil takot) ay dali-dali naman na inayos ko ang mga gamit at ibinalik sa tool box sa kamalig. sa loob ng kamalig ay may ilaw, sa labas ng pinto ay may ilaw din. ang kamalig ay nasa harap ng pinto ng kusina na meron din 100 watt na bumbilya sa labas. bukod pa dun ay malapit din ito sa side door (di ko na pipiliting tagalugin lahat at ubos na) ng aming kapitbahay, na siya din namang merong ilaw sa labas. maliwanag, parang basketball court na inilawan sa gabi. nung naisauli ko na ang mga gamit ay napansin ko na madumi sa loob ng kamalig, madaming dahon na inilipad ng bagyo papasok. kinuha ko ang walis tingting at pandakot sa labas ng pinto ng kamalig at nang akma na akong papasok muli sa loob para maglinis ay may nagsalita, sa likuran sa aking bandang kaliwa mga isang metro ang layo, "hoy tama na yan gabi na." boses ng lalaki, matanda. nang aking tignan ay wala namang tao. umikot ako sa kaliwang gilid ng kamalig, sa ilalim ng tanke ng tubig, dumungaw pa ako sa bakod ng aming kapitbahay ngunit wala akong nakitang tao. sa isip ko ay "naisahan na naman ako ng aking kaibigan, mabilis tumakbo." dahil sa aking akala ay tao nga ang nagsalita binalikan ko ang aking balak na maglinis sa loob ng kamalig. dampot ang walis at pandakot at papasok na naman sana ako sa kamalig ng biglang sa aking kaliwa ulit, ngayon ay nakadikit na sa aking tainga ang mukha ng nagsasalita. "SABI KO TAMA NA YAN GABI NA!" naaninag ko ang kanyang mukha sa gilid ng aking mata, dama ko ang kanyang hininga sa aking pisngi. nanginginig at dahan-dahan akong humarap sa kanya, at isang pulgada lang ang layo sa dulo ng aking ilong ay isang mukha, madilim (hindi maitim kundi MADILIM!) humakbang ito palayo sa akin ng mga isang metro ang layo at tumambad sa akin ang isang hugis tao ngunit hindi tao. madilim ito, para bagang isang x-ray film na baliktad ang pagkagawa, ang maliwanag ay ang paligid ngunit ang katawan ay madilim. malaki siya, parang isang berdugo sa laki. parang may kulay pula na ilaw na nagmumula sa mga mata nito, nanlilisik ang mga mata sa galit. dahil ang ilaw ng aming kapitbahay ay nasa likuran nya ay kita ko na tagos ang ilaw sa kanyang katawan. di ko na alam gaano ako katagal na nakatayo duon basta ang natatandaan ko ay nakuha ko ding tumakbo. yung screen door ng aming kusina ay aking sinugod, kung ano ang porma ng aking katawan ay ganun din ang porma ng butas. laking galit ng aking erpats pero tumigil siya nung makita na nanginginig ako sa takot. nang mahimasmasan ako ay ikwinento ko sa kanila ang aking nakita. nawala ang galit ng aking erpats, pumunta siya sa kusina at isinara ang pinto. (di rin siya lumabas, nakabukas pa ang pinto ng kamalig!)Last edited by yebo; October 20th, 2006 at 10:43 PM.
-
October 20th, 2006 10:11 PM #314
incident #5, 3rd year high skul ang yebo, sertipikadong manyak na
nag-nervous breakdown ang tita namin. sa kwento nya ay tuwing gabi ay nagigising siya. sa tabi ng kanyang higaan ay merong nakatayong lalaki, malaki at maitim. hindi nya maaninag ang mukha ngunit dama nya ang kabastusan na balak nito. isang gabi ay nagulat na lang kami nang nagsisigaw ang tita namin. nagising ulit siya at pumatong daw sa kanya ang lalaki at tinanka siyang pagsamantalahan. alam nya na hindi iyon tao, hindi na iyon buhay kundi isa nang espirito. mula nuon ay hindi siya pumapayag maiwan mag-isa. dahil kailangan namin ng kasama nya lagi ay naisipan naming tawagan ang isa sa aming dating katulong na nag-asawa na at hindi na namin kasama. sinabi ni manang na meroon siyang pinsan na nagtataglay ng kakaibang kakayahan, ang kumausap sa mga kaluluwa at mang-gamot. ngunit merong isang bawal. hindi siya pwedeng tumanggap ng kahit anong kabayaran kundi ay mawawala ang kanyang angking galing at siya ay matatalo ng kanyang mga kinalaban (na mga espirito). susunduin namin siya sa kanyang bahay at kami ang magbabayad ng pamasahe sa tricycle at bus, maliban dun ay wala na. ganuon nga ang aming ginawa. pag dating pa lamang sa bahay ay iba na ang pakiramdam ng aming tinawag. nagdasal siya (latin) at nag-utos sa amin na kumuha ng isang bowl na puti, lagyan ng tubig, isang bond paper na walang sulat, at isang kandila. sinindihan nya ang kandila, hinati nya ang papel sa anim, inilagay sa bowl na may tubig, at nagdasal. pagtapos ay isa-isa nyang inahon ang mga piraso ng papel. sa anim na pirasong papel ay nagkaron ng "water mark", parang water mark sa papel na pera. sa una ay merong isang matandang lalaki, isang matandang babae at isang binata. naalala ko pa kung paano ang pagkaayos ng kanilang bigote, parang kay antonio luna, pakulot pataas. tinignan nya kaming magkapatid, sabi nya kalaro daw namin iyong binata nung kami ay maliit pa. nagtaka ako, sabi ko ay wala akong kalaro na ganun. tinuro nya ang hagdan, "dyan, sa hagdan kayo naglalaro. binubuhat nya kayo at ate mo, lumilipad kayo dyan" ani niya. nagkatinginan kaming magkapatid, at napangiti. tinuro nya ang matandang babae, wala na daw yun at umakyat na sa langit dahil sa dasal namin. sa isang pirasong papel naman ay may isang malaking bahay na masasabing kapanahunan pa ng mga kastila. nasusunog ito. duon daw namatay ang tatlo sa sunog. sa isa pang papel ay ang mapa ng lote ng bahay, makikita ang kalye at ang aming bahay. andun din ang bahay na luma, nagkakatuwang ang bahay namin at ang bahay na luma na parang pinagdugtong sila. di ko na matandaan kung ano pa ang nakita namin sa 3 pang pirasong papel, yun na lang ang natatandaan ko. may katagalan na din kasi. umakyat siya sa itaas at pag bukas pa lang ng pinto ng silid ng aming mga magulang ay sabi nya "dito sa salamin na nakaharap sa pinto sila dumadaan. wag kayo maglalagay ng salamin sa harap ng pinto, lalo na kung nakaharap sa pasilyo." nagdasal siya, umikot sa buong bahay at sa labas. nang bumalik kami sa loob ay sinabi nya na ang binata ay umakyat na din. ngunit ang matandang lalaki ay espiritong madilim na, ayaw nitong umakyat. sabi nya ay napakiusapan nya na wag na itong papasok sa aming bahay. sinabi din nya na pumayag ang espirito na sa labas na lang ito at hindi na mangugulo sa amin. mula nuon ay wala na kaming naramdaman sa loob. sa loob. pero sa labas, pag gabi na, ibang usapan na yun!
makalipas ang ilang araw ay nagpunta sa munisipyo ang aking ina, tiningnan nya ang mga lumang records na abot pa sa kapanahunan ng kastila. halos ang buong bayan namin ay nasunog nuong 1857, dahil pawid pa ang mga atip nung araw ay madaling kumalat ang apoy. at isa sa mga nasunog ay ang lumang bahay sa aming lote. kamaganak namin ang 3 na nalarawan sa papel, namatay sila sa sunog na yun nung 1857.
incident #6, nagtratrabaho na sa oil rig ang yebo, mga 12 taon na nakalipas ito
lagi, kung pupunta ako sa port aft column ay meron ako nakikita na naka-uniporme ng gaya ng suot ko, madaliang naglalakad ngunit bigla nawawala. nang siyasatin ko ang history ng rig ay meron pala namatay dun, nasabugan ng hydraulic oil. hangang sa umalis ako sa rig na yun ay regular na nagpapakita yun sa akin. di naman ako natatakot sa kanya, di naman siya nananakot kasi.
incident #7, sa isa pang rig, mga 1996 at nung 1999
1996, sa may compressor area lagi meron sumusutsut, "psssst! psssst!" pag titignan mo kung sino ay wala naman. fast forward sa 1999, naka-stack ang rig sa singapore dahil walang kontrata. ako ang na-toka na magbantay sa 3 rig na naka-stack. isa dun ang rig na dati kong sinampahan. ang aking "bahay" ay sa promet shipyard sa singapore naka-daong, at ang 2 pang rig ay aking binibisita 3 beses sa isang linggo sa jurong, sa singapore din. andun yung rig na yun. minsan pagdating ko sa jurong ay walang ilaw ang 2 rig. nang tanungin ko ang 2 motorman (si Max at si Tobing, parehong indonesian) kung bakit ay ayaw daw nila puntahan at kumpunihin ang generator sa kabilang rig kung saan andun ang deck generator (naubusan na ng diesel) na inilagay para mailawan ang 2 rig. meron daw multo. natawa ako, sabi ko pa "sa may compressor?" sumagot ng positibo ang 2 indon. inaya ko sila na ayusin ang generator, sabi ko ay di sila lalaki. nung andun na kami inaayos ang generator ay meron na naman sumusutsot, "psssst! psssst!" dahil tatlo kami ay nagpakitang tapang naman ang 2 kasama ko. inutusan ko si Max na kumuha ng oil filter para palitan na din namin ng langis ang generator. nung 2 na lang kami ni Tobing ay lalong lumakas ang "psssst! psssst! huh! huh!" ani mo ay malapit na ito, katabi na namin. sinigawan ko ang sumusotsot, "pak you a$$hole!" habang tuloy kami sa pag-drain ng langis. sa gitna naming 2 ng naiwan na si Tobing ay bigla pong "WRAWRAWRAWRAWRAWRAWRAWRAR!", sigaw ng pinaghalong parang asong ulol at halimaw. takbo ang yebo! takbo din ang Tobing! nakasalubong namin si Max. kawawang Max, para siyang nabangga ng tren!
incident #8, fast forward sa 2006, nito lang nakaraang May
bagong lipat kami ng bahay. nung una ay ayaw pumasok ng aking panganay sa banyo na mag-isa, "meron mumu" ang lagi nyang sinasabi. nagalit pa nga ako at di naman siya dati ganun na matatakutin. matapang nga siya e, makulit kasi, 4 years old. pero ayaw nya pumasok sa banyo na nag-iisa. napagalitan ko pa nga ng ilang beses, ayaw pa din talaga. nung May ay bumisita ang aking mga byenan at kami ay magpapa-binyag sa aking bunso. sabi ng aking byenan na babae ay meron daw siya nakita na dalagita, akala nya ay yung yaya ng mga bata pero nasa labas naman daw si yaya. sabi nya ay baka daw multo. minsan, maaga ako bumaba mga 6:30 ng umaga at ako ay ji-jingle sana (late ako magising pag naka-bakasyon, mga 9am). gising na ang mga byenan ko, ang hipag ko na kasama namin sa bahay, at ang 2 katulong. nasa kusina ang maid at ang iba naman ay nasa labas, nagpapahangin. nung papasok na ako sa banyo, nang akmang hahawakan ko na ang door knob para buksan, ay biglang pumihit ang door knob. clockwise, tapos counter-clockwise. napansin ko din bigla na nakabukas ang ilaw (may slats kasi ang baba ng pinto, kita kung naka-on ang ilaw) at bumubuhos ang tubig mula sa gripo. tambay muna ako sa sala, on ng tv at hinintay ko matapos ang nasa banyo. nang lumipas ang ilang minuto ay saka ko lang naisip, "sino nasa banyo?" nasa labas ang 5, nasa kusina si Che (ang maid), nasa itaas pa mga bata at misis ko. sino? pumunta ako ulit sa may banyo at tinanong ko si Che. "sino nasa banyo?" "ewan ko kuya, kanina pa nga yan e di pa rin naka-ihi ang tatay." binuksan ko ang pinto. bigla namatay ang ilaw, tumigil din ang pagtulo ng tubig sa gripo. walang tao. taka kaming lahat syempre. nang magtanong ang misis ko sa kapitbahay ay meron na daw namatay dun, mag-ina. ang nanay ay namatay sa cancer, at ang dalagita ay cancer din. lumipas pa ilang araw, pag-tapos namin kumain ng pananghalian ay bigla namin narinig ang tubig sa banyo. e naiihi din ako nuon. lakasan ng loob, bigla ko binuksan ang pinto ng banyo sabay pagalit na "andyan ka na naman!" tawa sila lahat, sira na daw ako. jingle din ang yebo pagtapos, naiihi e. pero wag nyo ipagsasabi ha, di ko makapa yagbols ko nun habang umiihi ako, kala ko nga nawala na e!
mula nuon hindi na namin narinig na may tao sa banyo kung sadya namang wala. hindi na rin takot pumasok ng banyo ang panganay ko ng mag-isa, wala na mumu!
o yan manginig kayo sa takot. true yan, mabuhay man ang lahat ng patay!Last edited by yebo; October 20th, 2006 at 10:58 PM.
-
-
October 20th, 2006 11:10 PM #316
Bossing yebo anu yan type mo lang o copy paste?? grabe ang haba ahh... kakatamad basahin!
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Oct 2004
- Posts
- 2,315
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Nov 2005
- Posts
- 368
-
October 21st, 2006 01:46 AM #319
O.T
Hinihintay kong mag-share ng ghost stories si Mayor Binay sa thread na ito, about his GHOST employees.
-
Meanwhile, LC80s that are much older than modern expeditions are still fetching for close to a...
2021 Toyota Land Cruiser LC300