New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 57
  1. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #1
    hello! sa mga makakatulong po sana..

    recently got a honda civic esi 93 na PGM-FI engine (mga oct 09) galing sa tito ko.. medyo ok naman sya nung nakuha ko pero madami na talagang prob yun dati pa. isang araw (mga 3 wks ago) bigla bumigay at nagoverheat yung makina buti nalang umabot pa ako sa isang gas station sa edsa. pina check ko at tumatalsik na yung langis from valve cover. madami nang bisita sa mekaniko yun simula nung nakuha ko npalitan na ng valve cover gasket, primary, 2ndary clutch, compressor, alternator.
    nung dinala ko uli sa mekaniko, naghalo na daw yung tubig at oil at sabog yung cylinder head gasket. kailangan na daw general overhaul kaya pinagawa ko na para isang sakit nalang ng ulo.
    mga pinalitan is
    1.) lahat ng barbola (engine valves ba yun?) 16pc,
    2.) piston rings .25,
    3.) cylinder head gasket,
    4.) water pump,
    5.) oil filter,
    6.) radiator hose,
    7.) bypass hose,
    8.) Timing belt
    di ko na maalala yung iba pero yun ang karamihan sa pinalitan at inoverhaul na yung makina.
    nung natapos na sa machine shop at naibalik na yung makina, nag start na. tapos pinainit lang ng konti at kailangan daw break in. nung nilabas ko na ng shop nagpa gas ako sa tapat at wala pang 3 kanto tumirik ako buti nalang malapit yung shop. binalik ko uli sa shop at tinignan nila overnight.
    nung umaga pinatakbo yung makina ng mga 2 hrs, pinatay at pinalamig, pag start uli may lumalabas na puting usok sa exhaust.
    chineck nila uli makina at nakita na may problema sa isang piston may pumapasok na oil dun sa isang piston.
    so binaba uli yung makina at pinaltan nanaman yung cylinder head gasket. yung piston ring in-oversize na nila form .25 ginawang .50
    akala ko ok na kasi kanina lang umaga natapos ibalik yung makina. pero problema parin daw e nag oover heat parin at nag hahalo parin yung tubig at langis sa makina!
    sabi ng mekaniko baka kailangan na daw palitan yung HEAD BLOCK ng makina! baka sa mga valves daw may warp e kakapalit lang ng bagong valves. gusto ko na itapon! kaya nga ako nagpa general overhaul e para mawala na yung mga prob na yun pero ganun parin yung prob.

    PLS help! tindi ng gastos hehe! kung ano mang advice mabibigay nyo sa baguhan thank you

  2. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #2
    by the way hindi din nila maayos yung timing, bumabagsak yung rpm pag binubuksan yung aircon namamatay yung makina. pls help! tnx

  3. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    122
    #3
    "sir grabe pala nangyare sayu,grabe naman ung mekanikong un daming alam pero pag dating sa totoong trabaho palpak kakainis ung mga ganung mekaniko,tapos di pa inadjust timing after ng overhaul?!?(sorry sa term)pero BOBO ng mekaniko amp..sana makahanap ka ng maayus talaga sir,good luck.."

  4. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #4
    oo nga e matindi tindi, kung ano yung problema nung pinasok ko, yun parin yung problema pagkatapos ng overhaul. nag mimix parin yung tubig at langis sa loob ng engine. kung sino po sana may kilala ng ok na mekaniko sa makati/pasay area sana po pa advice tnx

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,902
    #5
    Sir baka mas makamura ka pa sa engine swap. Kahit ph16 lang yung stock ng esi, or better d15b nalang. Wag mo na ibalik dun sa mga g***ng mekaniko na yun.

  6. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,902
    #6
    Quote Originally Posted by marco_c View Post
    oo nga e matindi tindi, kung ano yung problema nung pinasok ko, yun parin yung problema pagkatapos ng overhaul. nag mimix parin yung tubig at langis sa loob ng engine. kung sino po sana may kilala ng ok na mekaniko sa makati/pasay area sana po pa advice tnx
    Palit cylinder head gasket lang yan paps.
    Try Speedyfix recomended shop yan dito sa tsikot.

  7. Join Date
    May 2004
    Posts
    903
    #7
    Quote Originally Posted by marco_c View Post
    oo nga e matindi tindi, kung ano yung problema nung pinasok ko, yun parin yung problema pagkatapos ng overhaul. nag mimix parin yung tubig at langis sa loob ng engine. kung sino po sana may kilala ng ok na mekaniko sa makati/pasay area sana po pa advice tnx
    Palit ka Mekaniko... Yun lang, sayang binayad mo.

  8. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    122
    #8
    Quote Originally Posted by isa1023 View Post
    Palit cylinder head gasket lang yan paps.
    Try Speedyfix recomended shop yan dito sa tsikot.
    "tama cylinder head gasket lang po palit jan..sayang lang lahat ng gastos mo sa civic mo,and to think ang daming pinalitan dun.tsk.."

  9. Join Date
    May 2007
    Posts
    104
    #9
    pwede bang malaman sir kung magkano ang lahat nilabas mo simula nung pnasok mo sa shop na yan? sana bago mo pnasok nag pa 2nd opinion ka muna. ako kasi (i got this idea from reading forums here in tsikot and HCP). usually 2 to 3 opinions from 3 different and well established shops ako nag papa estimate bago ko ipagawa para sure na sure na yun talaga ang sira.

    another thing, when it comes to your engine, kelangan talaga mahusay ang gumagawa and equipped with proper tools. wag mo na isugal yung mura pero kanto kanto shops lang.

    try speedyfix, AMS turbo and other well established shops. wag ka lang sa rapide kung ayaw mong maging part ng rapide horror stories. hehe

  10. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    37
    #10
    mga sir/mam, thanks sa mga advice.

    galing lang ako ngayon dun sa shop at medyo malala na ata. so far eto yung mga nakita kong prob ngayon

    - mabilis parin mag over heat
    - halo parin tubig at oil
    - kulay white parin yung lumalabas na usok sa exhaust at mag konting tubig
    - kulay white na yung sa loob ng makina! parang mayonaise! halo daw yung oil at tubig parin at bumubulwak galing sa dip stick pag nakastart

    sabi nga nila baka kailangan palitan head block, sabi ko wag dahil sa dami ng ginastos ko ayoko na maglabas ng pang gastos uli, gawan dapat nila ng paraan. pinuntahan namin yung machine shop sa tabi kung san unang ginawa yung makina, sabi titignan daw nila baka may leak sa head kaya pumapasok parin yung tubig. gagawin nila hydro test daw tapos kung may leak, ire-reface yung head yung nakapatong sa cylinder head gasket. kaya iniwan ko na muna dun dahil nanghihinayang talaga ako sa ginastos ko kung pull out ko na ngayon. ano sa tingin nyo? hehehhe
    sabi naman sakin ng mekaniko kung madecide ko daw mag engine swap, libre na daw nyang gagagwin dahil nakakahiya daw
    dapat ba i pull out ko na dun sa shop?

    *isa1023
    san yung SPEEDYFIX? may contact ba po kayo dun?

    *mikhailer
    almost 30k na din nailalabas ko, kasi yung labor ng overhaul nasa p13,500 at machine shop nasa p6,500, tapos yung parts pa halos 10k na din. masakit talaga sa bulsa hehehehe

    *rex31angel
    naka 2 palit ako ng cylinder head gasket, natunaw nung unang palit eh. yung mga parts na pinalitan, nakita ko talagang wala ng pag asa dahil luma na at hindi inalagaan nung previous owner. sana yung gasket lang talaga ang problema

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
need help! car (honda civic 93 esi) noob..pls advice