New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 5 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Results 41 to 50 of 57
  1. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #41
    Quote Originally Posted by rex31angel View Post
    "muka nga po sir,kahit hindi ako u ng may ari ng auto,nakakapang init padin ng dugo..best wishes nalang po kay sir marco"
    +100

    kahit ako medyo nag iinit din sa ganyan kahit hindi rin ako ang may-ari, naalala ko tuloy yung Uncle ko na nagpabola sa company mechanic nila ayun awa ng diyos yung ESi na PH16a nila lalo lumala ang problema.

    madami kuno ang ipina-machine shop tapos yung mga piston ring lahat daw pinalitan pero nung mabuksan ulit at kami na lang ang nagkalas dahil sa tingin na namin na ang kondisyon ng makina ay mas maigeng palitan na lang para tignan ang loob, hindi naman na machine shop ang mga sinasabing parts na ipina-machine shop kasi yung nakita na lang na gasgas sa crankshaft ang tindi lumalim tapos sa piston ring naman isa lang ang pinalitan tapos yung cylinder may gasgas ang tatlo yung isa wala.

    kaya ang sabi ko sa Uncle ko na palitan na lang ang makina at pipili na lang kami ng sariwang surplus na D15b vtec blacktop or D16a na may kasamang tranny na at medyo tyempo naman kami dahil yung kakilala kong nagpaparating ng japan surplus ay merong dalawang makinang nabanggit saka parehas pang manual ang tranny at inabangan ko naman habang ibinababa sa 40ft container van.

    D15b vtec blacktop sana ang kukunin namin kaso nung makita ko naman parang may langis pa ng konti sa block nito na pagkakamalan mong may tagas sa cylinder head, kaya ang kinuha na lang namin yung D16a kasi malinis pa wala akong makitang langis sa iba't-ibang parte nito medyo nagka problema nga lang kami kasi walang ECU or computer box.

    dahil sa kakilala ko nga ang nagpaparating ginawa nya ibinigay na lang nya yung computer box ng D15b vtec na blacktop nung una sinabi ko na baka hindi pupuede ang computer box ng D15b sa D16a na makina pero sinabi nya puede yan maniwala ka sa akin marami nang gumagawa nyan at lalo pa mapapaganda ang andar at takbo nyan.

    nang maikabit na ang lahat lahat tama nga ang sabi nya gumanda pa ito naging mas agressive pa at naging mas effective pa ang pagka 1600 nya kaya naniwala na ako sa sinasabi madalas ng kaibigan ko nun na yung kanyang D16a ay ECU nya ay D15b vtec blacktop.

  2. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #42
    salamat sa mga reply and advice ninyo! sorry talagang baguhan lang ako sa sasakyan at madami pa ako tanong hehehe..

    so far ok naman pero hassle pa rin yung nangyari sa akin, medyo mahina yung makina bumabagsak yung idling kahit patay yung aircon. namatayan ako mga 3 beses kanina from the shop papuntang work (15 min drive). hindi ko alam kung ganun talaga pag bagong overhaul at di pa nabebreak in? parang mahina yung makina although hindi ko pinupwersa. pag namatayan, pinapalamig ko lang yung makina tapos magsastart na uli, hindi sya nagsastart pag mainit pa pero hindi naman nagooverheat.
    umiilaw din yung check oil na sign after a while pag naka 1st gear tapos mamamatayan na. kaya hinahabol ko nalang sa rebolusyon. ano kaya ito? sabi nila may diperensya na daw yung SERBO? ano ba yun? daming nakikitang problema e. buti na lang umabot ako sa work at nakaparada ngayon dito. yung takbo ko lang kanina nasa 1st and 2nd gear lang mabagal lang...
    gano lang kabilis dapat ang takbo pag bagong break in lang at gano katagal bago malaman kung pwde ng bilisan pa yung takbo ng oto?

  3. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #43
    salamat sa mga reply and advice ninyo! sorry talagang baguhan lang ako sa sasakyan at madami pa ako tanong hehehe..

    so far ok naman pero hassle pa rin yung nangyari sa akin, medyo mahina yung makina bumabagsak yung idling kahit patay yung aircon. namatayan ako mga 3 beses kanina from the shop papuntang work (15 min drive). hindi ko alam kung ganun talaga pag bagong overhaul at di pa nabebreak in? parang mahina yung makina although hindi ko pinupwersa. pag namatayan, pinapalamig ko lang yung makina tapos magsastart na uli, hindi sya nagsastart pag mainit pa pero hindi naman nagooverheat.
    umiilaw din yung check oil na sign after a while pag naka 1st gear tapos mamamatayan na. kaya hinahabol ko nalang sa rebolusyon. ano kaya ito? sabi nila may diperensya na daw yung SERBO? ano ba yun? daming nakikitang problema e. buti na lang umabot ako sa work at nakaparada ngayon dito. yung takbo ko lang kanina nasa 1st and 2nd gear lang mabagal lang...
    gano lang kabilis dapat ang takbo pag bagong break in lang at gano katagal bago malaman kung pwde ng bilisan pa yung takbo ng oto?

  4. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #44
    got home from work wala naman masyado problema hindi ako namatayan medyo kabado lang hehehe. napansin ko kasi mas prone mamatay yung makina pag matagal ng tumatakbo. nararamdaman ko na medyo mahina parin yung makina e gawa kaya ito dahil bagong overhaul lang at hindi na road test nung mekaniko? parang ako na din kasi nag roroad test ngayon eh. yung SERBO pala e yun ba yung Idle air control valve? ganun talaga parin yung idling kasi sobrang bagsak pag binuksan yung aircon below 1000 nasa mga 200 lang, yun kaya prob nun?
    follow up lang dun sa check oil sign (yung pula), umiilaw sya pag medyo nakatakbo na yung oto ng 5-10 minutes pero pag nirerebolusyon ko nawawala tas pag bumaba yung idling umiilaw uli yung check oil, at most likely pwdeng mamatayan. parang nag cho-choke yung pasok ng gas parang lunod yung selinyador. ano po kaya yun? sensor lang kaya yun nung check oil sign? tnx guys

  5. Join Date
    May 2007
    Posts
    104
    #45
    pa obd scan mo pre para sure... maraming cause ang check engine/check oil sign... meron silang scanner para dyan para malaman kung ano tlga problema... it could just be a simple dirty IACV or dirty throttle body. join HCP bro tpos basahin mo yung DIY section nila and other threads, very informative and useful

  6. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #46
    *mikhailer

    thanks po sir! san po kaya pwde magpa obd scan and magkano inaabot yung ganun? btw, yung IACV nilinis na e, ganun parin yung nangyayari.

  7. Join Date
    May 2007
    Posts
    104
    #47
    speedyfix may obd scan. ams turbo in pasig. usually mga big shops. kung scan lang wala pang 200 bayad dun... may mga codes na lalabas dun tpos titignan nila sa computer. mas maigi dun mo na rin pagawa para sure

  8. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #48
    thanks very much! sigurado pa obd scan ako

  9. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #49
    hi guys, nagpunta ako speedyfix kanina. di pa nila na obd scan kasi pag check nila kanina una tinanggal yung spark plugs. yung isang spark plug lose thread na at kinakain na yung thread, at binalutan pa ng electrical tape para sumikip! loko talaga yung pinag overhaulan ko na shop.
    sabi nila pa warranty ko muna daw dun kung san ako nagpa overhaul pero natatakot akong ibalik dun baka kung ano pa magawa e, medyo maayos na yung takbo except dun nga sa aircon.
    anyway may alam ba po kayo na remedyo dun para sa spark plug chamber na lose thread na? kailangan na ba magpalit ng head? wag po sana..
    may konting oil din yung loob ng throttle body. normal ba po yun?
    yung isa pan prob sa unang start ok naman, pero after mga 30mins driving at mainit na yung makina, pag pinatay e nahihirapan na magstart. kelangan palamigin para tumakbo uli.
    sabi din sa speedyfix wala daw power dapat ipa compression test. magkano po kaya inaabot yung mga ganun test? thanks

  10. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #50
    thank you nga pala po sa lahat ng mga reply nyo, very helpful po!

Page 5 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
need help! car (honda civic 93 esi) noob..pls advice