New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 80 of 89 FirstFirst ... 3070767778798081828384 ... LastLast
Results 791 to 800 of 883
  1. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    262
    #791
    any comment sa additional radiator to prevent overheat..narinig ko lang sa mga kwentuhan

  2. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    262
    #792
    Quote Originally Posted by chiefmagz View Post
    napaayos ko na yung tok nung Sunday pero di natanggal ang tog, akala ko dala na ito nang magpaayos ako ng upper ball joint at tie rods. medyo nabawasan naman ang tog pero nang mabigla ang daan ko sa humps, ayun nag-tog na naman.

    kaya SIR ESNIE, maraming salamat sa sagot mo, makakatulong ito ng malaki. pero pa-follow-up questions pa ha.

    1. pag nagpalit ba ng rubber ng shock sa harap maaapektuhan ba ang camber/alignment?
    2. magkano po kaya ang ganitong rubber?
    3. sa window naman, kailangan ba magpalit ng clip o magagamit pa ito? saan po makakabili ng clip na ito kung sakali? btw, nakabili na po ako ng goma na 2-channel*, susubukan ko po talaga na i-DIY.

    *FYI po mga ka-pregio, yung goma ng sliding windows natin ay tumaas na from P650/pc to P850/pc sa Autorama.
    eto ba yung goma na umuusli sa mga sliding window? san po yung autorama?

    baka meron kayong mga suking autoshop kung saan makakabili ng pregio parts

    kabibili ko lang po ng 2nd hand na 2004 pregio RS extended yung bumber...

    need ko po rin po yung plastic moulding na nasa bubong ..naka angat na kase yung isa

    pls

  3. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    25
    #793
    *gtamp,

    OK ang porma ng Pregio with extended bumper. may kasama ng foglights yan di ba?

    yung goma na pinag-uusapan namin ay sa sliding window nga.

    taga-saan ka ba? regarding parts, kahit taga-Cavite ako, tina-try ko bumili ng parts sa Banawe lalo kung marami o di kaya bihira ang part na kailangan tulad ng mga goma sa bintana. may mga stores na nag-e-specialize sa mga Korean rides tulad ng sa atin like si Asko Auto Supply, Autorama at yung branch ng Goodgear. Last time na bumili ako, sa ASKO ko nabili halos lahat ng kelangan ko kasi sa kanila mura. Pero pag bibili ka na, it's wise na ikutan mo na ang tatlong stores na nabanggit para sigurado ka sa pinakamura. Sa mga stores na yan din kumukuha ng Korean parts na binebenta ang ibang stores dyan sa Banawe, kunwari lang tumatawag sa warehouse o branch nila. Ang ginagawa ko, park sa street na di busy tapos nilalakad ko na lang ang mga stores para maka-canvass muna.

    P750/pc ang moulding na yan, 2 pcs/side kaya linawin mo sa store kung ano ang papalitan mo.

    HTH!

  4. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    262
    #794
    chief,

    walang kasama na fog light pero meron abang..RS yung pregio ko..enterprise...taga muntinlupa ako...yung mga shop na sinabi mo eh lahat ba nasa banawe? gusto ko kase magpa-power window kung meron pati sana trim..

    yung sa sliding window eh pinagawan ko muna ng paraan ..pinaputol ko tapos nagdugtong lang na muna ;-)
    medyo summer namn kaya pagtyagaan ko muna..pag malapit na tagulan saka ko papalitan...

  5. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    25
    #795
    *gtamp,

    oo, puro sa banawe mga shops na nabanggit ko. yung Goodgear mas malapit sa iyo, along Taft malapit lang sa EDSA, right side from EDSA going Monumento.

    marami ring naggagawa ng power windows sa Banawe pero dati yung Kia Pride ko pinalagyan ko ng power windows sa Sauyo, QC, mura don ang surplus/used Korean cars parts. hintayin na lang natin ang input ng mga expert ka-Pregios natin.

    *mga ka-pregio,

    may problema ako ngayon, nabali yung support bracket ng folding mechanism ng upuan sa pinalikod, medyo palpak kasi yung nagtanggal ng seat covers ko, di nagtanong na may lock iyon para maibaba, ayun pinuwersa kaya naputol ang nasa right at na-bend and left. baka naman matulungan nyo ako, pa-picture naman ng mga ito at pa-email sa akin para may reference ako sa pagre-repair nito. pa-PM na lang ako kung sakali. GS 1998 po ang Pregio ko. TIA.

  6. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    10
    #796
    ask ko lang po mga ka Pregio kung saan po makakabili ng murang Radiator na 3 rows for A/T Pregio 2000?..Salamat po in advance..lagi na po kasi nag ooverheat simula po ng buhayin ulit yung Aircon nito after a year..

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #797
    Jemson's Auto Electrical and Jorge's Radiator Shop | Facebook

    Diyan po pwede nila gawan ng paraan radiator. Pero baka may iba nang problem na dapat icheck like thermostat and water pump. Adequate naman dapat stock rad ng pregio kung within spec ang buong cooling system

  8. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    262
    #798
    Quote Originally Posted by chiefmagz View Post
    *gtamp,

    oo, puro sa banawe mga shops na nabanggit ko. yung Goodgear mas malapit sa iyo, along Taft malapit lang sa EDSA, right side from EDSA going Monumento.

    marami ring naggagawa ng power windows sa Banawe pero dati yung Kia Pride ko pinalagyan ko ng power windows sa Sauyo, QC, mura don ang surplus/used Korean cars parts. hintayin na lang natin ang input ng mga expert ka-Pregios natin.
    chief,

    salamats ng marami, cguro one of these days puntahan ko yang goodgear..para sa mga goma sa windows ko.

    re sa power window, just went sa evangelista na lang..nagtanung tanung ako duon.. at nakapagpa-power window ako 5K ang damage. hindi ko alam kung mura ito pero mas mura ito ng 3k kung dito ko lang sa amin ipinagawa

  9. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    262
    #799
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Jemson's Auto Electrical and Jorge's Radiator Shop | Facebook

    Diyan po pwede nila gawan ng paraan radiator. Pero baka may iba nang problem na dapat icheck like thermostat and water pump. Adequate naman dapat stock rad ng pregio kung within spec ang buong cooling system
    meron kaya silang branch na malapit dito sa muntinlupa? gusto ko din pagawaan ng paraan yung pregio ko para iwas overheat

    naexperience ko kase ng pumunta kami ng matabungkay na nung umaga from sta rosa toll exit to tagaytay to matabungkay eh nasa middle lang yung needle ng temp gauge pero ng pauwi na kami around 3pm at from Lian to boundary ng tagaytay-batangas (paahon pa ito) eh halos mag overheat na. isang guhit na lang tama na yung needle sa H.. hirap naman patayin aircon kase mainit pa so walang magawa kundi gumapang 25-35kph lang takbo. Until makarating kami ng petron sa boundary ng tagaytay-batangas.

    pahinga sandali duon until yung needle ng temp gauge bumaba sa gitna uli.. from there until makarating bahay ndi na ako pinag-worry uli,, ndi na sya tumataas....

    anu kaya nangyari? nakaapekto kaya yung init ng panahon kaya tumataas yung temp ko? napalinis ko namn na radiator

    kaya ngayun naisip ko baka pedeng gawaan ng paraan

  10. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    304
    #800
    chiefmags

    san sa banda sa banawe yung autorama at asko auto supply?
    baka may contact no ka pa share naman. thanks

Kia Pregio [merged]