New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 14 of 53 FirstFirst ... 410111213141516171824 ... LastLast
Results 131 to 140 of 529
  1. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    182
    #131
    My sister also has an "open" third eye. She could also see spirits and the likes.. It freaks me out every time she warns me that she sees this and that...

    One late night , as i was in the computer playing counter strike. My sister started shouting at me telling me to stop playing and sleep.. I, not knowing what my sister sees, just continued playing ignoring what she told me.

    Then my sister, pissed off by what i did, went to the "sala" where i was playing and turned off the lights. I asked her to turn it on but she just said that I'm bothering "others".. with this reply i quickly turned off the computer and went straight to sleep. The next day she told me that there was a man in black at my back (somehow with an expression of annoyance).. after that i changed the location of my computer..

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,787
    #132
    FM, read ko ulit yung first post mo sa thread at di ako mapakali. fast read lang kasi ginawa ko nung una ko basahin pero nahimay ko details ngayon ng sinabi mo. ang di ko gusto dun sa ghost sa bahay mo FM e yun sinabi ng yaya na standing dun sa likod ng anak mo yung ghost. once lang ba yun nakita ng maid nyo o lagi? kasi baka may masama na intention yun sa anak mo.

    share ko lang, eto naman kumpare ko sa US may experience. this happened in LA. once they bought something sa garage sale, area rug yung binili nila. then mula nun nabili nila yung rug nawawala lagi yung baby girl nila nung 1 year old pa lang. one time nakita nila nakatali yung anak nila sa loob ng cabinet. then minsan naman nakabalot ng kumot yung bata as in para bang pagbalot sa dead body at di makagalaw yung baby sa higpit ng pagkabalot ng kumot. another time nakulong sa bathroom yung bata e di pa naman marunong mag-lock ng door, saka 1 year old lang nga di pa nakakalakad. then the worst e one day hanap na sila ng hanap dun sa baby di nila makita. then nung kukuha ng water sa ref yung lola naka-lock yung ref! so open nila yung ref ayun nakatali yung baby sa loob! so sugod sa ospital kasi hypothermia na yung baby. after that consult sila sa parish priest nila about evil possesion. nung nagpunta daw yung priest sa bahay nila bigla na lang daw natumba yung priest tapos sabi nung priest may sumuntok daw sa kanya tapos minura siya, voice daw ng lalaki. sabi daw nung voice wala daw sila power sa kanya. then nung nakita nung priest yung area rug yun na di na mapakali yung priest kasi pag titingin daw siya dun sa rug may nakikita siya na nakatayong guy na puro dugo. so ginawa nila inalis yung rug dun sa bahay, then balik sila dun sa pinagbilihan nila na garage sale ask daw sana nila kung ano history dun, kasama nila yung priest na pumunta. wala na yung mga nagbenta pero nakausap nila yung mga neighbors. yun pala ang may-ari nung mga binenta sa garage sale ay satanista tapos nag-suicide daw. tapos kaya lumipat ng bahay yung mga kamaganak nun e kasi possessed daw niya yung bahay. ginawa nila sinunog yung rug tapos tinapon yung ash sa river. since then di na ulit nawala yung baby nila. nung relate nila sa akin yung story 2 years old na yung baby. they told me the story kasi sabi ko parang may gusto akong bilihin sa garage sale na malapit dun sa tinitirahan ko. kaya yun warning sila sa akin na wag daw bibili sa garage sale baka magaya sa kanila.

    so ask mo yung maid mo kung lagi sa anak mo naka-concentrate yung ghost at baka iba na intention nyan. better yet pa-misa ka na sa bahay nyo offer nyo yung mass sa forgiveness ng mga souls na andyan. di ako nananakot pare, di ko ugali yun. pero since baby mo yan e need ko sabihin sa iyo to.

  3. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    430
    #133
    jasonnub taga san ka sa sunvalley taga sunvalley din ako sa may sampaguita street how about you ?

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #134
    have it re-blessed... dapat laging may tao...

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,151
    #135
    ghost are either good or bad... have the place blessed by a priest, offer prayers din, and sabi nila atang works, atang are offering, so that the ghost will be at peace

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #136
    mumu sotires ha...herherh..not new tro me..first hand experience...

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #137
    nakakangilabot naman yan.. tagal kong binasa.. nakakatakot siguro paalisin yan kasi baka lumaban..

  8. Join Date
    May 2004
    Posts
    84
    #138
    sir yebo: nakakatakot naman sobra yung nangyari sa kumpare mo... kala ko grabe na yung experience mo e....


    pansin ko nga, puro maids ang maraming nakikita.

    lahat nang naging maids namin (lima) may nakita sa house namin... i dont believe it dati na merong mumu sa house namin kasi kami ang unang tumira dito. my sisters saw it nov.1 or 2 '93 habang nagkekwentuhan kami sa dining table about the magandang gabi bayan ghost stories. two of my sister napatingin sa bintana(sa tabi ng table) tapos nagkatinginan sila. they saw a shadow(black apparition) walking.

    sa room ko naman lagi akong nagigising pag 1:30 ng madaling araw... gumagalaw ang bed ko, e ako lang ang tao sa room. almost everyday ganun ang nangyayari. tinutulugan ko lang. one night, di ako natulog ng maaga hinintay kong mag 1:30 baka kasi naaalimpungatan lang ako nun e... mga 1:20 e umupo na ako sa kama.. abang abang... pag patak ng 1:30 umaalog na kama ko. after a minute or so titigil naman. di ko nalang sinabi sa mga kapatid at parents ko... nalaman din nila first hand nung nag ojt ako at di ako natutulog sa bahay for two months... my older sis and my younger sis palitan sila matulog sa bed ko. nung nagkwento ako na inaalog yung kama ko every 1:30 a.m. nakita ko reaction nila, sabay lumaki ang mata at sabay sila nagkwento na nagigising daw sila tuwing ganong oras at nararamdamang inuuga ang bed.

    yung katulong namin nagaayos ng damit sa aparador ko, may kumalabit sa kanya... minura nya kala nya yung isang katulong namin at kinukulit sya. kinabukasan pag-gising nya ang dami nyang kalmot sa katawan.

    minsan naman yung platito umiikot mag-isa sa kusina.

    i often see a shadow walking around the house pag gabi... adolescent, siguro mga 4 ft in height... prominent sya sa room ko at sa bintana sa labas ng room ko. napanaginipan ng nanay ko and she said na enteng daw yung name ng bata.

    napa bless na namin ang house namin a year after it was made mga 1990. so ang ginawa nalang namin we offer a candle and prayers... nawala naman yung mga kababalaghan na nangyayari. so ngayon wala na kaming nakikita na extra ordinary. ewan ko lang kung inaalog parin ang kama ko. lumipat na ako ng room e. youngest brother ko na ang natutulog dun ngayon. ayokong ikwento sa kanya baka matakot at makitulog sa akin. hehehehe.

    haba ng kwento ko... pero prayers lang ang katapat nyan. offer a prayer for "it". prayers ko nga medyo malakas e(may tunog hindi yung sa isip lang) para alam nya na sa kanya yung prayers na yun. hehehe.gumana naman e.

  9. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,317
    #139
    langhya umagang umaga taas balahibo ko hehe

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,327
    #140
    Wife ko may mga mumu experiences sa dorm nila dati, nakakakita din kasi un. Nangyari noon, estudyante pa lang kami at hinatid ko siya sa dorm after our date. Nung pumasok na siya at malapit na siya sa room nya nakita nyang may pumasok dun sa kalapit kwarto nya, so pinuntahan nya kasi akala nya dumating na yung dorm mate nya at kukumustahin sana nya ang bakasyon nung friend nya. Nung nasa tapat na sya ng room nung friend nya, nakita nya nakapadlock ung door hehehehe. Takbo si esmi!

Ghost / Scary / Supernatural Stories [Merged]