Results 931 to 940 of 1108
-
March 4th, 2014 02:27 PM #931
Roxanne Cabanero changes statements
nagpalit na naman ng statement si roxanne....
-
March 10th, 2014 04:28 PM #932PEP EXCLUSIVE. Roxanne Cabañero’s camp claims perjury case filed by Vhong Navarro is a "form of harassment"
"Form of harassment."
Ito ang paglalarawan ni Atty. Virgillo Batalla sa ginawang paghahain ni Vhong Navarro ng perjury complaint laban sa kanyang kliyenteng si Roxanne Cabañero.
Si Roxanne ang ikalawang babaeng naghain ng reklamong rape laban kay Vhong; ang una ay ang modelong si Deniece Cornejo.
Pahayag ni Atty. Batalla sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono ngayong umaga, March 10, “Ano ‘yan, e, that is a form of harassment.
"Sabi ko nga sa iyo, sinabi ko na dati ‘yan, 'di ba?”
Bakit niya nasabing "form of harassment" ito?
Saad ng abugado ni Roxanne, “Kasi the perjury case has no legal and factual basis.
"It’s very basic in our law that a perjury being heard in the prosecution… if there is already a prima facie.
“If there is already proceedings in the court.”
Ang prima facie, ayon sa legal dictionary, ay: "On the first appearance. A fact presumed to be true unless it is disproved."
Dagdag pa ni Atty. Batalla, “If there is evidence presented before the court, well, perjury will come.
"Well, in the meantime, wala pang perjury ‘yan kasi di pa pumapanhik sa korte yung kaso, unless ina-admit na nila na papanhik sila sa korte."
Matatandaang nitong Huwebes, March 6, ay nagsumite ng kanyang counter-affidavit si Vhong sa Pasig Prosecutor's Office bilang sagot sa reklamong rape ni Roxanne noong February 19.
Read: New rape complaint filed against Vhong Navarro; Vhong's camp refuses to be "diverted" from charges against Cedric Lee, Deniece Cornejo
Kasabay ng pag-file ng kanyang counter-affidavit, naghain din si Vhong ng reklamong perjury laban sa aspiring beauty queen.
Source: Roxanne camp says perjury complaint of Vhong is ”harassment” | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz
-
April 4th, 2014 04:54 PM #933
Akalain mo, may 3rd case pa. Kaso hindi pinangalanan kung sino nagsampa ah.
http://www.philstar.com/nation/2014/...-vhong-navarro
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,754
-
April 11th, 2014 10:10 AM #935
The crucial word is, non-bailable.
DOJ clears Vhong of rape, indicts Deniece, Cedric for illegal detention | Headlines, News, The Philippine Star | philstar.com
-
April 11th, 2014 01:29 PM #936
paktay na sila. paano nila sasalagin yan.
doj na kalaban nila.
baka nag iisip nang umiskapo mga yan.
Posted via Tsikot Mobile App
-
April 11th, 2014 02:18 PM #937
eto pansalag nila.
Lawyer files motion to prevent arrest of Lee, Cornejo | ABS-CBN News
pero imho, temporary lang yan. para hwag damputin this holy week.
ang problema nyan, baka makalabas na yang mga yan.
per lawyer, he does not know the whereabouts of his clients.
-
-
April 11th, 2014 06:21 PM #939
IMHO, the Motion for Judicial Determination of Probable Cause will be denied for lack of merit.
There's simply a lot evidence on record (videos, testimonies, medico-legal) which supports the finding of probable cause, not the least of which is the positive identification of the suspects in the case by Vhong Navarro.
-
April 12th, 2014 05:41 PM #940Roxanne Cabañero, kinasuhan ng pageant organizer
Kinasuhan ng organizer ng Miss Bikini Philippines pageant ang dating kandidatang si Roxanne Cabañero.
Humirit ang Slimmers World International ng P1 milyon bilang danyos para sa paulit-ulit na pagbanggit ni Cabañero sa pangalan ng organisasyon at sa Miss Bikini Philippines sa inihaing reklamo at mga panayam kaugnay ng umano'y panggagahasa sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro.
Nakasaad sa kasong inihain sa Makati Regional Trial Court (RTC) nitong Abril 8 na napunta kay Judge Max de Leon ng Branch 143, "There is no mistaking that [Cabañero] made mention of Miss Bikini Philippines for no other purpose but to generate publicity, if not sympathy, for her purpoted plight, to the prejudice of the goodwill of [the pageant and the organization]."
Humihingi rin ng dagdag na P400,000 ang Slimmers World International para sa corrective damages at P205,000 para sa legal costs.
Matatandaang si Cabañero ang ikalawang babaeng nagsampa ng kasong rape laban kay Navarro.
Batay sa rape complaint nito, Abril 24, 2010 nang gahasain siya ni Navarro.
Sunod namang itinanggi ni Cabañero na nagbigay siya ng eksaktong petsa matapos lumabas na nasa concert si Navarro noong Abril 24, 2010.
Una ring lumitaw na inakusa ni Cabañero na nangyari ang rape sa sasakyan ng aktor matapos siyang sunduin nito sa Astoria Plaza Hotel sa Pasig City kung saan naka-check in umano ang mga kandidata ng pageant.
Binago niya ito sa Millenia Suites matapos itanggi ng Astoria at Miss Bikini Philippines na may kandidatang tumutuloy noon sa Astoria. With report from ABS-CBNnews.com
Source: DZMM Radyo Patrol 630 - Silveradyo
SA finally sent PDFs of the temporary CR and OR almost a month since they were submitted to the...
LTO New Plate Release