New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Mar 2013
    Posts
    42
    #1
    Hi Sirs,
    Di ko matanggal yung cover nung stock air filter box ko, yung dalawang screws mukhang nasira na yung pinagkakabitang plastic, baka hinigpitan masyado nung huling nagkakabit. Iniisip ko na sirain na lang at palitan ng surplus na cover.

    San kaya ako makakabili ng air filter box assembly baka may alam kayo dyan around QC / Banawe area nagtanong kasi ako dun sa malapit sa HRC banawe wala daw. Di pa ako nakakaikot uli kasi sa Bulacan na ako nakatira, Maraming nagpalit ng air filters nila to drop-in air filter so I am thinking maraming surplus nun.

    Honda Civic 2003 Lxi po yung car ko.
    Thanks!

  2. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #2
    sa mga buy & sell site madami ng nagkalat na ganyan..search ka lang baka may nag bebenta malapit sa location mo eh..maka tipid kapa sa gas..

  3. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    485
    #3
    can you post pics? meron ata ako ganyan when i replaced my civic's air filter with cone type k&n.

  4. Join Date
    Mar 2013
    Posts
    42
    #4
    *yourman_2nd,

    Wala ako picture eh, sira yung phone ko yung replacement phone ko di malinaw pag sa loob ng trunk ko pinicturan. Hindi ko kasi muna kinakalas kasi mukhang sisirain ko yung casing just to remove the filter.

    May link ako nung catalog, Eto yung part nya . sya yung #2 dyan sa picture ng catalog. yung ilalim na part mismo yung pinagkakabitan ng air filter element sa ibabaw ng throttle body.

    2003 Honda Civic Air Cleaner, 4DR LX KA 5MT B__01

    Baka meron ka pa nyan sir yung mga nakita ko sa sulit puro sira din yung lower part ng housing dahil sa screw holes eh.

    I would love to stay OEM as possible, pero last resort ko na yung aftermarket air filters.

  5. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    27
    #5
    Madali lang dapat palitan ang air filter ng 2001-2005 Honda Civic. Pinalitan ko ng drop in K&N air filter ang 03 Civic LX Sedan ko. Maganda ang drop in filter ng K&N. Konting oil lang at linis balik na uli.

    Grabe naman ang huling gumalaw ng air filter mo. Si Hulk ba ang nagpalit? Maghanap ka na rin ng surplus na air filter cover. Baka mas mura din.

  6. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    17,595
    #6
    try mo punta sa honda club phil tapos post ka doon sa looking for thread. marami na din nag-palit dun ng cone type air filter kaya baka meron pang nakatambak sa mga stock room o garahe nila ng ganyan

    or try mo din sa club 7th gen. iyan ang club naman ng es civic owners. baka may makita ka din sa mga members nila

    hth

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    2,372
    #7
    Mas maigi sir punta ka banawe or evangelista canvas ka na din. Pagnakakita ka pabaklas mo na din dun para walang abala. Bibili ka online poproblemahin mo pa pagbaklas at kabit. Heheheh

    Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 4 Beta

Tags for this Thread

Honda Civic Air Filter Box