New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 13 of 13
  1. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    262
    #11
    Quote Originally Posted by JJGF View Post
    wala pa naman akong naexperience na hindi maganda pero yung driver namin dati madaming kwento lalo na kapag naflat ka sa may pier area, imbes na tulungan ka iba ang mangyayari.

    pero yung mga unggoy na umaakyat sa likuran ng sasakyan ilang beses na lalo na kapag pickup, delivery truck ang dala namin sa gabi lang naman

    walang paki ang mga traffic aid at police kaya ingat lang talaga..

    kung gusto mo ng safe na daan, yung kay sir number001

    basta ingat ka pa din sa intersection ng MCS na yan, pwede ka magdala ng videocam para ishare dito sa tsikot ang mga nangyayari diyan pagtungtong ng gabi
    Grabe.. Ano? Holdup? Carnap? Nakakatakot naman hehe.. Wag na lang kaya ako dumaan dun? kaso ang layo kasi ng iikutin pag hindi Roxas ang daan eh haha!

  2. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,339
    #12
    holdup lang naman yung sa pier area

    safe naman dumaan meron lang natitiyempohan

    halos gabi gabi ako dumadaan sa intersection ng MCS kaya madami na din nakita

    yung L300 fb ko pala hinugot mga nakalawit na wires sa ilalim

    mostly delivery vans,trucks ang target nila akyatin basta may makukuha. pasinin mo dami mga bata na umiikot kapag stop ang lane mo pati mga pasahero ng jeep iniikutan nila

  3. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    3,484
    #13
    Quote Originally Posted by r1chm0nd View Post
    *12vdc - Sir what time po ba ang labasan ng mga trucks? I'm from Buendia going to Malabon, near St. James Academy and vice versa po. Is it safe to traverse roxas blvd -> bonifacio dr -> delpan -> c3 -> dagatdagatan ave. to get to malabon city square? Derederecho lang po ba ang daan dito?
    TIA!
    10-3pm ang trucks to and fro ng pier pero 3PM gridlock ng traffic kaya kung mas maaga ka, mas mabilis ang byahe sa pier.. From St James pwede ka lumabas thru yung labasan ng jeep papuntang C4 then Navotas- R10 to Roxas Blvd. Sa C3 dagat-dagatan dalawang traffic lights na napakatagal ang dadanan mo then kung umulan, dagat sa dagatdagatan.. ewan kolang ngayon na tinaas ang kalye..hehe

    Swertehan lang ang traffic pero tested kona yang R10 road basta maaga ka. Sa may Buendia ka nalang mattraffic dahil sa mga PUV at BUS pero moving naman.. Tama, mag-ingat ka dyan sa R10, mga delivery truck kahit naka padlock winawarak ang lock hndi napapansin ng driver. Sa pickup nadale na ang coleman ko dyan sa Delpan..

    Ok din yung route ng A.Boni-San Lazaro-Andalucia-Quiapo pero may traffic lagi sa Quiapo at sa panaan ng Ayala bridge northbound (ambilis pumula ng stoplight) pero moving traffic naman.. Via Binondo naman laging tirik ang traffic sa Recto lalo na kapag sumabay maglabasan yung estudyante sa Chinese school bago mag Tutuban. Nung bukas pa ang Northbay mabilis din sa Yuseco kung iiwas ka sa R10..

    Kung trip mo mag sight seeing sa Ubelt, from San Lazaro kanan ka Dapitan, left turn P.noval UST tawid Espana, SH loyola-UE, tagos Recto-San sebastian then Ayala bridge to San Marcelino-right turn Quirino, left turn Taft pass at Lasalle at ayun Buendia na...

Page 2 of 2 FirstFirst 12
S.O.S. : Best Route from Malabon to Taft