New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Sep 2012
    Posts
    2
    #1
    Nagloan po ako sa banko ng hyundai h100 nung September 10, 2012. September 11 ko nakuha from HQA. Ang odo meter niya 17 kms. Ang tanong ko kung inaadjust ba ng dealer yung odo bago ibigay sa buyer? Nagtataka ako kasi may nakuha ako na resibo ng laguna shell station na 8 liters na diesel dated July 9, 2012 tapos pinalitan lang ng August 4, 2012. Nung tinanong ko yung ahente ang sabi di daw yun doon at nailagay lang. Pero nakasulat doon sa resibo yung conduction number kaya sigurado ako na doon yun. kumuha din yung bayaw ng uncle ko ng same unit nung October 5, 2012 yung kanya 100+ na agad yung odo meter. Ang sabi naman sa kanya kasi dinala daw sa planta ng centro sa batangas. So kung yung h100 ko e galing din sa planta ng centro kaya may resibo ng shell station sa laguna. bakit 17 kms lang yung odo meter? e diba pag nireset yung odo meter di mo na din malalaman kung bago talaga yung sasakyan?

    Tinatanong ko lang kasi after 4 days September 14, 2012 tumirik yung sasakyan ko. Napadaan kasi ako sa baha na di naman ganun kalalim lalo na mataas yung sasakyan ko. Halos kalahati lang ng gulong nung sinusundan kong vios yung baha. nahydrolock daw ata (di pa alam dahil hangang nung nagpunta ako nung October 9 e di pa ginagawa kahit approved naman na ng inhouse insurance nila at ngayon isang buwan na nakalipas eh di pa din naayos at puro iuupdate daw kayo ang sagot sakin nung ahente na kahit isang bese e di naman nag update sakin). Di ako sa baha tumirik. nakaiwas na ko tsaka namatay yung makina. napaisip lang ako na kung luma o dumaan na din sa pagkasira yung sasakyan na binigay sakin (example nabaha na before pa kaya ang bilis tumirik pag dating sakin) e di ko din pala malalaman at sinwerte sila dahil inabutan agad ako ng sira. Yung date ng resibo e Aug 4 kasagsagan ng habagat kaya lalo ako napaisip. Nung araw na binigay din sakin yung sasakyan e umiilaw na yung fuel filter pero nawawala wala din kaya di ko lang pinansin. nung sinabi ko yung sa manager nung agent sabi bakit daw di ko agad sinabi wala na daw magagawa kasi nabaha na. Bakit daw kasi ako dumaan sa tubig (dapat pala binitbit ko yung sasakyan). Pagtapos nun parang umiiwas na sila at di na mashado nagrereply bukod sa "sige po ifofollow up ko po sir" tapos wala na. Samantalang nung una alok ng alok sakin ng kung ano ano tulad ng in dash monitor 28,000, back camera 9,000 (na balak ko din sana ipalagay). kaya nga nagbayad pako ng 7,500 para sa central lock and alarm na di naman namumute o naooff dahil pag sa labas daw ako magpapalagay mawawala yung warranty. nung nagpunta din ako doon pinagantay ako nung agent ng isang oras dahil may kausap siya yun pala ipapasa lang ako sa insurance department. Di sana pag dating ko palang sinabi na na doon ako pumunta di na siya nagpaantay. Parang di din inaasikaso yung sasakyan ko kasi kung pano ko iniwan ganun pa din itsura nung binalikan ko 3 weeks after as in walang nagbago. Baka pinabubulok pa nila pra pag lumabas yung mga future sira e ibablame nila kasi dinaan ko sa tubig. Ano kaya maganda gawin? nagbabayad ako ng monthly amortization di naman nagagamit. nagbayad din ako comprehensive insurance para walang aberya ganun din pala...hayyss parang ang importante lang sa kanila e makabenta..tskstsktsk

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,244
    #2
    Bakit pinadaan pa sa insurance? Nag claim ka ng acts of god?
    Since approved na ng insurance ang claim mo, there's no reason na hindi gawin ng dealer yan. Hndi naman sila maaabala or malulugi dyan. Babayaran naman sila ng insurance. And wala na dapat sila ireklamo kung bakit dinaan mo sa baha.

    Regarding the odometer, some dealers remove the speedometer cable when transferring the cars para hindi tumaas ang odometer reading, particularly those dealers that don't use carriers.

    Minsan din the cars are transferred from one dealer to another kung may bibili nung car dun sa other dealer and may stock sa kabilang dealer. Hindi na sinasakay sa carrier pag ganitong case and tinatanggal din ang speedometer cable.
    Signature

  3. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    1,980
    #3
    Dapat tinanong mo muna anong cause ng tirik..

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #4
    Hindi na kelangan idaan sa insurance under warranty yan.

    Regarding sa odometer mo hindi mo na malalaman yung totoong tinakbo niya dahil magmula pa lang sa pier binibiyahe na yan papunta sa dealership baka nga hindi lang dalawandaang kilometro na yan

Tanong lang po para sa mga mayalam..at baka may matulong din..