New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 31 to 40 of 50
  1. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    3,949
    #31
    Quote Originally Posted by boydapa View Post
    oooba: grabe! konti palang yan sinabi mo eh sad nako eh hindi ko kaya makipag inuman baka magiyakan nlng tayo pagnagkwentuhan tayo
    Sir boydapa, don't worry. If we have a chance na makapag-inuman, I will make it a comedy story, not tragedy. Walang magbibigti, hehehe.

  2. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #32
    Quote Originally Posted by ooba99 View Post
    Sir boydapa, don't worry. If we have a chance na makapag-inuman, I will make it a comedy story, not tragedy. Walang magbibigti, hehehe.
    sali ako dyan sa inuman doc ooba99 ha?

  3. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #33
    nakaranas din nung maliit pa since starting pa lang parents ko. my dad got orphaned by the age of 10 and lahat sila magkakapatid ay nagkahiwalay. ngayon lahat ng tiyuhin at tiyahin ko ay may ok na buhay hindi kagaya nung maliliit pa sila. na kelangan kumayod sa murang edad para may pambili ng pagkain. kaya malambot puso ko sa mga streetchildren na naghahanap-buhay ng matino....

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #34
    aba kung may ebnuman... dapat sali ako dyan

    Quote Originally Posted by VtEC View Post
    sali ako dyan sa inuman doc ooba99 ha?

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,326
    #35
    maswerte talaga yung mga pinanganak na lahat nang kailangan eh nandon na.. yung tipong hindi nakaranas talaga nang hirap..

    kami, nagsimula kami na maginhawa ang buhay.. laking manila.. kaso nung mga grade 5 na ako.. nag strike yung opis nang mom ko.. so napilitan kaming lumipat sa province.. since mag high school na ako.. naiwan na ako dito sa manila.. nakitira sa mga pinsan.. pinag aral nang tyuhin na nasa abroad.. so parang naging katulong para lang makitira.. ako naglilinis nang bahay, ako nagluluto, ako naglalaba.. para lang makapag aral.. hanggang college ganon.. baon ko pamasahe lang.. tapos pag may extra nang konti.. eh pritong itlog at kanin.. tapos sa gabi eh isang lucky me pansit canton.. araw araw yun ganon..

    tapos nung nakatapos na ako at nakapag trabaho na.. talagang walang wala ako non.. iniisip ko nga pano yung pamasahe eh wala pang sweldo.. nung naka sweldo na.. nakapag board na ako.. tapos nag umpisa na akong makabili nang mga gamit.. dati dati lahat nang gamit ko, pantalon, t-shirts, sapatos, pinaglumaan lang nang mga pinsan ko.. tapos nakakabili lang nang isang t-shirt pag pasko.. hirap nga naman talaga nang buhay noon..

  6. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,326
    #36
    kaya i promised myself na hindi mararanasan nang mga anak ko yung naranasan ko noon..
    Last edited by _Qwerty_; November 14th, 2007 at 12:18 PM.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #37
    Quote Originally Posted by _Qwerty_ View Post
    kaya i promised myself na hindi mararanasan nang mga anak ko yung naranasan ko noon..
    kaya tignan mo naman pare... ang yaman-yaman mo na ngayon..... danda-danda ng condo unit mo bro, tsaka yung ride mo.... benz yun diba? hehehehehe.

    seriously, as parents, talagang its our primary goal to make life most comfortable to our kids, wherein we shield them from our previous experiences. parental instinct natin yun eh. but not to spoil them, but to just shield them from our near poverty experiences.

    ganyan ako eh. kasi nung bata ako, i seldom had any toys that i call my own. laruan ko nun, plastic na sundalo-sundalo lang, tsaka buhangin (sand). i only had a pair of pants when i was in college, and wore polo shirts during my first year in UST na ginamit ko nung 4th year HS ko. its the best thing that i had, and i don't blame my parents for that. tatlo kaming pinapag-aral eh. tapos walang work ang mother ko. so that is why, pag medyo meron, i always buy some stuff for my (wife) and kid mostly clothes and some miniature cars for my kid (mahilig din sya sa cars eh...). and it gives me great satisfaction in buying them those stuff. maski sa sarili ko eh hindi ako bumibili.

  8. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    335
    #38
    nakakabag-bag damdamin naman talaga mga istorya ng tsikoteers!
    pero alam naman natin na motivation din ang pagiging mahirap. take the case of henry sy, from what I know magsasapatos o limpia bota lang nung araw sa tapat ng isang malaking drugstore (pinaalis pa daw ng sekyurity guard?) pero look at where he is now... ang yaman yaman sm, bdo and etc.

    'sa akin naman simple din lang ang buhay. we are 5 children father ko pangkaraniwan government employee and to make ends meet nanahi ang mother ko, dahil naiintindihan namin ang sitwasyun so nagtyaga lang. laking public school kaming lahat na danas ang kakulangan at pagtitiis.
    pero this has motivated me to study very hard and look upon their efforts as model for improving the next generation - my family. and thanks to them napatapos naman kaming lahat. with this humbling experience when I got married built-in na ang sacrifice kaya kahit ako wala basta mabigyan lang yun mga anak namin ng decent living and the best future. it is a self-fulfillment na makita ko rin sila na better than me and by the grace of God sa ngayon nakapagtapos na rin silang lahat.

  9. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,326
    #39
    hahhaa loko! baka maniwala sila..

    ganon pa din.. naghihirap pa din.. kaibahan lang ngayon.. maraming nauutangan!!!

    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    kaya tignan mo naman pare... ang yaman-yaman mo na ngayon..... danda-danda ng condo unit mo bro, tsaka yung ride mo.... benz yun diba? hehehehehe.

    seriously, as parents, talagang its our primary goal to make life most comfortable to our kids, wherein we shield them from our previous experiences. parental instinct natin yun eh. but not to spoil them, but to just shield them from our near poverty experiences.

    ganyan ako eh. kasi nung bata ako, i seldom had any toys that i call my own. laruan ko nun, plastic na sundalo-sundalo lang, tsaka buhangin (sand). i only had a pair of pants when i was in college, and wore polo shirts during my first year in UST na ginamit ko nung 4th year HS ko. its the best thing that i had, and i don't blame my parents for that. tatlo kaming pinapag-aral eh. tapos walang work ang mother ko. so that is why, pag medyo meron, i always buy some stuff for my (wife) and kid mostly clothes and some miniature cars for my kid (mahilig din sya sa cars eh...). and it gives me great satisfaction in buying them those stuff. maski sa sarili ko eh hindi ako bumibili.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,075
    #40
    Don't know if this counts pero there was a time that I had to use all of my coins stored in a coinbank just to survive till the next payday. Simot talaga at pati mga 25 cents ginagamit ko. I had to buy a can of sardines for lunch during those times as well.

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Ano ba basehan para masabi mo na nagdaan ka din sa kahirapan?