New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    36
    #1
    ask lang po newbie here.. nagbrobrowse ako ng honda jazz.. bakit mas mura ung mga "Fit" compared dun sa tagged na mga local units... also may mga nakikita ako 200k to 250k 1st owned pa, is this true or scam? also may something ba dun sa mga labeled na "Fit" kaya mas mura? 200kish lage.

    ty

  2. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,299
    #2
    galing Japan yun converted to left hand drive. mga plate number nila starts with letter "B". Sa Cagayan region nakaregister kasi galing sa Port Irene mga yan. Noong pumunta kami duon sangkatutak sa dami iba't ibang kotse pa.

    Bakit mura kasi mura nila nakuha from Japan. Pero mga advise dito mas ok pa din kumuha ng 2nd hand na local.

  3. Join Date
    Dec 2013
    Posts
    37
    #3
    Yes converted yun from RHD to LHD at galing ng Japan.

    Honda FIT 2002 owner ako. So far wala naman akong problem, smooth naman ang takbo ng auto ko.
    Tip ko lang sayo, kung bibili ka, siguraduhin mo na maganda yung conversion. Wag ka kukuha nung tinatawag nilang putol.
    Pag kasi yung putol, yun daw yung madalas na may problema sa conversion.

    Tapos i test drive mo. Subukan mo patakbuhin kahit mga 80 to 100kph para malaman mo kung stable sya kahit high speed.
    Tapos yung side mirror, dapat tama yung angles. Pati yung shifter, dapat hindi yung binaliktad lang.
    Signal lights, headlights etc.. check mo.

    yung mga 200k, medyo kabahan ka dyan kasi sobrang baba nyan baka low quality, yung sakin kasi nakuha ko ng 275k.
    At usually, base price mga yan. Kapag may accessories yung kukunin mo maiiba ang presyo.

    Magsama ka ng mekaniko, para atleast may alam yung titingin.

    Sana makatulong!

  4. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    36
    #4
    Thank you both sir, f/u question lang.

    what variant po ba or year model ng jazz ang dapat iwasan if meron...?

    2nd mukang kukuha ako sa port irene, tanong is san ba dapat ipaconvert un na tipong perfect convertion??

    salamat in advance!

  5. Join Date
    Dec 2013
    Posts
    37
    #5
    Ok naman lahat ng model jazz/fit pero syempre mas latest mas mataas ang presyo at mas may advantage syempre yung mga latest model.

    Yung sakin kasi, converted ko na sya nakuha bale may sub delear dito sa lugar namin, pero port irene galing yung auto.
    Dpat siguraduhin mo na hindi yung putol yung kukunin mo. Dahil conversion kit na ang gamit ngayon katulad nung sakin galing sa local honda jazz. Sabi dito sa forum, makikita mo yung putol sa may dashboard palang, tapos minsan yung mga buttons etc nasa passenger seat, tapos yung shifter parang binaliktad lang, wag ka kukuha nun.
    Tapos yung side mirror, iba kasi ang orientation ng side mirros ng RHD. check mo kung ok naman yung angle ng sidemirros. Yung sakin kasi, medyo off yung angle sa right side mirror pero ginawan nalang namin ng paraan at minimal issue lang naman yun.
    Ang siguruduhin mong mabuti ay yung sa steering area conversion dahil yun ang pinaka critical sa conversion process.
    Try mo sharp turns kung responsive at hindi mahirap iliko. Tapos paandarin mo rin ng kahit 80kph, para maramdaman mo kung stable yung auto.

    Siguraduhin mo na from local unit yung ginamit sa conversion ng auto mo. Sana makatulong!

  6. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,299
    #6
    Quote Originally Posted by axelross View Post
    Thank you both sir, f/u question lang.

    what variant po ba or year model ng jazz ang dapat iwasan if meron...?

    2nd mukang kukuha ako sa port irene, tanong is san ba dapat ipaconvert un na tipong perfect convertion??

    salamat in advance!

    kung duon ka mismong bibili, may mga gumawa duon on site, makikita mo paano nila iconvert. check mo din yung headlight kung pinalitan din, yung nabili (van) ng pinsan ko hindi pinalitan yung headlight pang RHD pa din, kaya ang taas ng throw ng left headlights nya kumpara sa right.

    sabi nila sirian daw ang CVT, kung ok lang sa'yo manual get a 1.5 m/t vtec.

  7. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    36
    #7
    salamat po sirs, last na tanong na pasenxa na

    nakahanap ako ng shop sa davao ng murang Honda Fit...anyone know pano toh iship sa manila or drive? at higit sa lahat yung cost

    super thank you sa makakasagot! =)

  8. Join Date
    Dec 2013
    Posts
    37
    #8
    Ito rin yung balak ko dati, pero parang nakakatakot mahirap magpadala ng bayad kung di mo sigurado yung vendor. At isa pa baka mahal ang pa deliver nun from davao to manila. Best option parin talaga ang mga galing ng cagayan.

    Ikaw try mo sir yung ganun process, medyo mababa nga yung mga price nila dun pero ok kaya ang conversion?
    If ever na you go with that option, post mo dito yung experience mo para magka idea rin mga tsikoters natin hehe

Tags for this Thread

Honda Jazz/ Fit experts question lang po