Quote Originally Posted by Dark Lord View Post
Share ko lang na post ko sa kabilang thread http://tsikot.com/forums/miscellaneo...tural-stories-[merged]-257/index53.html#post2255441:
Tutal halloween naman, share ko lang horror experience ko 3 years ago sa c5 flyover tiendesitas. Went home late from strategy planning with business partners, siguro around 2am yun from the fort. I was doing 80kph on c5 because of the free flowing traffic at that time.whats strange is when i started the climb of the flyover from tiendesitas, i noticed that the lights of the lamp posts are off and it is quite dark. Wala ako kasabay sa kalye kahit kasalubong. Nung pababa nako mula sa tuktok ng flyover, may naaninag ako na tumatawid na mula sa opposite na kalye. Yes, tumatawid sa gitna ng flyover. Nung mapansin ko na may tumatawid nga at mukhang sasalpukin ko, i flicked the high beam light with matching busina. Hayun nakita ko na tumatawid na babae na naka itim na para bang deboto na nagsisimba. Habang nagbusina ako pinipitik ko ang preno para bumagal ng onti at mukha nga masasalpok ko. Naka iwas naman ako pero pag silip ko sa side mirror eh nawawala na siya. Paglagpas na paglapas ko, hinataw ko na at hindi ako sumilip sa rear view mirrors baka sakay ko na siya hehehe.

Kinabukasan nakwento ko sa kapatid ko. Ang sabe nya sa kin: tanga! Bakit mo binusinahan eh pano ka kung lumingon yung tumatawid?!?

Yung flyover eh dito yung may lumipad at napipi na Audi at tsaka yung badminton player na naaksidente.
Potek tanaw na tanaw sa office yan flyover pero imposibleng wala kang kasabay sa C5 na sasakyan kahit anong oras... Bukas nalang ako magbabasa ulit hindi ko na kaya hehe