Results 1 to 3 of 3
-
August 30th, 2017 09:42 PM #1
1996 Honda civic vti. May subwoofer and amplifier din po. Dati bigla nalang nawawala tunog lahat sa harap pati subwoofer maliban lang po sa dalawa speaker sa likod. Mamaya magiging ok na naman hanggang nun july ay wala na talaga. Nun sabado bigla din nag off stereo at sa may cigarette. Bakit po kaya?
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 52,513
August 30th, 2017 11:53 PM #2
-
August 31st, 2017 02:11 AM #3
Mula sa baterya ng sasakyan sundan ang positive line na papuntang amplifier, siguraduhing wala itong putol, kung fused man ay siguraduhing ok pa ang fuse. Siguraduhin din na ang magkabilang dulo nito ay nakakabit ng maigi, isang dulo sa baterya, kabilang dulo sa amplifier.
Sa tabi mismo ng wire galing baterya papuntang amplifer ay wire na papunta sa katawan ng sasakyan, ito ang ground wire ng amp, siguraduhing ito ay walang putol at nakakabit ng maigi.
Tingnan ang amp kung gumagana ng maayos. May mga LED ito, basahin ang manual para maunawaan ang ibig sabihin ng mga LED.
Mula sa amp meron kang dalawang pares ng RCA jacks, sundan ito hanggang head unit at siguraduhing walang putol at nakakabit ng maigi. Isang pares nito ay para sa front left at right speakers, at isang pares naman para sa subwoofer.
Ang rear speakers mo kaya gumagana malamang kasi nakarekta sila sa head unit.
Nun sabado bigla din nag off stereo at sa may cigarette. Bakit po kaya?
Yan lang muna, balitaan mo nalang kami dito.
Sent from my SM-G930F using Tapatalk
see my pahabol statement above. i mean, i can go on vacation anytime. but my spouse has her...
Traffic!