PANSAMANTALA lang ang babawasang taripa at excise tax sa produktong petrolyo sa oras na ipatupad ang 10% Value Added Tax sa petroleum products.

Ito ang sinabi kahapon ni Press Secretary Ignacio Bunye na pansamantala lamang ang measure na ito ng Malacañang habang mataas pa ang presyo ng oil products sa pandaigdigang pamilihan.

Nilalayon ng Malacañang na bawasan ang taripa sa lahat ng refined products ng krudo ng mula 5% ay gawing 3% na lamang.

Aalisin naman ang 3% na taripa sa LPG upang hindi naman bumigat nang husto ang buwis dito kapag dinagdagan pa ng VAT.

Sinabi niya na posibleng 1.8% ng kabuuang tax ang mararamdaman sa diesel; 5.8% sa kerosina at 8.5% sa unleaded gasoline.

Ngunit oras na bumaba ang presyo sa world market
Press Secretary Ignacio Bunye

ay awtomatikong ibabalik ang orihinal na taripa at excise tax sa gasolina.

"Kapag bumaba na iyong presyo sa world market, bumaba doon sa tinatawag nating normal levelay saka natin ibabalik itong excise and tariff," ayon kay Bunye.

Sinabi nya na malaking kaginhawaan ito sa publiko ngayong sunud-sunod ang nararamdamang hirap bunga ng paghina ng piso laban sa dolyar at sa tumaas na presyo ng langis sa world market