New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 31 to 40 of 46
  1. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,452
    #31
    yup, kick her out before she can do any damage

    it's not judging her of being a thief, it's what the situation calls for your peace of mind

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #32

    ^^^ Oo nga ano,- parang may ipinahihiwatig si manoy.... :bwahaha:

    10.6K:horse:

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,065
    #33
    si mrs TS, parang sa kanto lang mag post ah "longkatuts" LOL

    you can afford not to have housemaids naman pala, mostly stay home mom ka pala. Grocery do it once a week sama mo mga anak mo, yun mga bills since meron ka naman internet pay it onlines na lang tapos ang problema mo.


    yun matitipid mong 3K+ sa sweldo ng longkatuts mo eh pang shopping mo na lang

  4. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #34
    para sakin, the mear fact na nagsinungaling na hindi niya kilala yung guard is reason enough para pagdudahan lalo na nakikita mo kausap niya lagi.

    kick the maid out. mahirap maghanap ng kapalit pero mas ok na wala na lang kesa ganyan.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #35
    ^^ kawawa naman si mam TS kung wala syang longkatuts

    malalaspag ang kanyang wankata sa gawaing bahay ... turn-off kay pareng ofw pag-uwi nya

    palit longkatuts ang pinakamangandang gawin ni mam TS


  6. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #36
    May problema din kami sa bahay, pero sa yaya naman. Pareho kaming nagtatrabaho ni misis (she in QC while I'm in Makati), while my in-laws are in Bulacan, umuuwi lang sila tuwing Wednesday night and on weekends.

    We currently have three househelp looking after the house and our two daughters (isang infant at isang toddler). One is an elderly maid who has been working for my wife's family for 15 years, a younger 22-year old also hired by my in-laws, with the third being the yaya for the baby.

    Ang kwento nung yaya, hiwalay siya sa asawa niyang adik, ibinilin niya yung mga anak niya sa parents niya at nagsadya siya ng Manila para magtrabaho. Sus, malaman-laman na lang namin na may boyfriend na pala dito, kabilis lumandi considering na may mga anak siyang dapat asikasuhin sa probinsiya. Kaya pala yung sweldo namin sa kanya eh nauubos lang kakabili ng Avon beauty products, at yung pinapadala niyang sustento eh inuutang pa sa biyenan ko. Pero ang mas nakakatakot dun eh sinusundo pala siya ng boyfriend niyang family driver sa isang supermarket malapit sa amin (our house rules explicitly prohibit the househelp from entertaining non-family male visitors while we're away). Papaano na lang kung maisipan niyang sunduin sa bahay namin mismo yung yaya? Puro babae pa naman silang naiiwan dun.

    Ang mas nakakainis pa, nagiging negligent na itong si yaya sa kanyang duties. Two days ago, umuwi yung tita ng misis ko from work, tumatawag daw siya sa gate pero walang nagbubukas. Maya-maya, yung toddler ko ang lumabas at nagbukas ng gate -- na hindi kasama yung yaya! Yun pala, nagkukwentuhan yung yaya at younger maid sa loob ng kwarto nila habang nasa palengke yung matandang maid, kaya hindi nila naririnig yung tawag sa gate. Papaano na lang kung masamang tao yung dumating sa gate, at yung toddler ko ang nagbukas? Siguradong na-kidnap na yung anak ko, o kaya nalooban na yung bahay.

    Hindi naman namin pinaglilinis ng bahay yung yaya, pero kung umasta siya gabi-gabi eh akala mo pagod na pagod; she doesn't even offer to wash my wife's breast pump whenever we come home from work, inuunahan na niya kami ng tulog. Sheesh! Buti na lang at nagpaalam na siyang aalis, lilipad daw para maging maid sa Dubai. We're not really inclined to believe she's telling the truth, but at least she's leaving. Sinabihan na namin siya na ayusin ang trabaho kahit during the last days that she's with us, pero as a safeguard, we invited my mom to come over and stay for a few days every week, just to keep an eye on things.

    It's been downhill since our first yaya left us; yun talaga magaling, tsaka mahal niya yung anak ko. Hindi siya nakatapos ng high school, pero natuto ng mga English words yung anak ko sa kanya. She can even teach my daughter Barney songs! Matiyaga pa siya, kaya niyang makipagsabayan ng puyatan sa anak ko nung maliit pa, at very efficient. Umalis lang after two years kasi nag-asawa na, pero kinukumusta pa rin niya yung anak ko. Pinababalik nga namin siya eh, pero meron daw muna siyang ire-recommend na yaya sa amin. Pag hindi daw namin nagustuhan after a month pag-iisipan niyang bumalik. Our second yaya, nakatapos ng high school pero wala namang naituro sa anak ko. Nanlilimahid pa ang katawan, pero if there was one good thing she taught my kid, yun eh yung matulog with the lights off. Umalis din dahil sa goiter naman, hindi na pwedeng magtrabaho nang mabigat.

    Which brings us to the third yaya na eto nga, naglalandi daig pa ang asong in heat. Laging nakikipagkwentuhan sa younger maid namin, parehong Bisaya, kaya Bisaya tuloy yung accent ng anak ko ("Hilu, 'day! San ka na 'day?"). Walang ginawa kundi matulog buong araw na wala kami, pagdating ng gabi, tulog pa rin?! Duda nga namin nabuntis na ng boyfriend niya kaya naging antukin, eh buti na rin lang at siya na ang nagprisintang umalis in a month. Pwede nga siyang ipakulong ng asawa niyang adik yun kasi nag-boyfriend agad na hindi pa sila hiwalay. Tapos baka hindi pa niya makuha yung huling sweldo niya kasi may utang pa sa biyenan ko. Problema pa, may nagtangka na naman daw manloob sa bahay; may nakitang mga hand and foot prints sa outer wall, near our second-floor bedroom window, kaya laging naka-lock yung mga bintana sa taas, puro sliding windows pa naman.

    Baka mauwi ako nito eh work from home na lang.

  7. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    12
    #37
    Naku pasensya na po sa paggamit ng salitang kalye, siguro dala lang ng sobrang kunsumisyon sa katulong na yan. Update ko lang po kayo, inabisuhan ko na po yung katulong namin na hanggang end of the week nalang siya magtrabaho. I just invented a reason kung bakit ko siya sinesesante. Just to play safe, kasi kung biglaan like what sir shakatak had suggested eh baka magtanim pa ng sama ng loob at balikan pa kami, may mga kasambahay kasi na ganun. I'll just make sure na everything valuable within the house na pede niya bitbitin sa pag-aalis ay well-secured.

    Nakakahiya mang aminin pero hindi kasi ako marunong magluto at yung katulong namin ang tagaluto. Husband ko po ang marunong sa aming dalawa. Hehehe.

    *bogeyman: I feel you. Ibang-iba talaga mga katulong ngayon. These are the times na maappreciate moyung work ethic ng mga katulong nung unang panahon.

  8. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    12
    #38
    Quote Originally Posted by kinyo View Post
    ^^ kawawa naman si mam TS kung wala syang longkatuts

    malalaspag ang kanyang wankata sa gawaing bahay ... turn-off kay pareng ofw pag-uwi nya

    palit longkatuts ang pinakamangandang gawin ni mam TS

    Natawa naman ako sa post niyo. Nagtataka ako kung anu yung wankata.... katawan pala. Mind you nakakapagpa***y rin naman ang paggawa ng gawaing bahay. Parang work-out din yan

  9. Join Date
    May 2009
    Posts
    442
    #39
    Quote Originally Posted by Nyx View Post
    Natawa naman ako sa post niyo. Nagtataka ako kung anu yung wankata.... katawan pala. Mind you nakakapagpa***y rin naman ang paggawa ng gawaing bahay. Parang work-out din yan
    ^^ Ayun oh!!! Tara na mga pogi, tayo naman gumawa sa bahay!!

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #40
    Quote Originally Posted by Nyx View Post
    ... Mind you nakakapagpa***y rin naman ang paggawa ng gawaing bahay. Parang work-out din yan
    Tama po kayo, nakakahubog din ng katawan ang gawaing bahay. Yun nga lang, kapag nasobrahan ang work-out ... baka maibalibag nyo si pare kapag magalit kayo sa kanya.


Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Ang malandi naming longkatuts (maid/guard love story)