New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 14 of 14
  1. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    41
    #11
    nga pala mga sir gusto ko lang ma-share sa inyo sencia na kung isiningit ko sa thread na ito ha, nung huling punta ko kasi sa casa for km check-up and diagnostic, the sa recommended to replace all the parts ( underchassi ) and sabi ko yung mga major na lang muna unahin and change ng oils, fluids etc.. pinacheck ko rin ung fan belt and pa-check ung aircon dahil me tumutunog i think sa bearing ata, sabi replace na rin lahat ng drive belts so after the inspection and all that pumayag na lo palitan and tomorow na daw matatapos so ayun naghintay na lang ako gang kinabukasan, kinaumagahan tumawag ako and tinanong kung tapos na then sabi ng sa kelangan na daw palitan ung compressor dahil me kinain daw na basahan, 25k+ daw lahat magagasatos and yung fan belt na lang daw pinalitan nia dahil ok pa naman daw ung ibang belts, so nagulat ako and tinanong ko kung kelan nila nakita ito, ang sabi nung kinakabit daw nakita ung basahan, guys db nainspection na yung car bago recommendation? ano sa tingin nio me mali ba sila d2? nagtataka kasi ako kung pano nagkaron ng basahan dun eh wala naman ako natatandaan na ginalaw dun, haay... so nadagdagan pa gastos ang compute nila lahat aabutin ng 60k sus san nmn ako kukutkut ng ganun.... grabe sencia na kau napakalaki ng problema ko..

  2. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,100
    #12
    i suggest you pull your car out na muna from that casa.

    or you can tell the service advisor: "wala ako pambayad ng ganyan, remedyohan nyo na muna mareremedyohan nyo jan." this is what i do. i never give the go signal to start replacing parts if i know na pwede gawin sa labas ng mas mura. ag habol ko lng kse sa casa usually ung diagnostics eh, pina-panote ko lng sa recibo tas sa labas ko gagawin.

    pag nailabas mo na yan... pasyalan mo na yung cruven. tapos yung mga belts sa forcedspeed (walang fan belt ang mga honda pre. puro electric fan yan). tapos yung mga kung ano ano pang kuliglig na maramdaman mo sa speedyfix. the point being, hindi toyota or mitsu ang honda. dapat sa mga specialists mo dinadala.

    sorry to hear abt your casa problems though. the best thing to do sa susunod kausapin mo maige yung SA. kamo tipid meals ka pero gusto mo maayos yung <insert sira here>... pagka kasi nakita nila medyo newbie ka pa sa paayos, talagang tatagain ka nyan. kahit saan casa ganyan, and most auto shops including rapide haha

  3. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #13
    for the rad fan wala ng belt ito dahil electric motor ito. ang meron belt ay para sa A/C compressor, ps pump and alternator. regarding naman sa injection ng under chasis like ball joints, kasi na experience ko nagpagawa sa zee and cruven tumitigas ang steering wheel, at hindi ito bumabalik sa center pag ka nakaliko ka at binitiwan ang steering wheel kailangan assist mo pa sa going to center. Voltscastillo ganito rin ba experience mo after injection?

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,100
    #14
    raine:

    yeah nung first time bro. pina ayos ko lng kse yung balljoints upper and lower, left and right sides. naging sintigas ng panutcha yung steering pero after awhile umayos na din.

    i think nangyari ito kasi nung time na yun iniwan ko yung tierod and rack ends. hindi ko pinagawa. so malambot pa sila nung tumigas yung balljoints. nagkaroon tuloy ng resistance. 2nd time and 2nd car na pinagawa ko dun (1st was an EK, next was my old CRV) sinabay ko lahat lahat pati stab links injected din (nung 1st time, around '05, hindi pa nila daw kayang injectan mga stab links kasi masyado maliit kaya pangit na replacement lng pinalit ko. sira din agad after 2 months. now pwede na stab link injection)... ok naman. tumigas, pero it'll return to center naman pag full turns.

Page 2 of 2 FirstFirst 12
honda underchassis