New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #1
    Help naman po sa mga Auto Gurus...

    2 months ago nung napansin ko pagtaas ng temperature, lumagpas sa 60% nung minsan sinundo ko ung anak ko from school medyo matraffic. I immediately reduce the thermostat para bumaba overheating nya. Kinabukasan, pina overhaul cleaning ko ung radiator dahil un ang pinagmumulan usually ng overheating. Pero after cleaning, napansin ko na naging regular na ung temperature gauge na laging nasa 50%. Dati namang below 50% ung gauge kahit tumakbo ako ng above 80kph or even traffic.

    Last week malapit lang tinakbo ko bigla siyang tumaas ang temperature na umabot ng 70% ng gauge which is abnormal. Pag-uwi, after half an hour in-open ko radiator and found grayish sludge sa radiator cap. tinanggal ko ung upper rubber hose and flushed the cooling system with water para maalis ung dumi sa loob kung meron man. Gumagana naman ung water pump dahil while flushing makikita mo na umaagos water kahit it rev lumalakas ang flow. Pero tumataas pa rin temperature.

    I tried na irekta ung radiator fan para continuous ang ikot. Kaya habang ginagamit namin tuloy tuloy ikot ng fan tapos hindi na namin ginagamit ung aircon. Ang temp nya ay nasa 50% pero tumataas above the 50% pag 30 minutes driving na.

    Wala tagas ung radiator and even sa mga hoses at water pump. Wala usok sa tambutso

    Pina-check ko sa mekaniko kahapon, ni-rev nya for few minutes. Wala siya makitang leaks. Nung medyo nasa 50% na temp, pinisil nya ung lower hose at sabi nya meron ng na-build na pressure inside at medyo matigas na pisilin ung hose. Ang kailangan daw is replace the cylinder head gasket and reface ng cylinder head. Medyo madugo sa gastos kung iisipin.

    Para sa mga gurus, kindly help naman. Tama po ba ung diagnose ng mekaniko?
    Pwede pa ba makuha ng flushing liquid / rust or sludge remover para malinis ung cylinder head inside na palagay ko un ang nagpapabuild-up ng pressure sa loob. Kung meron man nito, anong brand ang best. Kung wala na magagawa, talagang top overhaul na gagawin ko.

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    456
    #2
    Kung may pressure at matigas pisilin yung radiator hose, malamang may tama na ang cylinder head gaya ng sabi ng mekaniko. Unfortunately hindi nakukuha sa flushing yan, kelangan talaga top overhaul which costs around 13k sa Banawe.

  3. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    211
    #3
    wala namang mawawala if try mo eh flush bro tapos linisin mo radiator then distilled water ilagay mo. pero if talagang ganun pa rin eh pa top overhaul mo na. hehehehe

  4. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #4
    Ano po ba reason bakit nagbubuild-up ng pressure? Dahil ba sa sludge? Or merong baradong butas sa may cylinder head?

    Ang ipinagtataka ko lang wala namang usok sa tambutso, wala rin leaks na makita dahil hindi naman nagbabawas ng tubig sa radiator, hoses at water pump.
    Sa mga nabasa ko sa mga threads dito, ang sinasabi nilang dapat magpa top overhaul ung mga may puting usok na lumalabas dahil humahalo na ung water. In my case, wala talaga.

    Try ko muna i-drain ulit ung radiator at i-flush ung cooling system at baka sakali makuha pa. Mahal magpa top overhaul.

    Baka meron pa pwede magsuggest ng ibang way, please post it here na lang po.

Overheating problem - Honda VTI '96