share ko lang po yung ginawa kong solusyon sa maingay kong subwoofer.
ang dating problema ay ganito... pag in-on ang headunit (pioneer), ok naman maganda ang sounds sa sub pero pag in-on na ang makina, ayun, my buzzing sound na. maririning mo ang pag rev ng engine, kahit nakaset sa low ang amplifier e my ingay parin, nakahiwalay naman ang RCA (nasa driver side) at power cable (nasa passenger side),ive check all the grounds, ok naman, mahigpit. nagtanong ako sa audio shop at ang sabi sa head unit na daw ang sira, may bumigay daw sa loob kaya idederect contact na lang daw para maayos. yun daw ang sakit ng pioneer headunit, at ang singil nila ay P700 (mahal).

ive searched the net and nakita ko ang simpleng solusyon sa youtube. bale nagdagdag ng ground sa rca, kulang daw sa ground ang pioneer head unit kaya kadalasan my static o buzzing sounds.

when i tried the trick, hala! it worked !!! wala ng buzzing sounds sa sub pag naka on ang engine. ang ginamit ko lang e 5 inches long na wire (pwede ring speaker wire) tinaggal ko lang ang insulator, pinaikot ko dun sa positive at negative ng kabitan ng rca located sa likod ng headunit, at kinabit ko sa may screw ng frame ng head unit. start the car and boom! no more buzzing sounds.

sana po makatulong. eto po yung link sa youtube...

[ame="http://www.youtube.com/watch?v=dje-CG4UGQ0&feature=fvsr"]YouTube - How To Stop Static Coming From Pioneer Headunit Rca's[/ame]