Napa analyze ako kanina ng philippine comedy. Pareho namang nakakatawa at magaling sa comedy si jose at vice, ang naging lamang siguro ni jose eh na-maximize talaga ng eat bulaga ang talent niya dahil swak na swak siya sa hosting ng segment nila na sugod bahay. Laking tondo kasi si jose kaya yung tambay humor gamit na gamit niya talaga sa juan for all bihasa siya kung paano makikipag interact sa mga tao sa barangay. Nagagawan niya ng katatawanan yung kultura at mga situation doon sa barangay lumabas na natural na natural sa kanya ang improv comedy. Si vice ganda kasi restrained pa patawa niyan pag nasa showtime dahil di niya pwede gawin dun yung forte niya na comedy bar roasting humor. Tsaka kay jose maraming batikang comedian na umaalalay sa kanya sa bulaga kung paano mag comedy gaya ng tvj, kabatuhan din niya ng jokes sila wally, paolo at allan k na may mga talent din sa comedy. Si vice literal na solo act sa showtime siya lang nagdadala dun dahil mahina sa comedy mga kasamahan niya. Nakakatuwa din kay jose pati sa kantahan at sayawan magaling, all around talent talaga.

Pero ang dalawang ito naman forte nila improv comedy at on the spot pabilisan magisip punchline, pagdating sa sketch comedy nawawala diskarte nila parehas hindi masyado nakakatawa mga pelikula nila. Sa sketch comedy si Michael V ang hari diyan, although kahinaan naman ni bitoy ang improv naalala ko sa eat bulaga dati generic ang hosting niya di niya masingitan ng mga adlib at punchlines kaya di rin siya tumagal doon. Ang magaling sa parehong improv at sketch eh si dolphy nakakatawa talaga siya mapa live performance or movie/tv.

Other notable filipino comedians na nakakatawa:

rene requiestas - comedic genius, delivery pa lang sobrang nakakatawa na at napakahusay din sa timing. sayang talaga namatay ng maaga

babalu/bayani/long mejia - sarcastic humor, classic comedy

tekla - improv, mabilis din magisip tulad ni jose at vice

brod pete, alex calleja

eto naman yung mga hindi ako natatawa:

vhong navarro - pilit at hindi natural sa kanya ang comedy, tapos ginagaya niya si jim carey sa exaggerated facial expressions. sobrang galing naman niya sa sayawan pero sa comedy ekis talaga

anjo yllana - siya lang natatawa sa mga joke niya tapos nagpapacute

eto ilan sa mga patawa na tumatak sakin: