New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    29
    #1
    Please help naman po, ala kasi ako alam sa sasakyan, alam ko lang sumakay, kpag nasira magpagawa..

    Air Con Problem po, kuha lang po sana ako senyo ng idea,

    Model: Honda Eg Hatch Back 94 Model
    Engine: d15b (EK3) dual VTEC

    hindi ko pa kasi alam ang model nung compressor, ipapakalas ko muna sa tropa ko kapag available na sya, mga buaya kasi sumingil ng labor d2 sa batangas, kaya dun na lang sa tropa ko isang kwatro lang ok na.

    Last year(can't remember the exact date) ipinagawa ko ung aircon ko sa san roque santo tomas,batangas (hindi lumalamig) nilinis nila then charge ng frion, so lumamig na... but after a days nawala na naman so bumalik ako, kinalas ulit lahat at sinabing sira daw yung bearing ko sa compressor so pinalitan nila, pagka kabit maingay ung bearing, so kinalas ulit, meron sya grinder sa part na un at pinukpok ng martilyo.. ikinabit ulit tapos meron pa rin ingay, kalas ulit at pukpok ulit at grinder at kung ano ano sinabi sakin na dko naman maintindihan kase buisit na ako, ikinabit ulit nawala ang ingay.. lumamig na ulit.. so uwi ako.. after a days wala na nman ang lamig.. bumalik na nman ako sa kanya at kinalas na nman.. at ikinabit hanggang sa nadiscover na maluwag pala ung hose na pinag sasalinan ng freon.. yung matabang hose,, >.< so pinalitan yon at ok na ulit.. sa lahat lahat ng yon hindi ko na ma compute mga nagastos ko. yung kotse ko kasi mas matagal ang itinitigil sa park kesa sa pag gamit ko kasi mas ginagamit ko yung mio soul ko.. then now, this year month of June, may umingay na naman, bumigay yung bearing, hindi na ako bumalik dun sa pinagpapagawaan ko last time kasi nag ka troma na ako doon,, maghihintay na naman ako ng napaka tagal tapos magagastusan na naman ako sa walang kwenta serbisyo nila. doon ko dinala sa tanauan yung auto ko, pagkarating ko pa lang sabi nya sira na daw yung leeg ng compressor ko, leeg ang tawag nya eh, estimate nya na magagastos ko 12,500 so nanlambot ako.. nagtapos kami sa 12k. pero di ko muna ipinagawa kasi that time 5 pm na bukas na ako babalik sabi ko. pero sabi ko sa sarili ko bago ko ipagawa ulit pagisipan ko muna what maganda paraan.. sana ma help nyo ako. Taga santo tomas batangas lang ako, so dito lang sana ako magpapagawa ayoko punta sa manila, malayo din kasi at wala ako oras. ano po ba maganda gawin? buy ako surplus na compressor? sabi nung mekaniko range daw ng surplus ay 4k upto 5k, nag tingin ako sa sulit ng brandnew sabi sakin 10k-14k daw, dko pa kasi masabi exact model nung compressor. sabi nung mekaniko kpag ako daw bumili ang labor daw babayaran ko sa kanya pagpapakabit ay 5k, hindi ko alam kung may papalitan pa sya at ganun ka mahal ang kabit.. pa advice po sana ako kung ano maganda gawin. kulang pa din kasi cash on hand ko at hindi na ako nagmamadali pag papagawa baka kasi pag sisihan ko ulit. thank you po makakapag bigay ng idea.

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    3
    #2
    Sabay tyo nagpgawa last year sa san roque di ba, ngyon hindi n din lumalamig ung sa auto ko.

  3. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    321
    #3
    san ba location mo sir? you may want to read this para magka idea ka Error

  4. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    29
    #4
    kaw pla yan imben, palpak gumawa dun sa napag pagawaan naten, pinalaki lang ang sira ng air con ko.. wala naman problema yung bearing pero pinalitan nya, ang problema lang pala yung sa hose kase maluwag lang at sumisingaw dun yung freon.. kya pagkaak karga ng freon ilang araw lang ubos agad..

  5. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    29
    #5
    * raycon, sir d kasi ako member ng HCP d ako maka register..

  6. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    29
    #6
    nakapag register na ako sa HCP ^_^ basahin ko na lang yung share mo sir raycon ^_^

Tags for this Thread

Eg Hatch Air Con Problem Please Help