New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    7
    #1
    good evening po sa lahat ask ko lang po kse balak ko bumile ng 2nd hand na civic vti na automatic... ano po ang need ko tignan para ma sure ko na best buy po ito kse sobrang newbie ako sa ganito my first car po kung sakali tnx po

  2. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    17,511
    #2
    for starters make sure all the papers of the car are clean & in order. mahirap na kasi baka ma-kuryente ka. for some reason nakawin pa din ang mga civic maski luma na (especially iyong mga very decent ones)

    manual tranny ek ko but i'll try to help. check mo kung malakas ang shift shock. this may indicate a need to change the a/t tranny fluid & its filter or it may be even symptomatic of something worse. tsaka kung delayed din ang pag shift ng gears may ibig sabihin din iyan. check mo din kung hirap na umarangkada. mararamdaman mo naman iyan mas lalo na kung may kasama ka na experienced driver.

    also check mo ang history ng cooling system ng kotse. kung prone sa over heating iyan - steer clear away from the car kasi baka warped na cylinder head niya or may leak somewhere. believe me sakit ng ulo iyan at sakit sa bulsa

    check mo din for kalampag. kasi baka may kailangan na din palitan sa suspension system niya.

    tingnan mo rin kung may alon sa kaha ng kotse. that may indicate the car had a major accident before

    iyon lang maisip ko sa ngayon. antay ka na lang sa mga ibang input ng mga guru dito

    best bet is to bring a trusty mechanic w/ you so he can evaluate the status of the car after the go see. and also maganda kung may maintenance history iyong auto. good luck bro!

    btw, check ka na din sa honda club selling thread. at least dun may malaking chance in ok shape pa iyong kotse kasi mga enthusiast ang mga anduon. mahirap na kasi kapag sa buy & sell, baka madaya ka duon

  3. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    2,341
    #3
    check mu yung plate number kung it has major bulok/damage/butas/crampled. if positive sa mga symptoms na yun, naku di maalaga dating may-ari niyan.

    yung windshield, kung mukhang pinalitan na or orig pa din, and yung rubber seal nun, maraming nabubulok/kumukunat na seal sa mga 2nd na auto.

    rust on the body, check mu fender, buong ilalim, yung mga singit singit, exhaust manifold, tailpipes and muffler, and most of all, under the hood.

    yung sa electronics ng auto na yun, power window, headlights, head unit(audio), interior lamps, gauges and most of all, cigarette lighter.

    dame pa dapat icheck...

  4. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    7
    #4
    salamat po ng madami nakakatakot yun a/t transmission mukang magastos...sir baludoy at sir aejhay i'll take note of what you guys said madami salamat po

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #5
    Bukod sa mga sinabi nila iyong kondisyon ng makina mahalaga kung paano inalagaan ng dating mayari ang sasakyan . Tagas ng langis sa cylinder head valve cover, gasket sa oil pan , distributor. At kung tahimik andar ng makina .

  6. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    7
    #6
    so sir ano po ang pede ko i reason para indi kunin?? binibenta ng friend ko po for 190++... sulit na po ba yun...titignan ko po next week...

    yung shocks naman po handa kong palitan...pero beyond that po wala na ako alam... ito na po ba ang list transmission (kung smooth), cooling system (walang over heat), body at plate number (para sa previous accidents), electronics (if working),makina (kung tahimik kahit umaandar) grabe ang haba na ng list ko sana di ako maloko...

    so what to do kung positive yung sasakyan dyan sa list? do i walk away na

  7. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    7
    #7
    thank you pala sir speed

  8. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    13
    #8
    Quote Originally Posted by geof18 View Post
    good evening po sa lahat ask ko lang po kse balak ko bumile ng 2nd hand na civic vti na automatic... ano po ang need ko tignan para ma sure ko na best buy po ito kse sobrang newbie ako sa ganito my first car po kung sakali tnx po
    bro, in addition sa mga na-mention na ng iba nating co-tsikoters mas maganda kung mai-test drive mo. Idaan mo sa mga lubak, sa humps para ma check kung may mga "serious" na kalampag. Like nung sa akin nung nakuha ko yung 96 civic A/T ko yung mga bushings ang una kong pinapalitan, then mga shocks. Grabe pain in the head and pocket.

    Kung may maisasama kang mechanic na "marunong" talga kumilatis ng makina much better. Tapos yung tranny, yan naku i-check mong maigi dahil pag yan ang may sabit malaking gastos. While test driving pakiramdam yung "shifting" ng mga gears. Watch out mo yung scenario na ang lakas na ng pag rev mo e ang bagal pa din. Ibig sabihin nun nag "slide" na ang tranny.

    Maganda sana kung yung owner eh kahit papano naitabi yung mga receipts kung ano na mga napa-ayos nya sa auto nya. Kung kelan nagpalit ng timing belt, kelan yung huling change oil, kelan yung last na tune-up etc.

    Good luck hopefully makatulong

  9. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,100
    #9
    shocks of the EK series civics are quite sturdy. matibay sila at hindi sirain.

    and marupok jan yung mga balljoints, tie rod, bushings. i've had 3 EKs na, 2 2nd hand, 1 b/new, at ito pirmi problema nila after about 3-4 years of ownership.

    check for past overheating issues... isa ito sa usual problema ng lahat ng honda pre-2001.

    if it's an automatic you're looking at, best to test drive to see how the shifting feels. bring an experienced automatic transmission driver, kahit hindi na mekaniko. almost all automatics in that year period behave in the same way, kaya alam na agad sa auto palit ng gears kung may problema o wala (shifting shouldbe fluid and smooth, maybe a little jerk each time it shifts. this is OK. fluiod change lang yan).

    hmm, what else? nasabi na lahat eh. basta maghanda ka ng mga 20K para mabalik sa reliable condition. kasi by this time anjan na mga problema sa aircon, kalampag, etc etc

  10. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    7
    #10
    sirs i got the car putok putok lang bubong at mini body repairs... pero engine A-ok sya i got it for 180 oks na po ba your reply is highly needs habang ernest palang

what to look for in a 96 civic