nagpunta ulit kami ng dagupan...lumuwas na kami after office hours noong friday...sorry di ko na na text ang Pangasinan tsikoteers dahil di ko hawak oras namin...may bisita kasing relatives si misis at sila nagde decide kung saan at kailan pupunta...

nagpunta kami ng Hundred Islands...sa wakas napuntahan din yung nababanggit lang sa Social Studies or Sibika noong elementary pa ako ha ha...bakit ganun 99 islands lang nabilang ko ha ha dyok dyok dyok!

ang sarap ng patupat!!! siyempre kapag nagpunta ka sa pangasinan eh di mo rin dapat kalimutan ang pingka at boneless bagoong!

very courteous pa rin ang mga motorista sa Pangasinan...kapag papasok lagi ako ng kalsada eh humihinto pa talaga sila kahit PUJ's sila na nagmamadaling ihatid ang mga pasahero...sa Manila eh kulang na lang makipag bungguan ka para lang makapasok ka pa ng kalsada...

ang sarap talaga humataw sa north...ang ganda ng kalsada...