New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 12 of 12
  1. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #11
    Ako, lumaki sa hirap. Sabi ko, pag ako naka ahon na at nagka anak na, lahat ng luho na hindi ko naranasan ibibigay ko sa mga anak ko. Pero ngayon, kahit medyo naka ahon ahon na, kapag nag-o-observe ako sa bihay namin ngayon, at sa buhay ng mga pinsan ko and other people na rin, naisip ko maganda rin na hindi mo ibigay lahat.

    Yung mga pinsan ko nung maliliit pa kami, lahat binibigay ng mga magulang. By some twist of fate, naghirap sila(parang pang pelikula) ngayon ang mga pinsan ko hirap na hirap, kasi hindi sanay makipagsapalaran, hindi natuto dumiskarte. May kasalanan din ang mga tito at tita ko doon, kasi hindi nila nasabayan ng pangaral ang mga bata, bigay lang ng bigay.

    Kung ang anak ko mag re-request, as long as practical, ok lang. Saka it will be given as reward din. Kung luho as in luho na lang talaga, mahirap na, baka teenagers pa lang sila e hindi na namin kaya ibigay requests nila kasi sobrang classy(tama ba term?) na ang taste nila.

    Isa pa pala, sa experience ko, since hindi na nga kami umaasa noon sa mga luho luho na yan dahil mahirap lang kami, hindi na talaga ako nagre-request noon. Tapos nung nauso ang mga Barbie dolls nun, binigyan ako ng mga magulang ko as Christmas gift, sobrang tuwang tuwa ako, kasi nga hindi ko hinihingi yun, surprised talaga ako. Masarap kapag surprise. E kung ibibigay mo lahat ng hiling nila kaagad, lagi ka na lang hihingan, paano mo pa sila ma su-surpresa? Mahirap unahan ang mga bata no, naka gusto ko yan agad.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #12
    Quote Originally Posted by yebo
    the thing is do not equate "no reward" with "punishment". "reward and punishment" does not bode well with children, baka mag-rebel lang sila. make sure that they understand the reason they are not getting rewards, that it is not because they were being punished. medyo mahirap gawin ito, kind of hard to balance and different for every situation, and very easy to be abused BY US PARENTS! may tendency kasi na bawat mali na lang na gawin ng children mo e babawiin mo yung reward na na-earn na nila. so be careful also. hirap maging tatay!

    on a lighter note, one of the first words yata na na-learn ng 2 kids ko ay "no". ang sama ko hehehehe! ang kukulit kasi kaya sinanay ko maliit pa pag sinabi ko na "no" i mean "no". ang kaso since nalaman nila early meaning ng "no" e yun din sagot nila sa akin nyahahahaha! kaya pag ayaw kumain "no" din sagot sa akin! pag ayaw matulog ng maaga "no" pa din! ayaw tumigil sa kalandian "no" ang reply sa kawawang papa nila! haaay buhay!
    Hehehe oo nga hirap ngang maging tatay eto ngang bunso ko turning 3 this sept napakahyper active pag lumaki pa ito dalwa na sila ng ate niyang mangungulit sa akin, nagiisip na nga ako ng magandang strategy para sa pagpapalaki sa mga bata, hirap lang maging consistent lalo na pag si kumander iba din paraan ng pagdidisiplina sa bata.

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Do you spoil your kids?